Cynthia
Nung mga edad dise-siete ako ay nagyaya ang aking kaibigan na dumalaw sa lola nya sa bundok, sa isang lugar sa Samar.
Naisip namin ng kaibigan kong si Josephine na magandang oportunidad iyon para makapaghang-out rin kami at ng huwag ng mabored sa bahay.
Pumayag ang mga magulang ko gayun din ang sa mga kaibigan ko, ang sabi sakin ng mga magulang ko na dalawang araw lang dapat ako doon at kailangan ng umuwi pagkatapos, pumayag naman ako.
Lunes ng umaga palang ay nakahanda na ang gagamitin naming sasakyan, naihanda narin namin ang mga gamit para sa paghihiking namin sa bundok.
Sa byahe palamg ay nagkukwentuhan at nagtatawanan kami upang makapagpabawas ng katahimikan sa paligid
"Siguraduhin mong maraming magagandang tanawin kaming makikita ah, diba Cyn?
kundi yari ka talaga sa aming babae ka!"- pananakot ng kaibigan ko sa isa pa naming kaibigan na si EllaSi Ella ang nagyaya sa amin na dumalaw sa kanyang lola, sa kadahilanang namimiss na raw siya nito dahil hindi na ito nakapunta noong kaarawan nito.
kaya't ngayon nandito kami para batiin ang kanyang lola at magenjoy!Nang makarating sa may paanan ng bundok ay agad kaming naghanda ng mga stick para sa pag-akyat namin aa matarik na bundok.
Nang nasa may gitna na kami ng bundok ay nakaramdam na ako ng parang masusuka at nahihilo, siguro ay dahil sa tagal ng biyahe
Agad akong dinaluhan nila Ella at Josephine at tinanong kung napano raw ako, kaya't sinabi ko sa kanila na nahihilo ako at parang nasusuka.
Napahinto naman si ella bago siya may kinuha sa kanyang bag at saka iyon inilabas ay sinindihan
Nagtaka kami ni Josephine sa kung anong ginagawa ni ella.
"Nakalimutan kong mga dayo nga pala kayo, di kayo kilala rito at siguro ay na ramdaman iyon ng mga nilalang na nakatira dito sa bundok.. Ang nararamdaman mo ngayon ay ang pagbati nila sa mga dayo."ano nito
Nung una nagtaka ako kung bakut ako lang ang nakakaramdam ng ganon at bakit hindi rin si Josephine eh pareho lang naman kaming dayo sa lugar na ito
"Ah, meron kasi ako nito"- ani ni Josephine. at ipinakit sa amin ang kanyang kwintas na may palawit na hugis triangle na ang nasa gitna noon ay mata.
Limakad na uli kami at dahil sa ginawa kanina ni Ella ay nawala ang aking nararamdamang pagkahilo o pagsusuka.
Habang papalapit ay may parang naaamoy akong mabango.
Hindi ko mapigilang hindi amuyin ang napakabangong amoy na iyon, kaya't agad ko iyong sinundan na ipinagtaka naman nila"Saan ka pupunta, Cyn?"- tanong ni Ella
"Hindi nyo ba naaamoy iyon?"- ani ko habang sinusundan ang amoy na iyon, sobrang bango
"Naaamoy ang alin?"- Josephine
Nang mga pagkakataong iyon wala na ako sa sarili ko at tanging pagsunid nalang sa mabangong amoy ang ginawa ko
Nanlaki naman ang mata ni Ella.
"Phine, dali hawakan mo si Cyn!"- taranta ni ella
Nang akoy mahawakan ni Josephine ay agad akong nahimatay.
Nagising na lamang ako sa bahay ng kanilang lola, doon pala nila ako dinala ng mawalan ako ng malay sa kagubatan.
Suminghot ako, ngunit wala na ang mabangong amoy.
"Hindi ka nya magagambala dito, magpakampante ka"
Nang makilala ko ang lola ni Ella ay agad ko siyang pinasalamatan at binati.
BINABASA MO ANG
Dalaw (ONE SHOT) 4
HorrorAko si Cynthia, at ikukwento ko sa inyo kung paano ako nagkaroon ng manliligaw na hindi pangkaraniwan.. dahil lang sa Dalaw