MALIWANAG na nang magising ako. I woke up in an unfamiliar room. Nanunuot din sa ilong ko ang amoy na hindi ko maipaliwanag.
"Buti naman at gising ka na, 'nak. Sobra mo akong pinag-alala kagabi," saad ni nanay na nasa tabi ko ngayon, parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib.
Hindi ako makagalaw nang maayos dahil may nakaturok na karayom sa kamay ko na naka-connect sa IV fluid.
"Salamat sa Diyos at wala kang dengue. Akala ko no'ng una ay may dengue ka. Nilalagnat ka lang pala nang sobrang taas," sabi ni nanay. "Kumain ka muna pala ng almusal." Iniabot niya sa akin ang isang tupperware na may lamang almusal.
"Sila John at Riva po, 'nay?" tanong ko at sumubo ng pagkain.
"Nasa lola mo, 'nak. Hindi ko na pinasama pa dito dahil baka makakuha pa sila ng sakit." Umupo si nanay sa tabi ko. "Oo nga pala. Sabi ni Rowan at Janine, dadalawin ka daw nila mamaya."
"Po?"
"Dadalawin ka ni Rowan at Janine. Tumatawag kasi sila kanina sa cellphone mo. Ako ang sumagot at nabanggit ko na nasa ospital ka."
"Anong oras daw po sila pupunta?"
"Ngayong umaga daw."
Excited akong naghintay sa pagdating ni Janine at Rowan. Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko dahil dadating si Janine. Hindi na masyadong masama ang pakiramdam ko. Hindi na tulad kahapon na halos hindi ko maimulat ang mga mata ko.
I didn't see my father inside the room. Siguro ay galit pa rin siya sa akin o kaya naman ay nagi-guilty siya dahil sa ginawa niya kaya hindi pa siya nagpapakita sa akin.
I can still feel a slight pang of pain on my cheek. Kinuha ko ang cellphone ni nanay na nakapatong sa side table at binuksan ang camera. Buti na lang at wala akong pasa. Iyon nga lang ay medyo mamula-mula pa ang lugar sa pisngi ko na sinuntok ni tatay.
Ibinalik ko ang cellphone sa side table. Sakto namang bumukas ang pinto. Iniluwa nito sila Janine at Rowan na kapwa naka-suot ng uniform.
"Hala, Aiden!" Janine rushed to me the moment she saw me lying on the bed. Niyakap niya ako at naluluha-luhang hinawakan ang kamay ko.
"Nand'yan ''yung IV fluid," saad ko.
"Sorry!" Agad naman niyang binitawan ang kamay ko.
"Lalabas na muna ako, ah. Aayusin ko na ang bills. Pwede na daw makalabas si Aiden bago mag-lunch," sabi ni nanay bago kami iniwan.
I stared at Janine's face. Worry is evident on her face. Kahit naman nag-aalala siya sa akin ay sobrang ganda pa rin ng mukha niya. Hindi niya yata naranasan maging pangit.
"Bruho ka! Pinag-alala mo kaming dalawa! Kabang kaba kami nang malaman naming nasa ospital ka!" sabi ni Rowan at mahina akong hinampas sa braso.
"Aray, ah!"
"Halos mahimatay ako kanina, Aiden! Takot na takot ako sa kung ano'ng mangyayari sa 'yo," saad ni Janine. Napahawak pa siya sa dibdib niya. "I even ditched my class just to see you, Aiden."
"Wow, ah. You made me feel special," pabiro kong saad. "Umalis na nga kayo! May ten minutes pa kayo para humabol sa first class niyo."
Umupo si Janine sa tabi ko. Sinundan naman siya ni Rowan. "We won't leave. Hihintayin naming ma-discharge ka." Kumuha si Rowan ng slice ng apple na nasa side table.
"Ang kapal mo talaga, Rowan! Hindi na nga kayo nagdala ng pagkain, nakikikain ka pa," patutsada ko kay Rowan. Tinawanan niya lang ako at kumuha pa ng isang slice ng apple.
BINABASA MO ANG
Mythomania
RomanceMythomania (Mania Series #1) Previously known as Mythomaniac. "I promise to shower you with my constructive love-the love that will build you up and won't destroy you." Maraming nangyaring hindi maganda sa buhay ni Aiden noong bata pa siya. Natutuna...