Chapter 12

3.5K 80 2
                                    

Kathryn's POV

*Ringgggg! *Ringgggg!

Napabalikwas ako sa pag kakahiga ko dahil sa alarm clock ko. Nakakatamad pang bumangon, shet! Pero kailangan. Parang sa pag mu-move on, mahirap pero kailangan. Chos! Aral muna mga Bh3😂 hahaha.

Anong oras na ba? 7:00 pa lang pala. Mamaya pang 8:30 pasok ko. Pero dahil masipag ako ngayong first day naligo na ako at nag ayos.

Pagkalabas ko ng banyo sinuot ko na yung uniform namin. Light brown syang palda na above the knee, white long sleeves polo, black and blue stipes neck tie, black coat na may nakaburdang SJU sa gilid (Imagine meron talagang logo sa gilid), Black long socks at black shoes. Parang pang k-pop ganern. K-pop fan ata may ari ng school namin eh.{Multimedia}


Inayos ko na muna yung bag ko bago lumabas ng kwarto at bumaba. Pagbaba ko nakita ko na si Darren. Naka uniform na rin sya, in short! Ayos na ayos na sya. "Aga natin ah" Sabi ko sakanya.

"Yeah. I waited you here for almost an hour. So yeah," Masungit nyang sabi. Konting push na lang tatanggalin ko na talaga yung ngipin nyang si Darren. Jusko, sakit nya sa bangs. Ay wala pala ako nun. Ok assuming muts.

"Tara kain na tayo" Aya ko. Tumungo na kami ng dining at kumain na. Kumuha lang ako ng fried rice, tsaka egg lang. Diet ho ako ngayon pasensya.

pagkatapos namin kumain nag toothbrush na muna ako bago ko kuhain yung car keys ko at pumunta na kami ng kotse ko at pinaandar yun.

*I FEEL GOOD TENENENENENENEN~*

Ringtone ko po yan. Pasensya na po, masyado lang akong addict kay Daniel Padilla kaya pati ringtone ng cellphone ko kanta nya.

"Hello? Problema nyo"

{Goodmorning din Kath! Let's all meet at the parking lot. Favorite spot. Babush!} Cheska.

Rude no? Di pa nga ako nakakapag ba-bye. Tinuloy ko na lang yung pag da-drive ko hanggang sa makarating kami ng parking lot ng school. Nag park ako sa tabi ng isang red na BMW. Kay Cheska to, sure ako.

Binaba nya yung mirror nya kaya nakita ko kung sino yung driver. Si Cheska nga. Galing ko talaga! Clap! clap!

Bumaba na kami ng kotse and wore our shades. Bongga no? Ganun talaga pag mga chix. Chos!

"Omy! Ang F5!!! Emerghed!"

"Ang pogi talaga ni Khalil!"


"Pogi mo Enrique! Anakan mo ko mga bente! Omy!"



"Mabubuntis ata ako sa mga tingin ni Darren! Fugii fugii nya talaga!"




"Ganda ni Kath! Shet! Kainlab mga pare!"


"Oo nga! Tsaka ni Cheska! Shet pare!"


"Ang ganda ni Ella!"

"Shet! Nag enroll din dito ang F5! Dream do come true mga bes kong ahas! Emeghed!"

Bulong-bulungan yan ng mga chismosa't chismoso naming schoolmates. Mga walanjo! Pagusapan ba naman daw kami pero ok na don. Sanay naman na kami dyan, charot!

Isang hilera kaming anim na naglalakad sa hallway papuntang room ni Darren. Tinatawag nila kami F5 kasi di ko talaga alam bakit, mukha bang mag reremake kami ng meteor garden with additional lang hahaha.

Ihahatid muna namin si Darren sa room nila, pero ok lang naman kasi madadaanan lang namin yun pag pumunta kami ng building C.

Pagkahatid namin sakanya dumaretso na kami sa room namin at umupo sa likod. Wala pa yung magiging adviser namin kaya chismisan pa lang yung maririnig mo sa room namin. Wala akong magawa kaya pinaikot ikot ko yung ballpen ko sa mga daliri ko, kaso engot ako nalaglag. Lanjo! Nasa ilalim ng chair ko.

"Goodmorning class!" Wait! Familiar! Inangat ko yung ulo ko pagkatapos kong kuhain yung ballpen ko.



And I was like! OMAYGASH!!!! IS THIS REAL?! IS THIS REAL?! NESFRUTA


_____________________________________________________

Done!

Vomment?

My idol, my PROFESSOR? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon