Dedicated to: Noontime_Nap antiliit Joyceeeee97
a/n: pinakamahabang episode so far! Brace yourself, 'cause it will be a roller coaster of emotions.
Episode title:
"Her Lily"
[Preston residence]Nick's POV
Matapos ang pangreresbak nila Mitch, unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat. Ganoon pa rin naman ang sitwasyon, some people still hate her, while others saw how brave she was in the interview, marami sa kanya ang humanga.
Pagkatapos kong maghugas ng pinagkainan ay narinig ko na naman ang malakas niyang palahaw.
Mabagal akong suminghap ng mariin. Hindi pa siya sumabay sa pagkain saakin kanina, puro na lang alak ang laman ng sikmura niya.
Sinigawan ko ito pabalik.
"Kumain ka naaaaaa!"
Paglingon ko, nakahilata pa rin siya sa sofa habang ang yakap ang bote ng alak.
"Bakit mo kami iniwaaaaaan?" Gumuhit ang mapait niyang boses.
Nang mailagay ang huling plato ay dumiretso ako sa ref at nagpunas. Tinitigan ko siyang muli. Napailing na lang ako.
Mula ng mawala si Papa nagsimula ng maglasing si Mama. Walang araw na hindi siya umiinom. Gusto niyang kalimutan si Papa pero sa lahat ng bagay, naalala niya si Papa. Mula sa kutsara, electricfan, kandado ng pintuan at maging sa mga aso namin.
Kung tatanungin niyo kung mayaman kami? Hindi. Pamilya lang ni Papa.
Umaasa kaming dalawa sa maliit na negosyo ni Mama. Gumagawa siya ng homemade cookies, putobumbong, kutsinta at suman. Madaling araw siya kung gumising para magluto. Magpapa-alarm pa yan, tapos sasampalin ako 'pag mas nauna siyang nagising saakin.
Sabi pa nga niya minsan, para na daw siyang GRO dahil gising siya sa gabi at tulog sa umaga.
Baliw talaga ng nanay ko 'no?
Noong grade three ako, nagsimula nang magkaproblema ang pamilya namin. Napag-alaman kasi ni mama na may iba palang babae si papa at 'yong malala? May kapatid ako.
Ang nangyari, hindi daw ako legal. Ako yung anak sa labas habang si mama, laging kinukutya bilang kabit ni papa. Hindi nila alam na kasal naman talaga ang mga magulang ko. Masyado kasing makapangyarihan iyong babae. Hindi sila naniwala saamin.
Iyong asawa na rin niya ang nagclaim sa business ni papa. Wala naman kaming pakialam sa pera nila, ang amin lang sana mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni papa.
Kasama siya sa mga namatay sa London massacre at hanggang ngayon, hindi pa rin nahuhuli ang gumawa no'n sakanya. Kaya mula noon, hindi na ako naalagaan ni mama.
Hindi na rin siya nagpupunta sa kahit anong activities sa school. Maging sa graduation ceremonies, madalas akong mapagdiskitahan ng mga kaklase ko. Kung wala lang si Mitch, siguro, isa pa rin akong outcast sa eskwelahan.
Hindi maganda ang naging karanasan ko, aaminin ko iyon. Sa araw-araw na lagi siyang umiinom, lagi ko yata tinatanong sa sarili ko kung may nagawa ba akong mali. Kung may pagkukulang ba ako... Pakiramdam ko kasi, ako ang may kasalanan sa pagkamatay ni papa kaya habang buhay ko 'yong pagdudusahan.
Kumuha ako ng kumot at binalot sa katawan niya. Hindi ko naman magawang magtanim ng sama ng loob kay Mama dahil siya na lang ang meron saakin.
Siya na lang ang kilala kong pamilya.
BINABASA MO ANG
He Loves Me, She Loves Me Not
Ficção GeralWhen the villain got her own story, will someone finally understand her? Or just like a villain's ending... will she suffer in the end? Highest ranking: #2 friendzone #3 medtech #4 savage