CHAPTER 18
AN: please paki-basa uli ng Chapter 17 sa last may dinagdag lang ako, nakalimutan sorry:)
"Miss?...miss?"
NAGISING si Natalia dahil sa boses na iyon. kinusot nya ang mga mata at dahan dahang nagmulat. tiningnan nya ang paligid at mukhang sya nalang ang tao sa loob ng bus. kaya muli nyang hinarap ang lalaking ngayon ay nakatayo sa harapan nya.
"saan ka po bababa? nasa Negros Occidental na po tayo" gagad ng kon-doctor sa kanya.
hindi nya pinansin ang kon-doctor at inayos nalang ang sarili pagkatapos ay tumayo. bumaba na sya sa bus at napapikit sya ng maramdaman ang malamig na hangin na bumungad kaagad sa kanya.
Matagal tagal narin syang hindi nakauwi ng Negros pero hindi nya maramdaman ang saya bagkus ay lungkot kaagad ang bumalot sa kanya ng makababa ng bus.
Mabigat na buntong hininga ang inilabas nya bago sya naglakad patungo sa sakayan ng trycicle.
"saan po tayo?"
"Sanjose street po manong"
Sumakay na si Natalia at kaagad iyong pinaharorot nung driver papalayo. habang nasa byahe niligid ni Talia ang paningin sa orasang pambisig at pasado alas'onse na pala ng hapon.
kinuha nya ang cellphone sa bag nya at binuksan iyon.
Pagbukas ng pagbukas palang nya nito ay bumungad na ang halos hindi na mabilang na text ni Cohen sa kanya.
From: Cohen
Where are you?
sent: 8:15pm
hey, nag-aalala na ako? ba't
mo pinatay ang phone mo?
sent: 8:19pmBabe? can I talk to you?
sent: 8:22pm
3 minutes kapag hindi
kapa nag reply, pupuntahan
na talaga kita
sent: 8:31pm
okay, you made your
choice
sent: 8:34pm
Papunta na'ko and better
to prepare an explanation
sent: 8:35pmHindi na binasa lahat ni Talia ang laman ng Inbox nya, hindi sa ayaw nyang basahin pero nakaramdam kasi sya ng pagka-guilty dahil sa ginawang pag balewala nya sa binata.
Batid nyang nag-aalala ito para sa kanya pero kahit pa ganu'n ayaw nya parin itong isali sa problema nya.
Pinatay uli ni Talia ang telepono at ibinulsa iyon sa loob ng pantalon nya.
Lumipas ang ilang minutong byahe ay nakarating narin si Natalia. pagkababa pa lang nya sa trycicle ay Lamay na kaagad ng Ama nya ang bumungad sa kanya.
Hindi na napigilan ni Talia ang emosyon nya. hindi paman sya nakakalapit o nakakapasok sa loob ay ramdam na nya ang lungkot at hinagpis ng pamilya nya mula rito.
BINABASA MO ANG
Chasing Your Heart [UNDER REVISIONS]
RomanceWhen Natalia Santiago fell in love with Cohen Montenero, would she admmit her change of feelings or will she forever keep it hidden? **** Cohen Montenero is a famous welthy person. They own the whole land of Hacienda Montenero. He was known as a col...