Home
Family could either become the best or the worst, depending on the members.
Hapon ng sabado. Five days before mag New Year.
Napag desisyunan kong umuwi sa Maguin.
I wasn't able to celebrate Christmas with my family dahil may flight ako papuntang Korea.
May lay over kami dun kaya doon ako nag celebrate ng pasko kasama ang iba pang mga flight crew.
Kaya ngayon bumabawi ako.
I filed a leave for one month dahil sa loob ng isa at kalahati taon, never pa akong nag file ng leave para makauwi sa Maguin.
Buti na nga lang at na approve agad yung pag file ko.
Zeki didn't knew about my decision dahil surprise ko naman talaga to sa kanila.
When I got home, Mommy was still inside the kitchen kaya sinenyasan ko ang mga katulong na wag ipaalam na umuwi ako.
Hindi naman ako nagdala ng maleta.
Shoulder bag lang ang bitbit ko kaya hindi ako nahirapang maka akyat sa kwarto namin ni Zeki.
I roam around the room the soon I got inside.
Naninibago ako dahil sa wall color at sa bagong arrangement ng kwarto.
The king size bed is still there pero binago ang pwesto.
Pumasok ako sa walk in closet namin at tinignan agad ang mga damit at collections ko.
I was in awe nang makita kong halos walang ginalaw si Zeki sa mga gamit ko.
-
I took a shower and wore my favorite pajamas.
Nanood muna ako ng movie dahil 4 pm pa naman. Maybe by 5 or 6 ay makakauwi na siguro silang lahat.
Kuya Kenzo's house is one hour drive from here.
Kung tatawagan ko yun mamayang gabi ay paniguradong pupunta yon dahil matagal niya na rin akong kinukulit na umuwi dito.
Only the grey led lights were turned on inside the room kaya medyo madilim rin kung titignan.
Nang marinig kong may pumihit sa door knob, mabilis pa sa alas quatro ako tumayo at nagtago sa likod ng pinto. Leaving the TV on.
'Oh my gosh!'
The door opened at niluwa nito ang kakambal kong kasalukuyang niluluwagan ang kwelyo habang may bitbit na office bag sa kaliwang kamay.
Hindi niya ako napansin dahil siguro sa sobrang pagod.
Napalingon siya sa naka on na TV.
"Did I leave this open the entire day?" He asks himself.
Tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ang sarili sa pagtawa.
Pinatay niya ito at nilapag ang blazer sa kama at nagtanggal ng sapatos.
Dahan-dahan akong nag tiptoe pero agad siyang napabaling sa banda ko.
"Zek--- SURPRISEEE!!!"
Hindi siya agad naka galaw sa gulat at tila ba pinoproseso pa ang nakikita.
Nang makabawi, malalaking hakbang ang ginawa niya para lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap.
The moment he hugged me, my heart soften.
Para bang biglang bumalik sa ala-ala ko ang mga araw na umiiyak ako na mag isa dahil namimiss ko sila, namimiss ko ang kakambal ko.
BINABASA MO ANG
The Kismet of Penelope (COMPLETED)
General FictionPenelope Ellaine Santiago, the young mature girl learns how to grow independently and fearless. As she go along, will she find the moon that'll give her contentment or will she close her eyes and give up?