Chapter 14 - Little Talks

289 6 2
                                    

Third day na ng classes ngayon and andito kami ni Bianca sa Chemistry lab for our, well, Chem. Lab subject. Dapat noong first year pa namin ‘to kinuha pero nawalan kami ng slots pareho ni Bianca. Dito kami nahiwalay sa block noon. That time, inggit na inggit kami sa mga kaklase namin kasi nasa iisang chem. lab. class sila. Hindi rin namin naintindihan kung bakit nahiwalay kami sa block namin, pero sabi Bianca dahil daw siguro late enrollees kami. Pero ngayon at matapos ang Cordova incident, na-appreciate ko na ang walang block. Less drama, less hassle. You meet different people pa.

I’m resting my head on my arms habang inaantay matapos ang lab groupmates ko. We’re working on an experiment concerning Magnesium. I can’t remember the purpose pero yung sa part ko, kailangan ko lang i-drop ang Magnesium strip sa isang test tube na may liquid Zinc. Or  was it silver...hmm. I can't remember. Then I have to record my observations and the results. Ngayon hinahayaan na lang ng prof namin na mag-trabaho ang mga students sa experiments nila. It seems that she doesn’t mind our noise and thank God for that dahil gusto kong manahimik lang dito sa isang tabi.

“Ehem, kaya ka ba ganiyan ay dahil nagsisi ka na hindi natin kinuha ng summer ang chem class na ‘to at edi sana tapos na tayo or dahil sa away niyo ni Drew?” tanong naman ni Bianca na umupo sa stool sa harap ko.  

Sinabi ko na sa barkada namin ang nangyari. Nang pauwiin ko na ang guests, nagsabi na lang ako na medyo napagod na si Drew kaya umuwi na at di nakapag-paalam. Pagkatapos ay pumunta kami sa bahay ni Bianca kung saan in-explain ko ang pangyayari. Pero hindi ko pa ring sinabi na si PJ yung celebrant ang sabi ko lang co-volunteer ko. Ewan ko, pero ramdam ko parang hindi ko pa din dapat ipagkalat na nakakasama ko siya. Especially kung kasama namin ang girlfriend ni Ian na si Maricar. She’s a bit too gossipy. Anyway, four days na ang lumipas mula nung party ni Drew at PJ. Ilang beses kong tinawagan si Drew pero hindi sumasagot or parang pinapatay niya yung phone niya. Pumunta na rin ako sa dorm nila para magdala ng paborito niyang lasagna from our favorite cafe pero hindi siya bumaba so iniwan ko na lang sa front desk para kunin niya.

“Biancs, bakit hindi kayo nagalit sa akin?”
“Sina Josh at Ian, parang hindi naman kasi directed sa kanila yung ginawa mo so I guess hindi ganun kalakas yung impact. Ako naman, naiintindihan ko yung pinangagalingan ni Drew. You’re his closest friend here. He just wanted you to be there.”
“Halos nakalimutan ko na yung party ni PJ up until I was seating alone on the couch. Besides, I was there for his birthday since 1st year high school kami. Na-miss ko lang yung candles, parang na-betray ko na siya.”
“In a way, oo betrayal yun.”
“Biancs! Kanino ka ba kampi?”
“Eh totoo naman, you were somewhere else at hindi pa namin alam. Nagsinungaling ka pa, Cass.”
“Yung pagsisinungaling, naiintindihan ko. Pero parang siya naman hindi ginagawa yun? Hindi ko talaga maintindihan.”
“Kaya ka siguro niya hindi kinakausap? To give you time to understand him. Wala ba kayong classes na magkasama bukas?”
“May class dapat kami na magkasama kaninang umaga pero wala siya dun. Pati yung last class ko kahapon, wala siya.”
“Eh hayaan mo na, first week pa lang naman. Wala pa siyang masiyadong mami-miss.”
“Ganito rin yung nangyari nung Cordova time. And basically, pati yung sa dalawang guy nung high school. Kahit MU lang lahat yun, nagtampo siya sa akin.”
“Uh....ganun ba?” She coughed. “Uh... do you know why?”
“Hindi. Kapag hindi niya ko papansinin, after ilang weeks, kakausapin na niya ko. Sa tingin ko lang, hindi siya boto sa mga nagugustuhan ko. Well, he’s right to feel that way dahil mukhang tama lahat ng predictions niya. Pero kung ganito rin yung case kay PJ, hindi dapat siya magalit!”
“Bakit naman?”
“Crush lang si PJ. It’s not like he’s going to like me back. Wala siyang dapat ipagalala dahil hindi ako iiyak kay PJ.”


Bianca just smiled a sad smile at me and got back to her group’s experiment.

“Cassandra, tapos ka na ba sa part mo?” tanong ni Alodia, si Miss. I want to rule the Philippines someday, and maybe the world too. First year pa lang kami, part na siya ng College of Education Student Council tapos representative din siya nun sa University Student Council. Baka gusto niya maging principal agad at training ‘tong student councils sa pag-reprimand sa future students niya.

The Leading ScorerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon