Pangako

37 0 1
                                    

Madilim na mundo ako'y nakatago

Dinadama parin ang iyong paglayo

Baliw na puso hindi parin natuto

Sa mga pinangako mong hindi totoo

Mga mabulaklak mong salita'y nasaan?

Pag-ibig nalulusaw ng dahan-dahan

Mga pagdurusa ko'y aking tinatakpan

Ngunit sarili ko'y pinahihirapan

Tanga lang ang naniniwala sa pangako

At isa sa mga tangan iyon ay ako

Puso kong baliw babalik parin sayo

Dahil sa mundong ito'y ikaw ang gusto
 

PangakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon