Sa pagpikit ng mga mata'y siyang pagmulat ng reyalidad mula sa kakaibang mundo
Doon ay nadatnan kita bagaman malabo ang mga pangyayari ay malinaw ang takbo
Hindi ko inasahan na ikaw ang makikita bagaman nasa loob ko ang kagalakan
Na sa ibang bahagi ng katotohanang nakakubli sa bawat pagpikit ay ikaw pa rin ang kamumulatan.Binuo ko ang magiging takbo ng ating istorya, sinuguro na bawat kabanata ay magiging sapat
Upang mapunan ang puwang sa mga puso nating naghahanap ng kapareha, ng katapat
Itinama ko ang oras, ang panahon, ang daloy ng ating mga malalim na pag-uusap
Sinikap na hindi magkaroon ng mali at maging blangko ang mga salita sa bawat ganapInalis ko ang harang na makahahadlang upang tayo ay makapagpatuloy
Walang makapuputol sa ugnayan nating tila ilog na payapang dumadaloy
Pinilit kong linisin ang mga katanungan at hindi kasiguraduhan sa isipan
Pinayapa ang puso sa katiyakan na ikaw ay nasa aking tabi at malaya kong nahahawakan.Ang mundong binuo ko mula sa mga ideya at posibilidad ay sabay nating nilakbay
Sa bawat hakbang ng ating mga paa'y ang pagbigkas ng mga salitang matamis habang magkahawak kamay
At sa bawat pagbuka ng 'yong bibig ay ang pagpintig ng pusong nahuhumaling sa'yong tinig
Sa mga mata mo'y nakita ko ang kislap na ninanais kong maangkin gaya ng 'yong pag-ibig.
BINABASA MO ANG
Pieces of Reveries
AcakReverie is the groundwork of creative imagination; it is the privilege of the artist that with him it is not as with other men an escape from reality, but the means by which he accedes to it. -W. Somerset Maugham