2 weeks ng walang paramdam.
Hindi ko na alam anong gagawin ko sa buhay. Ang hirap kaya intindihin ng sitwasyon namin ngayon ni Aste. Wala man akong balita. Hindi ko man alam kung nasaan siya. Pati mga magulang n'ya, hindi naman ako pinapansin. Nakakainis. Nakakairita.
"Aray!" Nagulat ako sa biglang pumalo sa pwet ko. "Phryne naman e!"
"Ayan. D'yan ka magaling. Kanino ka pa tingin nang tingin d'yan sa cellphone mo. Work work din, uy."
"Ha? Anong work? Tapos na diba?"
"Ayon, lutang." Sabi naman niya habang inaayos ang sarili. "Binibiro ka lang, e. Edi rest well!"
"Whatever. Kamusta na yung kalandian mo sa dating-app?"
"Uy, interesado siya. Ayon sis! Chika ko ha. Wala, ang gwapo niyaaaaa. Feeling ko siya na talaga yung para sa'kin." Landi.
Kung nagtataka kayo bakit walang kontrabida, kami lang dalawa ang nandito sa office. Ang dami ko na kasi inambag, pinagpahinga muna ako ni Pres baka mahimatay raw ako. Malay ko lang dito sa babaeng 'to bakit nakatakas. Porket malakas kay Locke. Charot.
"Paano mo nasabi, boang?"
"Maka-boang ka naman!" Tska niya ako hinampas. Hilig maghampas ng babaeng 'to. Kapag ako naghampas, babalik siya sa tiyan ng nanay n'ya. Charot.
"Aray ha! Nakakadalawa ka na, grr."
"Ay! Pasensiya! Kinikilig kasi ako! Aso ka, ghorl? Haha. Charot." Minsan naiisip ko nalang na tumitira 'to ng shabu e. "Actually, nanliligaw na siya. Tapos balak niya akong puntahan sa bakasyon."
"Baka poser." Sabi ko.
"Bitter 'te?" Nandiri naman ako.
"Duh. At least hindi ako pumapatol sa taong hindi naman nageexist."
"Duh ka rin! Nageexist 'to! Gaga ka ba? Sinasabihan mo ba akong baliw? Eto oh, tingnan mo. Ayan proof na hindi alien kausap ko." Tska niya pinakita sa'kin yung fb account nung guy.
"Ah. Poser." Sabi ko naman
"Hoy! Bunganga mo! Naka-vc ko na 'to. Legit naman na may lawit pati mukha legit masarap. Ay charot. Alam mo, kahit college student siya, ang galing niya magmanage ng time. As in, may time pa rin siya sa'kin." Sabi neto habang kinikilig. Kyot ng mukha, namumula.
"College pala ha. Ayaw mo sa G12? Ayaw mo kay Pres?" Sabi ko. Eh bakit ba, ship ko sila ih.
"Gaga. Parang tanga 'to. Loyal ako, bhie. Second year college na siya. Electronic engineering ang course. Sarap kaya sa feels kapag mas matanda yung lalaki sa'yo. Ang mature. Unlike sa mga ka-age natin, parang alam mo na agad na ligwak." Ay?
"Hoy! Grabe ka naman. Hindi naman gan'yan si Aste."
"Hala! Sinong Aste? May lalaki kang iba 'no? Charot! Cool nickname, Aste pala ha. Cas lang 'yon e!"
"Eh selfish ako! Gusto ko may sarili akong tawag sa kan'ya. Ayaw ko may kahati. Duh."
"Ang harot, 'te! Btw, kamusta na pala kayo? Ang daming nakapansin na hindi na kayo sabay pumapasok ha."
Ewan ko. Pota. Pumapasok pala siya? Cool.
"Pumapasok siya?" Sabihin mo hindi.
"Nung minsan, nakita ko siya."
"Ah, congrats. May mata ka." Sabi ko nalang. Anong sasabihin ko? Ah. "What do you mean madaming nakapansin? Weh?"
"Ay, oo teh! Sa sobrang busy mo, hindi mo naririnig mga taong pinagchichismisan ka? Grabe 'te! Ano ba nangyari? C'mon, spill so I can give you an advice and a hug." Haist. Huwag gan'yan. Maiiyak ako. Ih.
YOU ARE READING
GALIRAM
FanfictionNaniniwala ka ba sa 'coincidence'? Kasi ako, hindi. Mas naniniwala ako na lahat ng bagay na nangyayari sa atin ay may rason. Tulad nalang ng pagkatagpo ko sa bandang munimuni. May mga tanong na bumabagabag sa aking isipan tulad ng... Bakit ko nga ba...