Jessel
"Ma, saan tayo pupunta?" Mahinang tanong ko sa aking mama habang busy sa kakatanaw sa paligid na puro puno lang naman ang nakikita. Mas maayos pa nga ang ganitong tanawin dahil presko sa mata at magandang tingnan.
"Basta anak. Malapit na tayo. Umayos ka lang, naiintindihan mo?"
Naguguluhan man ay tumango ako sa kanya. Wala naman kasi akong ideya kung saan ako dadalhin ni Mama. Naglalaro lang ako kasama yung mga kaibigan ko sa labas ng bahay nang sabihin niyang sasama ako sa kanya.
Habang papalayo kami ay nagiging pamilyar sa akin ang daan. Hanggang sa natanaw ko hindi kalayuan ang taniman ng mga pinya.
Aha! Nasa Rancho de Allego ako.
Ang Rancho de Allego ang lugar kung saan nagtatrabaho ang Mama at Papa ko. Kasambahay si Mama sa mansion ng mga Allego habang si Papa naman ay trabahador sa taniman ng pinya. Sila yung nagtatanim, naglalagay ng abuno at nag haharvest.
Hindi ko nga lang alam kung bakit dinala ako dito ni Mama. Ngayon pa lang ako nakakapunta dito at inaamin kong napakalaki ng Rancho nila. Sa kwento lang naman kasi ako ni Mama nag i-imagine kaya ngayong nakita ko na, sobrang namangha ako.
"Dito nalang po manong."
Napalingon ako kay Mama nang mag bayad siya ng pamasahe bago kami sabay na bumaba. Umalis na din ang trycicle saka kami pumasok sa malaking gate na may pangalang 'Rancho de Allego' gamit ang isang bakal.
"Anak mo ba yan Susay?" Tanong ng guard na siyang nagbabantay sa gate.
Ngumiti at tumango ang aking Ina. "Oo. Ito yung panganay kong anak. Sinama ko dito para tumulong sa magaganap na handaan."
"Ayos yan. Mukhang masipag ang anak mo."
"Naku, sinasabi mo pa. Masipag ang batang ito."
Naiilang na ngumiti tuloy ako sa kanila. Tumigil na din sila sa pag-uusap saka kami tuluyang pumasok ni Mama.
Napanganga ako nang makita ang kabuuan ng mansyon ng mga Allego. Sobrang laki nito kung tutuusin. Kulay puti na may pinaghalong gray ang bahay. Hanggang third floor ito at may roof top pa! Ibang klase talaga kapag mayaman.
"Anak, halika na."
Ibinalik ko ang tingin sa daan bago sumunod kay Nanay. Dumaan kami sa likod na bahagi ng mansyon. Binuksan ni Mama ang isa sa pinto nito at napag-alaman kong isa itong kusina nang makapasok ako.
"Oh, Susay. Buti naman at nakarating kana. Kailangan na nating magsimula. Mamaya dadating na ang mga bisita dito." Sabi ng isang matanda na sa tingin ko ay mayordoma dito sa mansyon.
"Pasensya na po Manang Vilma kung natagalan kami. Isinama ko po kasi ang anak ko para tumulong dito. Wala naman siyang gagawin sa bahay kaya pinasama ko nalang. Para naman may matutunan siya sa pagiging kasambahay."
Tumingin sa akin ang matandang nagngangalang Vilma at nginitian ako. "Hello, hija. Gusto mong tumulong dito?"
Dahan-dahan akong tumango. "O-Opo."
"Mabuti kung ganun. Para mapabilis ang paghahanda natin. Tulungan mo ang Mama mo sa pagluluto hah?"
Tumago ulit ako sa kanya bago niya hinarap ang ibang kasambahay na nandito sa kusina. Hindi ko alam kung para saan ang handaan na sinasabi nila pero sa tingin ko related ito sa mga Allego dahil sobra itong pinaghahandaan.
"Tara anak."
Sumunod ako kay Mama na maglakad at pumasok sa isang maliit na kuwarto. May hinalungkat siya dito at binigay sa akin ang isang damit na katulad ng mga kasambahay na nakita ko kanina.
BINABASA MO ANG
Black Mafia 10: Zack Allego [Published Under LLP]
Romance-Be kind is my attitude. But how could I be kind if I met the man who have nothing to do but irritate me?- Zack Allego is the only son that his parents spoils him. He can get what he want in just a snap of his finger. He love teasing and irritate p...