''Judah ano toh!? Sinong gumawa nito!?'' paulit ulit na tanong ni Rocky kay Judah habang yakap yakap siya nito. Sa totoo lang, iyon din ang mga tanong na umiikot-ikot lang sa isipan ng huli simula nung nakita niya ang tweet na iyon. Sino nga ba ang mapangahas na magpo-post ng ganoon? Kung sino man ang taong iyon tiyak na may matinding galit ito kay Rocky.
''Shhh. Tahan na Buko hah? 'Wag kang mag-alala nandito ako. Nandito lang ako at hindi kita iiwan. Sasamahan kitang haharapin ang anumang mga susunod na mangyayari.'' hinigpitan niya pa ang yakap sa sa kabiyak upang maramdaman nitong hindi ito nag-iisa.
Hinigpitan rin ni Rocky ang yakap niti kay Judah. Iyon ang tanda na nagtitiwala ito sa kanya at ramdam nito na hindi magiging isa sa laban sa mundo, sa mga tao at sa paligid niya.
''Rocky are you okay?'' text mula kay Love.
''Kuya ayos ka lang? Wag kang mag-alala tungkol sa amin kasi mahal na mahal ka namin kahit ano ka pa o sino ka pa. Narito lang kame nina Kuya Judah.'' text message naman na mula sa kapatid nito.
''Ayan, tignan mo Rocky ang daming nagtetext sa yo oh. Marami kameng mga nagmamahal sa iyo laban dyan sa mga mapanghusgang magko-comment diyan.''
''Judah natatakot pa rin kasi hindi pa ako handa sa pagiging ganito. Dahan dahan ko pang pinag-aaralan at kinakabusado ang maging ganito. Pakiramdam ko'y parang nasa gitna ako ng dalawang nag-uumpukang bato.'' hinaplos nito ang luha na patuloy sa pagdaloy sa pisngi.
''Siguro kung anu-ano nang masasamang sinasabi at iniisip sa akin ngayon ng mga naging kaibigan ko at ng mga kaibigan ko, mga nakasama ko noon sa trabaho, mga kakilala ko. Baka hindi na sila magtitiwala sa akin, baka hindi na nila ako tatanggapin kung magkikita man kame ulit. Judah ang dami kong nang masamang iniisip!''
''Rocky ano ka ba? Relax ka lang hah? Yang mga 'siguro at baka' mo nandiyan lang iyan sa isip mo. Di ba nga sabi ko noon 2020 na, gender is fluid. Homophobia is outdated. Iyang mga iniisip mo, iyan yung mga taong hindi ka talaga mahal. Kasi kung mahal ka talaga nila tatanggapin at rerespetuhin nila ang choice mo sa pagkatao mo.''
Tumango lang ito at muling niyakap siya.
''Judah, I read the tweet about Rocky. Is he okay? Are you okay? I think you have to cool-off with him muna to calm the situation?'' text message na natanggap niya mula kay Glenn.
''Anong cool-off? I will never leave Rocky just because he's into something bad. And it's not that bad Glenn, di ako kagaya mo.'' reply niya sa text nito.
''Really? Buti nga sa kanya. Sana mas lalo pa siyang masira! Judah please think thrice before choosing him totally over me! Wag mong hayaan na mapunta ka lang sa isang taong hindi pa completely tanggap ang mismong sarili niya.'' \
''Glenn you are annoyingly paranoid. I chose Rocky and I will not leave him, not today, not ever!'' pakiramdam niya'y mas lalo lang sinisira ni Glenn ang mood niya kaya blinocked niya ito para hindi na makatext pa o makatawag.
''Buko, halika.'' mula sa kwarto at pagmumukmok nito, hinila niya si Rocky pababa sa dining area. Sinarado niya ang lahat ng mga wall curtain para maging madilim sa loob. Hinanda niya ang isang video presentation sa laptop habang naka-connect ito sa malaking TV nila sa sala.
''Anong pakulo iyan?'' nagtatakang tanong nito habang napapalipat-lipat ng tingin sa kanya at sa ginagawa niya.
''Basta, umupo ka na lang diyan at mag-relax.'' inabot niya rito ang isang can ng beer at ang chips.
''Iinom tayo?''
''Oo, iinom tayo para makalimot ka. Di ba nga kasi kapag may problema tayo kung hindi lockdown pupunta tayo sa bar?''
''Ba't mo alam iyan?''
''Siyempre, nung nag away tayo nagpunta ka sa bar kaya ngayon dito na lang tayo iinom.'' inangat niya ang can ng beer. ''Cheers for being my boyfriend and cheers for being the strongest man I know.''
Tinapad nito ang hawak na beer sa can beer niya. ''Cheers kahit english iyon at hindi ko masyadong naintindihan.''
Sabay na lang silang nagtawanan sa ideyang iyon ni Judah. Oo, may problema si Rocky pero tulad ng ipinangako niya, magiging kasangga niya ito sa anumang laban at karamay sa kahit anumang kalungkutan.
''Oh, ready ka na?''
''Readyng ano?'' ngumuso siya sa TV at saka pinindot ang remote.
Nag-play ang mga stolen videos at photos nila ni Rocky nung mga panahong nagpo-photoshoot sila para sa online application nito. Mga lihim na litratong kinuha niya sa lalake at naka-save lang sa kanyang gallery. Ito ang mga litratong tinitignan niya sa tuwing namimis niya ito o di kaya'y malungkot siya.
''Anong pakulo iyan?'' natatawang tanong nito.
''Nasa movie bar tayo. Inom at chill lang habang pinapanood natin ang videos at photos na iyan. Iyang yung mga tinitignan at pinapanood ko kapag namimis kita.''
''Eiih. Sweet naman ng buko ko. Mahal na mahal kita buko hah.'' hinalikan siya nito sa noo.
''Ganun din ako buko.''
''Sana all.'' sabay silang napatingin sa gawi ng boses na iyon.
''Manang!'' sabay nilang banggit.
''Sorry naman sa istorbo mga Sir. Nanjan na po kasi yung pina-deliver niyo Sir Judah.''
Umiling na lang si Rocky habang nakangiting tumingin sa kanya. Hinalikan muna siya ulit nito sa noo bago siya tumayo't nagtungo sa gate para kunin ang delivery.
Itutuloy...
Kabanata 14: Ako pa rin ang Pinili
Thank you everyone for reading! Guys, pa-konting inspirasyon naman. Please don't forget to vote after reading by clicking the STAR icon and leave your comments or suggestions! Thank you so much!
See you in the next chapter!
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Sansinukuban (Quaranthings The Series Sequel)
Fanfiction''Sasama ako kahit saan ka magpunta.'' ''Wala ka nang kinakatakot?'' ''Wala!'' Kasabay ng pagtanggap ni Rocky sa kanyang tunay na pagkatao ay ang paghanda niya rin sa sarili sa mga magiging reaksyon ng mga tao sa kaniyang sekswalidad at sa kung a...