5. Skye

463 17 0
                                    

Skye

"Grabe hindi ako makapaniwala na lesbian din pala si Princess!"

Bulong sa akin ni Tine. Sa totoo lang kahit ako hindi makapaniwala eh. Wala kasi sa itsura niya. Sabagay pareho lang naman kami. Kahit naman ako hindi mo mahahalata na lesbian. Kahit nga sila Tine nung sinabi ko sa kanila nagulat sila eh. 

Alam sa buong klase namin na lesbian ako. May mga classmate ako na tanggap ako pero hindi mo maiiwasan na may mga ilag sa akin lalo na at karamihan sa mga kaklase ko ay babae.

"Kawawa naman siya. Ni-reject agad siya ni Gabby."

"Kilala mo?" Tanong ko kay Tine.

"Oo naman no. Madami-dami na din siyang nakaaway sa classmate natin. Ang taray niya kasi eh. Basta hindi mo magugustuhan ang ugali niya, ang hilig niya kasi mangbara."

Habang nagsasalita si Tine, di ko namalayan na nakatingin na pala ako sa kinauupuan nung kapatid ni Grant at tinititigan siya. Namulat na lang ako sa katinuan nung napansin ko na nakatingin na din pala siya sa akin. 

Dali-dali kong inalis ang pagkakatingin ko sa kanya at yumuko. Ano ba yan... Yun pa naman ang weakness ko. Hindi ako sanay na tinititigan ako ng tao. Lalo na sa mata. 

Natapos na ang klase namin at may sumunod pa akong 2 subject na puro 3 hours.

8 pm na ako nakauwi ng bahay.

Wala naman masyadong nangyari ngayong araw pero pakiramdam ko pagod na pagod ako.

"Nak, kain ka na. Gusto mo ba ipaghain kita?"

"Mamaya na lang po Pa. Pagod ako eh."

Kinuha ko sa bag ko ang bago kong bili na sim at pinalitan ang sim card na nasa phone ko. Gusto ko na talagang makaiwas kay Aimee at putulin ang ugnanyan sa aming dalawa. 

Hindi naman ako nag-aalala na baka puntahan niya ako sa school. Masyado siyang malayo. Sa loob nga ng 1 taon naming magkarelasyon, ilang beses palang kaming nakita. Alam kong makaka-move on din siya sa akin. 

 Naisipan kong buksan ang facebook ko.

2 notification

Christine Valdez sent you a request in Fashland.

15 minutes ago

Jean Gabrielle Santander accepted your friend request.

1 day ago

Santander? Ibig sabihin eto pala yung kapatid ni Grant.

Dali-dali kong tinignan yung wall niya. Oo siya nga. Maganda pala siya. Isang beses ko palang kasi siya nakita tapos hindi ko pa napagmasdan ng maigi yung mukha niya, In-add ko pala siya kagabi.

Maya-maya ay may nag message sa akin na hindi ko naman kilala.

From: Matthew Elunio

Hi. Nakita ko po mga pics mo. Pwede ba makipagkilala?

Wow. Di ko alam sasabihin ko. Pero yuck. Sino ba to? Hahaha.  May mga ganito din sa dati kong account, kahit na lantad na lantad dun yung pagiging lesbian ko at nakikita nila na may girlfriend ako, hindi parin ako nakakaiwas sa mga lalaki.

Wala bang buhay yung mga ganitong lalaki o desperado lang talaga sila magkagirlfriend? Na kahit sino na lang, kahit di nila kilala ng lubusan ay susubukan nilang makipaglandian. Totoo na may mga babae na nahuhulog sa ganito, lalo na yung mga madaling bolahin.

Saka naiinis talaga ako pag may nagsasabi sa akin na maganda ako. Hindi naman dahil sa gusto ko "Gwapo" o "Pogi" ang itawag nila sa akin, sadyang alam ko lang sa sarili ko na hindi ako maganda. Hindi kasi ako pala-ayos, sobrang simple ko kung tuutuusin. Mukha nga akong basura sa paningin ko. Ewan ko nga kung paano ako nagka-girlfriend eh.

Hindi ko nireplyan yung lalaki, nakakainis lang. Matutulog na nga lang ako. Maaga pa pasok ko bukas.

Our Playful Secret (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon