UL - Chapter 2

103 5 0
                                    

Sa pagkuha ko ng Cellphone number niya. Dito ko na siya nakilala ng lubos. Nalaman kong may kasintahan pala siya. Tatlong buwan na sila ng boyfriend niya pero naguguluhan na siya dito. Sinasabi din niya mga problema niya sa akin sa boyfriend nya at iba't-iba pang problema. Mga magulang at kapatid ni Anie ay nasa Batangas, sa tito niya siya nakikitira dahil sa kanyang pag-aaral at sila na din nagpapa-aral sa kanya kaya tumutulong siya sa negosyo nila para magtrabaho. Si Anie ang panganay sa kanilang magkakapatid, mahirap lang sila kaya sinisikap niyang huwag bumaba ang grades para suklihan ang kanyang tito na nagpapa-aral sa kanya. Habang ako, may kasintahan din pero malayo sa akin, tanging Friendster at Yahoo Messenger lang ang komunikasyon naming dalawa dahil wala siyang cellphone.

Lagi kaming nagkikita sa P.E. subjects namin ni Anie dahil magkasunod lang schedule namin sa gym ng College. Nakikita niya akong sumasayaw ng Ballroom kapag P.E. na namin. Si Bernadette, halos magkaheight lang kami, mas matangkad lang siya ng one inch. Siya ang partner ko sa P.E. class pero ang prof namin, substitute lang ng original prof namin dahil buntis eto at kabuwanan niya.

Lumalalim na nga ang pagkakaibigan naming dalawa ni Anie. Sa hindi kadahilanan, binigyan ko siya ng Friendship Ring, Christmas gift ko sa kanya habang siya wala maibigay pero ayos lang sa akin yun. Ang sing sing na yun ang nagpapatunay na andito lang ako sa tabi niya kapag kelangan niya ako.

"Ring ...... ring ........ ring ..........", tumatawag sa akin si Anie. Alas dose ng hating gabi ng bagong taon, umiiyak siya.

"Bakit ka umiiyak? diba dapat masaya kasi bagong taon na?", sabi ko sa kanya.

"Namimiss ko lang kasi sila Mama at Papa pati mga kapatid ko", sagot niya sa akin.

Dahil sa kaibigan ko na siya, kapag ano nararamdaman niya, ganun na din ako. Gumawa ako ng paraan para mapagaan ko loob niya. Kinausap ko siya at pinatawa sa tawag.

"Oliver, Thank You ha!", sabi niya sakin.

"Wala yun! What are friends for diba?", sagot ko sa kanya. Tumawa na lang siya at anong saya ko nung naginhawaan siya sa ginawa ko.

Di nagtagal, naging Best Friends kami. Wala siyang boyfriend that time, pero ako dalawa padin kami ng girlfriend ko na taga Bulacan pero mapaglaro talaga ang tadhana. May girlfriend ako pero nahuhulog ang loob ko sa partner ko sa P.E. Class namin sa Ballroom Dance. Lagi kaming tinutukso ng prof namin na bagay daw kami dahil magkasize kami, hindi ko na lang pinapakita sa kanila na apektado ako.

Dumating yung time na nanganak na at pu-pwede nang magturo ulit ang talagang professor namin sa P.E. kaya nag-iba na naman ng partners. Hindi ko na partner si Bernadette pero isang kaheight ko ulit ang pinarehas sa akin, si Jean, best friend din ni Bernadette. Sa pagkakataong ito, may namamagitan sa kanila ni Bernadette at nang bago niyang partner ngayon, kahit na may boyfriend si Bernadette. Aaminin ko, mas maappeal ito kesa sa akin, mas matangkad sa aming dalawa pero di ko alam kung bakit ako nagseselos. Di nagtagal, nabalitaan ko na may relasyon na si Bernadette at ang bago niyang partner pero palihim nila ginagawa. Hinayaan ko na lang ang feelings ko kay Bernadette dahil nga sa girlfriend ko.

Lumipas ng ilang buwan, natapos din ang 1st year namin pero may summer class ako. Nagbakasyon muna kami nila Avee ng dalawang linggo bago pumasok sa summer class ngunit di namin alam na nagsimula na pala ang klase dalawang linggo na ang nakaraan. Kinausap ko ang best friend ko kung ano balak nya ngayong darating na bakasyon.

"Ano balak mo sa bakasyon bhest?", tanong ko kay Anie.

Bhest na tawagin namin simula nang naging best friends kami ni Anie.

"Balak ko sanang pumunta sa Batangas para makasama ko sila Mama at Papa", sagot niya sa akin.

"Punta ka ah, I'm sure namimiss mo na sila", sabi ko sa kanya.

"Oo, pupunta ako pero mamimiss kita", tugon niya sa akin.

"Mamimiss din kita bhestcoh", sagot ko naman.

Dahil sa ayaw namin mamiss ang isa't-isa ng Best Friend ko, halos araw-araw kami magkatext. Kinakamusta ko siya lagi, kung ano ginagawa niya doon at kung pano yung lugar nila doon. Nagkukwento din siya kung sino kasama niya at kung saan sila namamasiyal. Pinakilala niya sa akin ang kaisa-isa niyang kaibigan na lalake sa Batangas, si Reynaldo. Halos magkasing tangkad lang daw kami, mas maputi nga lang sa akin. Malamig daw sa kanila dahil puro puno ng niyog at kabundukan at tanaw na tanaw daw dun ang Taal Volcano sa Batangas.

Bumalik na si Anie galing sa Batangas at pagkabalik niya pumunta agad siya sa Net Cafe namin at sakto namang ako ang nakabantay. That time, single padin siya pero ako meron na ulit bago dahil tinigil ko na ang relasyon namin ng taga Bulacan dahil hindi na nagwork-out. Naintindihan naman niya ito dahil wala kaming komunikasyon. Daming nakwento sa akin si Any sa Batangas na halos napag-usapan na din namin sa phone. Halatang miss na miss namin ang isa't-isa dahil tagal naming nag-usap. Bakas sa mukha naming dalawa ang kasiyahang nadarama nang nag-uusap kami.

Si Loren, ang pinalit ko sa dati kong kasintahan na naninirahan din sa Bulacan. Nakilala ko siya sa phone, may nagbigay sa akin ng numero niya. Mahiwaga ang babaeng ito dahil may nakakakilala sa kanya dito pero siya wala siyang kakilala. Marami din siyang alam dito sa amin. Pinaliwanag niya mga lugar dito na tumugma naman. Hindi ko mapaliwanag kung sino nga ba siya ngunit patuloy padin ang pagrelasyon ko sa kanya. Marami kaming plano na magkita pero laging nakakansela.

Kapag may problema ako kay Loren, kumakapit ako kay Anie, lagi naman siyang nandiyan para sa akin. Ang suwerte ko sa best friend ko. Hindi ko din naman siya binibigo kapag kelangan niya ako. Nagtutulungan kami sa mga problema naming dalawa. Minsan, wala siyang klase, sinasamahan ko siya kahit na may klase ako, nag-i-skip ako para lang samahan siya, kahit na hindi niya sabihin sa akin na wag ko na lang pasukan ang subject. Kung san-san kami napapadpad ng mga paa namin kapag magkasama kami. Nag-uusap lang kaming dalawa. Kita sa aming mga mata ang kasiyahan tuwing magkasama kami. Kahit sobrang pagod kami sa kakalakad basta kami magkasama hindi namin nararamdaman iyon.

Sa araw-araw na lagi kong nakikita si Anie, may nahalata ako. Isang lalake lagi niyang kasama, dalawa lang sila. Nagtaka ako.

"Bhest, ahem!! may nahahalata ako", sabi ko sa kanya.

"Ah si Lance?", sagot ni Anie sa akin.

"Oo bhest, siya nga. Ano meron?," tanong ko ulit sa kanya.

Hindi nagsabi ng totoo si Anie sa akin. Alam ko yun dahil ramdam ko sa kanya. Tinanong ko ulit si Anie tungkol kay Lance. Sa pagkakataong ito, nagsabi na siya ng totoo.

"Bhest, nanliligaw sa akin si Lance", sabi ni Anie

"Sabi na nga ba eh! Tama hinala ko! hehehe", patawa kong sabi kay Anie.

"Congrats!!", sabay ngiti sa best friend ko. Tagal na kasing hindi nagkaboyfriend ang best friend ko.

Dumating sa puntong nagkakalabuhan na kami ni Loren pero to the rescue parin ang best friend ko na si Anie. Lagi niya akong dinadamayan. Hindi siya nabibigong patawanin at pangitiin ako tuwing nalulungkot ako dahil kay Loren.

Kahit na may nanliligaw na kay Anie. Hindi parin nagbago samahan naming dalawa. Mas naging close pa kami sa isa't-isa. Halos araw-araw kaming nag-uusap, nagsasabihan ng problema tuwing may problema. Like a best friend always do for her/his best friend. Minsan tinutulungan niya tito niya dito sa amin para lang makapagkita kami. Nag-uusap kami tuwing andito siya sa bayan namin. Welcome na welcome ako sa puwesto ng tito niya. Hinahayaan lang kaming dalawa na mag-usap hanggang sa umuwi sila.

To be continued ...

Undying Love -JHON ORLIE

All Right Reserved 2015

Undying LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon