OOTB - Chapter 13

25 0 0
                                    

*Court

P.E. Class nanaman kaso ayoko talaga ng subject na to eh. Ok sana kung swimming yung pinag-aaralan namin ma e-enjoy ko pa diba? Aish. Kaya eto naglalaro ng volleyball no choice eh. 

At dahil nga katabi lang ng volleyball court ang basketball court nakita ko dun ang Aplus. Lalo na si Renz... ang galing nya magbasketball. 

Pero para kay Renz sya ang kanyang first love at girlfriend hanggang ngayon....

Naalala ko ang mga sinabi ni Paige at Bruce sakin nung isang araw. So may girlfriend pala si Renz! At yung iniidolo ko pa yung girlfriend nya! Sabagay.. Apo ba naman ng dating presidente? Posible talaga yun. 

"JANINE! CATCH THE BALL!" -Girl 1

*BOOGSH*

"HAHAHAHAHA!" -Buong klase

Bwiset! Tatanga tanga ka kasi Janine eh! Ayan tuloy tumama sa ilong mo. Hayys!

"Omg her nose is bleeding oh." -Girl 2

"Ano bayan nakakadiri" -Girl 3

Kinapa ko yung ilong ko at may dugo nga talaga. Bwiset talaga yung mga babaeng yun! Bat ba ang init ng dugo nila sakin?! Eh wala naman akong ginagawa sakanila? Lalaban na ba ako? Aish. Siguro hindi muna ngayon.

Nag walk-out nalang ako at dumeretso sa comfort room para hugasan yung ilong ko.

Habang hinuhugasan ko yung ilong ko nagulat ako ng may biglang may nagpunas ng ilong ko. As in bigla bigla nalang!

"Halika nga." Sabi ni James habang pinupunasan ako pero tinanggal ko ang kamay nya. 

"Ano ba!!!!!" Sigaw ko. Nakakairita eh! Bat ba sya andito? Eh girls cr to?! At sa dinami dami ng makikita ko bat sya pa? ( ̄^ ̄)

"Ano bang ginagawa mo?  Bat mo ba hinahayaan silang tamaan ka ng bola sa muka? Tska wag ka ngang ganyan." Inis na sabi nya sakin.

"Ano?!!!" Sigaw ko sakanya habang humihikbi. Tska ano bang pake nya?!

"Pwede ba wag ka ng umiyak dyan. Hindi bagay sayo." -James

So may binabagayan pala ang pag iyak para sakanya?! Ano bang klaseng tao sya?

"Ano bang pake mo? At ano naman sayo pag umiiyak ako?! " Saad ko at maglalakad na sana pero hinawakan nya ang braso ko.

"Ganyan pa ba ang sasabihin mo sa taong gustong tumulong sayo?" Tanong nya na parang galit.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo! Tska tinawag ba kita para tulungan moko? At kahit ikaw nalang ang natitirang tao dito sa mundo hinding hindi ako hihingi ng tulong sayo! Guhustuhin ko pang maligo sa dugo kesa tumanaw pa ng utang na loob sayo!"  Yaan nalang ang nasabi ko at hinila ang braso ko sa pagkakahawak nya maglalakad na sana ako pero hinila nya nanaman ako.

"Sige. Sabihin mo sakin ngayon... Bat ba ayaw mo sakin ha? Ano bang gusto mong gawin ko? Tall and handsome naman ako matalino at mayaman. Panong?... Sige nga sabihin mo ano ba talagang gusto mong gawin ko? Tska ginagamit mo ba ang utak mo?!" Nalilito nyang tanong sakin.

"Hindi mo pa siguro alam hanggang ngayon na hindi ko gusto ang buo mong pagkatao! Ang itsura mo, ang paglalakad mo pati na yang buhok mo! Nakakasuka na!" Nanlilisik na ang mga mata nya habang sinasabi ko ang mga bagay na yan sakanya.

"Talaga bang ginagalit moko?!" Galit na galit nyang sabi sakin.

"Hindi pa ako tapos magsalita!! Nagkaka sore eyes ako pag nakikita ko ang pananamit nyo! Bakit hindi kayo naka uniform?! At higit sa lahat bakit ba lagi nyong pinagtritripan ang mga estudyanteng walang kalabanlaban!" Sigaw ko.

Nakikita ko sa muka nya ang dugo nya sa sobrang galit. Magsasalita pa sana sya pero inunahan ko na ito.

"Hindi mo pa ba maintindihan James? Kinasusuklaman kita James!! Ang buo mong pagkatao lahat yon!"

James Alex's  POV

Kinasusuklaman kita James!! Ang buo mong pagkatao....

Kinasusuklaman kita James!! Ang buo mong pagkatao....

Kinasusuklaman kita James!! Ang buo mong pagkatao....

Kinasusuklaman kita James!! Ang buo mong pagkatao....

Hindi ko sya maintindihan. Bakit nya ba nasabi lahat ng yon? Grabe ba ang mga ginawa ko sakanya dati?  Ibang ibang sya sa mga babae dito sa WH (Westville High)

Pero bat naninikip ang puso ko at nagagalit sakanya? Bat ba hindi nya ako magustuhan? Sya pa naman ang unang babaeng minahal ko ng ganto. Pero bakit ganon? Karma ko na ba to?

Naglalakad ako sa hallway papunta sa parking lot ng makita ko ang announcement sa may bulletin board.

School Trip Announcement...

Westville High Juniors and Seniors!
December 1-31st...
Westville Cruise European Countries..
One whole month vacation...

Hahaha! This is gonna be fun. Humanda ka Janine Castillo. ╮(─▽─)╭

------------

[A/N: Sorry lame ud. Haha! Mwahhh.]

One of the Boys (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon