"Gabrielle Montecillo does it again!"
"As usual. Kailan ba pumalya si Gabby? Nakakainis na nga, eh. Favorite ng mga teachers."
"Nanalo na naman siya sa National Quiz Bee competition ngayon, 'di ba?"
Natigil sa akmang pagbabasa ng libro si Sid nang marinig ang pangalang nabanggit. Ang ilan sa mga estudyante sa loob ng library na iyon ay hawak ang bagong edition ng school paper nila. Bahagya niyang pinasingkit ang mata at inaninag ang headline. Napangiti siya sa nakitang litrato ng isang high school student na may hawak-hawak na trophy. Sa mga mata niya ay mas kaakit-akit pa si Gabby sa trophy na hawak nito – and that's saying a lot!
The girl was Gabrielle Montecillo - eldest daughter of famous business tycoon Alfredo Montecillo.
Kung ganoon ay nanalo na naman ito ng isa pang parangal. Hindi niya mapigilang hindi matuwa para dito. Alam niya kung gaanong preparasyon ang ginawa ni Gabby na halos nagpapagabi na ito sa eskwelahan para sa coaching. Alam niya iyon dahil palihim niyang pinapanood ang mga page-ensayo nito habang nagpapanggap na busy siya sa mga assignments niya.
Sa loob ng ilang taon ay lihim na niyang pinagmamasdan si Gabby. Kaklase niya ito simula pa lang noong first year sila. She was this unattainable princess who excelled in almost everything. Paborito din ito ng mga teachers sa eskwelahan nila. Kahit mayaman ito ay hindi naman ito nawala sa honor roll. Lagi pa nga ito'ng nakaka-perfect sa lahat ng exams nila.
Maganda si Gabby ngunit sobrang mailap na parang usa. Kapag naglalakad ito sa eskwelahan nila ay nahahawi ang lahat ng mga tao sa paligid. Kahit yelo ay manginginig sa lamig ng mga titig ni Gabby. Hindi iilang mga college students mula sa mga kila-kilalang pamilya ang nagtangkang manligaw kay Gabby. At kung hindi napigilan ng bangis ni Alfredo Montecillo ang mga iyon, bangis ni Gabby mismo ang nagpatahimik sa mga iyon.
"Wala ako'ng panahon sa mga katulad niyo," ang laging bukambibig ni Gabby.
Kahit paano ay natawa siya. He liked her coldness and her icy stares. Kung lahat ng mga tao ay na-i-intimidate ng mga titig nito, siya ay hindi. He even liked the way she would stare down at people like she was a queen and everyone was her poor minions.
Gusto niya ang lahat-lahat kay Gabby.
"Sid, pa-kopya nga ng assignment natin sa Math."
Kunot-noong tinitigan ni Sid ang kaklase niyang si Alvin nang tumabi ito sa kanya. Naputol tuloy ang pagmumuni niya tungkol kay Gabby.
"Oh, bakit ka naninindak? Ang damot nito," angal nito. Kaagad nitong kinuha ang bag niya at hinalungkat iyon. "Alam mo naman, tinulungan ko si Nanay na magtinda sa palengke kaya hindi ko nagawa ang assignment natin."
Patuloy ito sa pagkalkal ng bag niya. Napailing na lang si Sid. Kinuha ang notebook niya na nasa katabing upuan at ibinagsak iyon sa harap ni Alvin. Napangisi ito sa kanya.
"You're the best talaga, Sid," sabi nito.
Ganadong kinopya nito ang assignment niya habang siya naman ay ibinalik ang atensyon sa school paper nila. Muli ay tinitigan niya ang litrato ni Gabby. Iba talaga ang epekto nito sa kanya. Kahit litrato lang ay nahihirapan siyang alisin ang paningin doon.
Naputol na naman ang pagsinta niya sa litrato ni Gabby nang may humarang sa line of vision niya. Magagalit na siya kung isa na naman ito'ng kaklase niyang mangongopya ng assignment. Pero bigla ay may bumagsak na shoulder bag sa harap niya. Gumawa iyon ng ingay, dahilan para magtinginan lahat ng tao sa loob ng library sa kanila.
"Ang sama mo talaga, Desiderio Albanez!"
Pumitlag ang puso niya nang marinig ang tinig na iyon. Ah, that voice that had caught his heart several years ago.
Tumingala siya para lang makita ang galit na mukha ng babaeng kanina pa niya iniisip. Naka-krus ang mga braso nito sa dibdib nito. Halatang galit ito.
"Don't think that I won the contest just 'cause you weren't there!" inis pa ring sabi nito sa kanya.
Napakamot siya sa ulo. And did he also mention that Gabby looked at him as her rival?
"Gabby, wala ako'ng sinasabi. Nanalo ka sa contest dahil magaling ka. Congratulations nga pala," nakangiti niyang sabi. Hindi pinapansin ang galit nito sa kanya.
"I hate you!" balik naman nito sa kanya. "Alam mo ba ang narinig ko'ng sinasabi sa classroom? Kung hindi ka lang daw nagkasakit, hindi daw ako mai-i-substitute sa'yo. Dapat daw ay ikaw talaga ang representative doon."
Napangiwi si Sid. Gusto niyang sapakin ang gumawa ng usap-usapang iyon. Nagpakahirap pa naman siyang magpanggap na nagkasakit para lang mapunta kay Gabby ang pwesto para maging representative. Pero mukhang hindi naman natutuwa ito sa kanya.
"Gabby, magaling ka," may diing sabi niya dito. "You deserve that position more than anyone else."
"Pero mas deserving ka," inis na pa rin na sabi nito. Sa pagkakataong ito ay rinig niya ang pait sa tinig nito. "Kahit kailan naman ay hindi kita natalo. Palagi ka na lang number one sa lahat ng subjects. Lagi na lang akong second. Tapos, pinagmamalaki ka pa ni Daddy. Narinig ko sabi niya sa'yo nung huling beses na nanggaling ka sa'min, sana daw naging anak ka na lang niya. Sigurado daw na mapapalago mo pa ang kompanya."
Nakita ni Sid na medyo nangingilid na ang luha sa mga magagandang mata nito pero pinipigilan. At gusto niyang magalit sa sarili lalo pa at alam niyang siya ang pangunahing rason kung bakit nafru-frustrate ito. Hindi niya alam na narinig nito ang naging usapan nila ni Alfredo Montecillo noong nag-top siya sa last na quarterly exams. Pinapunta siya ni Alfredo sa bahay nito at pinuri siya. Pero wala siyang magawa para payapain si Gabby. Mukhang nagdamdam nga ito.
Pero paano ba niya sasabihin na kailangan talagang maging maganda ang grades niya para hindi niya maiwala ang scholarship ng ama nito?
"Grades are only numbers, Gabby."
Nang sabihin na niya iyon ay lalong namula ang mata nito. Shit! Hindi na ata talaga siya tatama ng sasabihin sa harap ni Gabby.
"I mean--"
"Fine!" galit nito'ng putol sa sasabihin niya. "Pero hindi ako susuko. Makikita mo. Ilalampaso kita paalis sa unang pwesto mo at gagraduate ako na Valedictorian ng batch na 'to."
Kahit paano ay napangiti siya. He liked this challenge. Gabby was looking straight at him - the thing he wanted most in the world. Her hazel eyes that he once compared to the color of fallen autumn leaves were looking at him and him only. Nang mga sandaling iyon ay parang tinanggap nito ng buong-buo ang presensya niya.
"Pinagtatawanan mo ba ako?!"
Umiling siya. Nginitian niya ulit ito.
"Hindi kita pinagtatawanan. I welcome your challenge, Gabrielle Montecillo."
"Hmph!" irap na naman nito.
Hinablot nito ang bag at walang sabi-sabing tinalikuran siya at naglakad na palabas ng library. Kahit ang student librarian ay nahintakutan nang panlisikan ni Gabby iyon ng mga mata. Sa kabila ng lahat ay magaan pa rin ang pakiramdam niya.
"Ang tigas mo, Sid," napapailing na sabi ni Alvin. "Buti at hindi ka natatakot sa dragon 'yon? Akala ko talaga ay bubugahan ka na ng apoy sa sobrang inis."
Ikiniling niya ang ulo. "Bakit naman ako matatakot? Siya ata ang pinaka-magandang dragon na nakilala ko."
Kakatwa ang tingin na iginawad sa kanya ni Alvin. Siya naman ay tiningnan ang daang nilabasan ni Gabby. May hindi maipaliwanag na damdaming pumaloob sa puso niya sa mga sandaling iyon.
Maaring ngayon, nakatayo sila ni Gabby sa magkaibang mundo – dahil si Gabby ay isang prinsesa samantalang siya ay isang ordinaryong tao lang. But someday, he would bring this princess down to her knees and make her fall in love with him.
Balang araw, mapapasakanya na rin si Gabby sa wakas.
BINABASA MO ANG
Seasons 3: The Fall of Autumn
RomanceMula pa pagkabata ay mainit na ang dugo ni Gabby kay Sid. Lagi kasi siya nitong nauungusan sa academics. Pakiramdam pa niya ay mas pinapaboran ito ng ama niya. And to make matters worse, her father assigned him to be her secretary. "You need me, Gab...