Baliw! Anong kilig-kilig ka diyan? Bruha! May gf na mangkukulam yang best friend mo! Hanggang ngayon umaasa ka pa rin? Lokaret! Mag-move on ka na kasi! User! Tinatake advantage mo ang moment na ito.
Baliw na talaga ako.
Naglakad-lakad lang kami. May 1 hour pa naman kasi bago magstart yung movie. Wala ngang nagsasalita sa amin. Teka. Sabihin ko na kaya talaga kay Cyrus na love na love ko siya? Baka naman biglang matakot at tumakbo palayo sa akin itong lalaking ito. Hindi naman siguro? Eh. Wag na nga lang.
"Bes sino yung crush mo?" Napatingin lang ako sa kanya.
"Secret!" Hahaha.
"Ang daya!" Bleh. Ayoko nga!
"Oo nga pala, three years na kayo ni Nadine pero hindi ko pa rin alam kung paano at bakit naging kayo. Ano bang nagustuhan mo sa kanya?"
Hindi ko talaga alam kasi never akong nagtanong kung anong nagustuhan niya doon sa mangkukulam na yun.
"Secret!" Tapos nag behlat siya. AAaaaaaaaaaaaaahhh! Asar!
"Kapag sinabi mo sa akin kung bakit, sasabihin ko sayo kung sino ang crush ko."
"Swear?" Ang bading. haha!
"Yep. Swear!"
"Sige, si Nadine? Bakit nga ba? Kasi sweet siya. Feeling ko kasi kailangan niya ako" Ano naman siya? Charity worker?
"Saka may ginawa siya na nagustuhan ko talaga. Para kasing siya yung matagal ko ng pinapangarap. Yung babae na naiisip ko na magiging suitable para sa akin.May something talaga sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Saka kahit ganoon ang ugali niya mahal na mahal ko siya."
Aray.
Dapat pala hindi ko na lang tinanong. Ano naman kaya yung ginawa ni Nadine? Ginayuma niya siguro si Cyrus. Haaayyy. Wala akong panama sa true love. Totoo talaga na love is blind. Napatunuyan ko na ngayon. Magkano ba ang eye transplant? Kailangan na ng bagong mata ni Cyrus.
*sigh*Siguro kailangan ko na talagang i-give up ang nararamdaman ko sa kanya. Kaya lang mas lalo akong naiinlove sa kanya araw-araw.
"Ang sweet naman ng best friend ko." Siguro ito na rin ang magiging first and last date namin. Ngumiti lang siya.
"Pero alam mo, mas gusto ko pa rin na kasama kita. Kasi iba ka sa kanya. Alam kong mahal ko si Nadine pero mahal din kita." Magtatapat na siya?
"Kaya nga best friend kita." Kaya pala." Saka di ba mas okay yun? Kung mag-best friend na lang tayo forever kasi walang possibility na maghihiwalay tayo. Ayoko nga na mangyari yun! Baka mamatay lang ako." Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.
Matutuwa ba ako? Maiinis? Maiiyak? Ano bang gusto niyang iparating doon?
"Pero wala namang masama kung i-try di ba?" Tumingin siya sa akin. "Kasi kung yung dalawang tao ay fated para sa isa't-isa kahit anong mangyari pumuti man ang uwak sila pa rin ang magkakatuluyan."
"Kaya...wag ka ng magdrama diyan na iiwan kita! Best friends forever nga tayo di ba? AT gusto mo pa talagang mamatay!" Hindi ko kayang sabihin sa kanya yung totoo kong nararamdaman. Hindi ko kayang sabihin na Cyrus, I Love You. Simula ng iligtas mo ako. Minahal na kita. Sa araw-araw na pinagsama tayo ng Diyos mas lalong tumtindi yung nararamdama ko sayo.
“Tss. Akala ko naman kung ano na."
"Akala mo siguro may gusto ako sayo noh?" Tapos tumawa ako. "Para sa isang tao lang ang puso ko" Tumingin siya sa akin
"Para lang kay..."
Tiningnan ko yung mga mata niya.
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?