Chapter 1: Fortune teller
"Hi Mommy, Hi daddy it's been a year since you left me. Sobrang miss ko na po kayo. Kumusta na po kayo dyan? Guide me always huh? " wika ko habang inaayos ang bulaklak na dala ko kina mommy
"Sorry po kung hanggang ngayon hindi ko pa rin nahahanap ang nakabangga sa inyo." Nag indian seat ako para mas komportable ako habang nagkekwento sa kanila. Ang tagal ko din hindi nakadalaw dito dahil masyado akong nagging busy sa company
Ngumiti ako ng mapait habang nakatingin sa lapida nilang dalawa " Siguro kung di lang kayo naaksidente noon, ang saya siguro natin ngayon. Baka nasa probinsya na tayo para magbonding."
"hindi kaba masayang kasama ako" halos mapatalon ako sa gulat nang marinig kong may nagsalita sa likod ko
"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko kay Cyan "Diba sabi ko ayaw kitang isama dito?" dagdag ko
"Aray" wika nito sabay hawak sa dibdib nya sa tapat ng puso na kalamo ay sinaksak. "Grabe ka naman magsalita, hindi mo ba alam nakakasakit kana" malungkot na wika nito. Napayuko naman ako sa hiya.
"Ang kulit mo kasi!" sigaw na ikinagulat nito
"whoa! Akala ko sad kana kanina, maldita parin pala" wika nito saka ngumiti nang nakakaasar.
"Umalis kana nga, ayaw nga kitang isama dito" ayaw kitang isama dahil hindi ako makakapagkwento kina mama. Hay nako Cyan, sabi ko na nga ba manggugulo kalang eh
"Akala mo naman ikaw ang pinuntahan ko, di porket sinabihan kita na bagay sayo yang floral dress at rubber shoes ay maiinlove na ako sayo, syempre ang ganda mo kaya" nag roll eyes ako pagkasabi nito at saka nag indian seat ulit.
Bigla naman itong tumawa kaya napatingin ako "Oh bakit ka tumatawa?" pagtataray ko
"Ang cute mong asarin" wika nito atsaka tumawa ulit
"Pasukin sana ng langaw yang bibig mo"saad ko sabay halukipkip.
Maya-maya lang ay umupo na ito sa tabi ko at nag indian seat din.
"Alam mo hindi ko naman hahayaan na hindi ko madalaw sina tita sa death anniversary nila."
"pero umalis kanina" bulong ko pero sapat lamang ito para marinig nya
"Umalis ako para bumili ng bulaklak na pangbigay sayo" agad ko siyang tiningnan ng masama " I mean kina tita, oh kalma na" dugtong nito kaya naman ibinalik ko na ang tingin ko kina mommy.
Hindi na rin kami nagtagal dahil nagyaya na rin ako. Pero kung wala si Cyan baka abutin ako ng gabi kakakwento ng mga ganap ko sa buhay kina mommy. Kaso wala, dumating ang lalaksot na ito.
YOU ARE READING
The Missing Star In The Sky
Novela JuvenilSky Villaruel was always dreaming about a man since she was a child. She does not know or even meet this man once. Thus, she always trying her best to find this man. She almost spend her time in browsing and searching to find it. What if one day she...