CHAPTER 9

205 11 0
                                    

PLACE >>>>> San Allegre
TIME    >>>>> Night
DATE   >>>>> Unknown

Sa isang ospital sa probinsya ng San Allegre
Nag aayos ng gamit sa locker si Sarah.

Natapos nanaman ang isang nakakapagod na duty niya bilang isang nurse sa ospital na matatagagpuan sa bayan ng San Allegre.

"Parang nagmamadali ka nanaman umuwi". sabi ng kapwa nurse na si Bong.

"Para mahaba yun tulog ko".
sagot naman ni Sarah habang naglalagay ng pulbos sa mukha.

"Pwede ka umangkas sa motor ko hanggang floodway dun maluluwag na ang mga jeep" magandang loob na ini alok ni Bong sa kapwa nurse.

"Hay naku yoko sumakay ng motor, mag tataxi na lang ako".

Matagal nang nahalata ni Sarah na may gusto sa kanya si Bong ngunit pinasya niyang wag muna magkaroon ng boyfriend para maituon niya ang atensyon niya sa kanyang anak.

Nagpaalam na si Sarah kay Bong pagkatapos mag ayos at dumeretso na lumabas ng ospital.

Natagalaan mag abang ng taxi masasakyan si Sarah dahil puno ang lahat na makita sa daan.

Ilang saglit pa ay huminto ang isang motor sa tapat ni Sarah.

Nagulat ang babaeng nurse kasi mabilis at maingay ang motor nung pumuwesto sa harapan niya.

Pag tanggal ng helmet ay nakita niya na si Bong pala ito.

"Ano Sarah naabutan pa kita diyan sumakay ka na kung natatakot ka ay babagalan ko lang ang takbo."

inalok ulit ni Bong dahil nakita nila na atat na atat na umuwi si Sarah sa kinatatayuan nito.

Luminga linga si Sarah sa kalsada sakalin may paparating na kotse.

Nang nakumbinsi na ni Bong pasakayin si Sarah ay sabay naman na parating na taxi sa malayo.

"Bong salamat na lang dito na lang ako sa taxi sasakay"

Pinara ng nurse ang taxi at laki tuwa ni Sarah na walang sakay na pasahero ang sasakayan.

"Kita na lang tayo bukas Bong" sabay sumakay na nga si Sarah sa likod ng taxi.

SA LOOB NG TAXI:

Tinanong ng driver kung saan ihahatid si Sarah.

Sinabi ng babae kung saan ang daan papunta bahay nila.

Isang masipag na nurse si Sarah madalas itong mag overtime dahil malaki ang tiwala ng head nurse nila sa kanya kaya madalas ay ginagabi ito ng pag uwi.

Naka idlip si Sarah sa loob ng taxi dahil na din sa pagod.

Nang naalimpungatan siya at sumilip siya sa labas ng bintana ng kotse.

Di pamiryal ang dinadaan nila.

"Kuya saan na tayo? ... parang iba na yun daan natin"
sabi ni Sarah sa lalaking driver.

"Nagbago tayo ng routa kasi traffic po" sagot naman ng driver.

Nagtaka si Sarah dahil matagal na siya dumaan sa lugar na sinabi niyang  pauwi at di naman niya nararanasan na sumikip ito dahil sa trapiko.

"Kuya balik na lang tayo sa highway okay lang kung traffic dadagan ko na lang ang bayad".

Nakaramdan ng takot si Sarah dahil di siya comportable na di niya alam ang lugar kung saan papunta ang taxi.

Ang Lihim Ng Baryo San Allegre (ON-GOING Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon