KATH'S POV
Excited na ako para mamayang gabi. Actually, sa sobrang excitement ko, muntik na akong di makatulog kagabi. Soooooooobraaaaaaaaang nakakapang-imagine kase kung anung mangyayari mamaya.
Pati si Julia at Kiray, musta kaya yung dalawang yun? Katext ko sila. Di rin sila makatulog kagabi eh. Sobrang naprapraning sila sa pag-aayos nung mga accesories nila.
Si EJ at kuya Neil naman, di rin makatulog. Online pa sila kagabi eh. Kachat ko sila sa fb. Si EJ, di makatulog dahil masyadong naeexcite sa kung anong mangyayari sa date nila ni Kiray. Si Neil naman, di makatulog sa sobrang naprapraning. Kinakabahan kase wala pa siyang kadate.
Si DJ? Ewan ko dun. Di siya online sa fb, di rin nagtetext, wala naman siyang iba pang social networking sites eh. Siguro busy lang din yun para sa ball, or baka naman natutulog na yun at walang kahanda-handa para sa ball. Tch. Boyfriend kong to! Tsktsk.
RIIIINNNGGG
Natawag si Julia.
"Hey there Juls!"
"Uy. Musta?"
"Eto, naghahanda na para sa ball."
"Wait. Naghahanda? Eh diba mamaya pa yung 5pm."
"Duh? Kath, I hate cramming. You know what, dito ka muna sa bahay. Andito si Kiray. Nagpapa-spa kami kanila tita Amy. You should join us."
"Huh? Okay. Sige. I'll be there in a minute."
At inayos ko yung mga gamit ko at pumunta na kanila Julia. Siguro nagtataka kayo kung san sa kanilang bahay kami magpapa-spa.
Yung tita Amy niya kase ang may ari nung SPA na yun. Katabi lang ng bahay nila Julia yun. In fact, nuon pa lang, dun na kami lagi naghahang-out nila Kiray at Juls. Nagbago lang lahat nung naging kabarkada na namin sina EJ at Neil. Tapos nadagdag pa si DJ.
Sa SPA,
"Hey Kath!" Tawag saken ni Kiray at Julia na kasalukuyang nakasalang ang paa sa isang sosyal na palanggana, tapos yung buhok, yung ginagamit sa pagpapahot oil. Then yung mukha nila, merong face mask.
Aarte netong mga to. Sabagay, ako din eh.
"Uy Kath! Naligaw ka." Bati saken ni tita Amy.
"Hindi po ako naligaw. Sinadya ko pong pumunta dito." Sagot ko.
Napatawa lang si tita Amy at inintindi yung iba niyang costumers.
"Grabe ah. Di naman kayo handang handa para sa ball noh?" I said sarcastically.
BINABASA MO ANG
It All Started in a Tweet (ON-HOLD)
Teen FictionON-HOLD. Sorry my dearest readers. :/