Chapter 40

70 21 18
                                    

Therra P.O.V.

Pagkadating ko sa office ni kuya ay dalawang gwardiya na ang naghatid saakin sa loob

' Tss anong kalokohan nanaman to?' Naasar na tanong ko sa sarili

" Oh! Hi Prime" Masiglang bati nito

" Anong ginagawa niyo dito?" Masungit na tanong ko sa kanila

" Hindi ko alam na bago na pala ang taste mo sa paggalang " Nakangising saad nito habang inaamoy ang wine na nasa kamay niya

" Syempre iba ibang putahe ang nakakasalamuha ko katulad na lamang niyo matabang at nakakasuya sa mata " Mayabang na saad ko

" How dare y--"

" Shut up! I don't need your complain" Masungit na saad ko saka siya linampasan at lumapit sa lamesa at umabot ng wine

Pero ang sumunod na nangyari ay nagkagulo na kami mabilis silang lumapit at nagpakawala ng mga suntok at tadyak na iniiwasan ko habang kinokontrol parin ang wine sa baso

Nasapak Ako tatlong beses at sumunod naman ang malakas na tadyak sa tagiliran ko dumugo pa ng bahagya ang labi ko at nagkasugat ang pagmumukha ko

Ininda ko na lamang iyon at tinignan ang baso ng wine kung nabawasan ba ito

' Tss pagnagkataon na nabawasan to edi unang talo ko to ' Nakakakalokong saad ko sa sarili

" Ano nabawasan ba?" Natatawang saad ng isa sa amin habang hinihingal pa kaming lahat

" Wag kang magalala kahit kailan ay di kinalawang ang galing ko sa lahat ng bagay katulad niyan " Sabay turo ko sa kanila

" Pagod na kayo ako nagwawarm up palang " Nang aasar na saad ko

" Mayabang ka parin Prime wala ring kupas " Sabi ng babae

" Salamat sa papuri dinadagdagan niyo ang talento kong magyabang sa mga walang kwentang katulad niyo" Nangiinsultong saad ko saka mabilis na linagok ang wine

Nagsimula na ulit kaming sumugod sa isa't isa hanggang sa magkagulo ang buong office ni kuya wesly

" Kumusta ang pagaaral mo dito Prime"

" Akalain mo nga naman nakalayo na ako't lahat lahat pero marami parin kayong nalalaman saakin"

" Wag kang magassume Prime alam naming--"

" Alam ko kaya nga  ikaw ang unang taga hanga ko kase magyayabang palang ako umaatras na  ang dila mo" Nakangising saad ko saka mabilis siyang tinadyakan kaya tumilapon ito papuntang sofa

" Venez ici " Nakangising tawag ko sa pinuno

" Venez Ici Senior" Ulit ko pa kaya mabilis itong tumakbo at pumulot ng bagay na ihahampas saakin ngunit nailagan ko ito mabilis ko itong sinangga at inagaw saka pabalik na ginawa

*Come here Senior - Meaning

" Hindi ko nagustuhan ang pagdalaw niyo senior wala ito sa usapan " Nakangising saad ko saka malakas na itinulak

Malakas niya ding itinulak iyon kaya mabilis din akong napaatras

" Ne Nous Tourne Jamais le dos" saad nito sa harap ko habang malakas parin akong itinutulak gamit ang bagay na nasa pagitan namin

" Je ne tourne jamais le dos, Senior" Saad ko rin saaming ikatlong lenggwahe

* je ne tourne jamais le dos, senior- I never turn my back, Senior

Trapped into Bad Girl's Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon