Chapter II - Meet the Rival

279 10 0
                                    


"Need some help?"

Napatingin si Tessa sa nagtanong na si Jao na nakasandal sa may bukas na pintuan. Inaayos niya ang sofa bed sa kwarto ni Rafael kung saan ito matutulog. Hindi pa raw kasi ayos ang papeles ng condo na kinuha nito kaya may ilang araw itong makikitira sa bahay nina Rafael. Kung minamalas nga naman siya oh, kung kailan naman plano niyang lasingin at pikutin na si Rafael saka naman may Jao na eeksena sa kanilang dalawa. Humarap siya dito at napansin muli ang magandang braso nito dahil sa suot na fitted na sando. "No thanks, I can manage. Sanay na ako dito."

"You mean, maglinis ng bahay nina Rafael?"

Naningkit ang mga mata niya sa sinabing iyon ni Jao, mukha ba siyang kasambahay nina Rafael?! "I mean, sanay na akong ako lang ang nag-aayos ng kwarto ni Rafael!"

"Just kidding, alam ko naman 'yun. I told you, I heard so much of things about you from your bestfriend. Nakakainggit nga 'yung closeness ninyo eh."

"Kaya nga h'wag ka nang umepal sa love story naming dalawa."

"Ano 'yun?"

"Sabi ko parang narinig ko si Mommy Vangie na tumatawag sa baba."

"Guys, dinner is ready!" boses ni Mommy Vangie mula sa unang palapag ng bahay. "Tessa, hayaan mo na sina manang dyan at baka lumamig pa ang mga pagkain dito."

Naglakad siya palapit kay Jao bago binigay ang hawak na mga kumot at unan. "Gusto mong tumulong 'di ba? Oh ikaw na magtuloy," aniya bago ito nilampasan at tumuloy sa baba.

Natatawa namang sinundan ng tingin ni Jao si Tessa.

"Wow! Lahat yata ng special recipe mo mommy nakahain!" amaze na sabi ni Tessa bago naupo sa may tabi ni Rafael. Palihim pa siyang napabuntong hininga nang makita ang pag-upo ni Jao sa may katapat niya na pwesto. May asungot na naman. Nagbigay muna ng munting dasal si Daddy Alex bago niya inabot ang kanin at nilagyan ang plato ni Rafael. "Raffy walang diet tonight ha, kaya dadagdagan ko talaga ito."

"Tessa, kailangan ko nang ibalik ang abs ko para maging yummy na ulit ako. Wala ng boylet ang lumilingon sa akin, puro kay Jao na lang kaya kailangan ko -"

"I said, walang diet tonight o hangga't kasama mo ako."

Napangiti na lang si Rafael sa kababata. "At inuna mo pa talaga ang plato ko."

"Basta at dahil alam kong na-miss mo ang adobo ni mommy, sa iyo itong favorite part mo na chicken leg!" nakangiting sabi niya pa habang ulam naman ang inilalagay sa plato ni Rafael. Palihim niyang tinitingnan si Jao na alam niyang nasa kanila ang mga tingin. Nagseselos siguro ang beking ito kasi hindi makagawa ng da-moves sa harap ng parents ni Rafael. Ngayon pa lang ay nais na niyang iparamdam dito na binabakuran na niya ang kababata kaya wala na itong magagawa pa.

"Baka naman bago ka pa makakain Tessa tapos na kaming kumain lahat," natatawang sabi ni Jao na sinabayan rin ng mga tawa nina Mommy Vangie at Daddy Alex.

Pinigilan niya ang sarili na sumagot dahil alam niyang iniinis lang siya nito. Kaagad namang napalitan ng kilig ang nararamdaman niyang inis dito ng plato naman niya ang nilagyan ng kanin ni Rafael. Feeling niya tuloy bagong kasal sila. "Thanks Raffy."

Nagsimula na silang kumain habang nagku-kwentuhan tungkol sa mga nangyari kay Rafael sa Kuwait. Halos tapos na silang nang maalala ni Mommy Vangie ang cake na dala ni Tessa.

"Jao since ilang araw ka mag-i-stay dito at para maging at home ka na rin, ikaw na ang kumuha ng cake sa ref," ani momy Vangie kay Jao.

"Sige tita," tugon naman ni Jao bago tumayo at tumungo sa may malaking refrigerator. May tatlong cake itong nakita kaya hindi nito alam kung alin ang kukunin. "Tita, aling cake ang ilalabas ko dito?"

She rolled her eyes again bago tumayo upang puntahan si Jao. "Black forest cake ang favorite ni Raffy kaya ito ang dessert natin for tonight."

"I see. Thanks for the tip," tugon ni Jao habang may malaking ngiti sa mga labi na tila nagpapa-cute.

Parang gusto niyang magsisi sa sinabing iyon. Bakit nga ba niya binigyan pa ng tip ang karibal niya kay Rafael? "Alam mo bago pa kayo magkaroon ng love story ni Raffy, naisulat na ang love story naming dalawa. Kaya backoff please. "

"Huh?" kunot noong nasabi ni Jao bago natatawang nakasunod ang tingin kay Tessa na naglalakad na pabalik ng dining area "Bakit ba ang hilig no'ng mag-walk out?"

*****

🎉 Tapos mo nang basahin ang Torn Between Two Beki (Published Under Psicom Publishing Inc.,) 🎉
Torn Between Two Beki (Published Under Psicom Publishing Inc.,)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon