chapter 8

75 3 0
                                    

Corona's pov

Stop molesting me. Umaabuso ka na.

Ramdam ko ang biglang pag-ahon ng dugo ko patungo sa mukha ko ng maalala ko iyon. Napanguso tuloy ako.

Minomolestsa ko raw sya? Umaabuso raw ako?

Arghhhhh. Bwisit ka Uno. May araw ka din saken.

Ilang minuto rin akong nanatili sa pagkakatayo dito sa itaas ng hagdanan. Iniisip kung bakit ko ginawa ang bagay na yun. Aishhh.

Kinatok ko ang noo ko para matauhan ako. Umayos ka Corona, kundi, dito ka na mabubulok.

Napalingon- lingon ako at nang mapansin na nasa labas ako ng kwarto ay muntik na ako tumalon mula dito sa kinatatayuan ko. Buti na lang nakita ko kung gaano kataas ang kinatatayuan ko.

Malaya na ako. Wuhoooooo.

Abot hanggang tenga ang ngiti ko habang naglalakad pababa ng hagdan ng may mapansin akong iba.

Buti na lang nakita ko si Smith na hinihintay ako sa baba ng hagdan. Sa kanya na lang ako magtatanong.

Nang nasa tapat na ako ni Smith ay as usual serious mode na naman sya.

"Oy Smith. Anong nangyari sa hagdan? Bakit parang nagbago?"

Saglit nya lang akong tinignan tapos deretso na ulit ang tingin na para lang akong isang hangin.

"It's Uno's order."

Napataas ang kilay ko sa sinagot ni Smith. Bagong bago talaga ang hagdan. Kailan kaya ito ginawa? Kahapon lang kulay brown ito at parang kahoy, ngayon kulay ginto na at mukhang ibang materyales na ang ginamit.

"Ah. Bakit daw pinalitan?"

Hindi na ako pinansin ni Smith.Psh. Para nagtatanong lang. Tinalikuran ko na lang si Smith. Walang kwenta kausap.

Napanguso na lang ako. Mayamaya pa ay may naisip ako. Ang pagkakanguso ko ay napalitan ng matamis na ngiti bago muling humarap kay Smith.

"Oy Smith. Pede bang lumabas ako ng bahay? Dyan lang sa garden." Pacute kong tanong.

Sana pumayag sya. Sana pumayag sya.

Panay ang dasal at tawag ko sa mga santo. Para pumayag si Smith.

Tinignan lang ako ni Smith. Walang sinabi.

Saglit akong natigilan at ng gumana ng utak ko ay ngiting wagi ako at nagtatalon sa harapan ni Smith.

Silence means yes di ba? Di ba? Wuhoooooo.

Mabuti pa si Smith pinapayagan akong lumabas at buti na lang wala si Uno.

Lakad takbo ang ginawa ko para makalabas ng bahay. Habang nakasunod lang sa akin si Smith na parang isa akong batang dapat bantayan.

Pero hindi pa man ako nakakatapak sa labas ng pintuan ay hinarangan ni Smith ang daraanan ko.

Napasimangot tuloy ako.

"Akala ko ba payag ka na lumabas ako ng bahay?" maiiyak na sabi ko.

"Yes you can." Napangiti ako sa sagot nya.

"Eh ba't ka nakaharang dyan."

"You need to change first. And please don't forget wear your slippers." Seryoso nitong sabi. Mas lalo tuloy lumawak ang ngiti ko.

Mabilis kong umakyat para maligo at magpalit ng damit. Napakapantulog pa pala ako kanina. Sorry naman. Naexcite lang ako.

Paglabas ko ng C.R. ay nakahanda na ang mg susuotin ko. Isang puff sleeve checkered na kulay itim at pants.

Fall PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon