"What are you doing here?!" Gulat kong tinatanong.He was just.. looking at me. And it makes me feel so anxious in so many ways!
I mean, c'mon! Pwede namang si Dani, o si Abby, o si Joy, o si Cha- nevermind! I'm just saying anyone, but obviously not Jace!
"Louisiana, kumain ka na't pinaghihintay mo pa ang bisi-" napatigil si Lala nang makita ako.
"Ano ka ba namang bata ka!" Hinampas niya ako ng bahagya sa braso at tinakpan ang buong katawan ko gamit ang katawan niya. Kumunot ang noo ko ng kaunti dahil nasagi niya ang braso kong may cast!
I glanced at him and he immediately looked away.
"Naku! pasensya ka na, hijo. Umupo ka muna dyan at dadalhan kita ng maiinom." She laughed, awkwardly.
Umupo si Jace. I can almost hear him say, bakit gulat na gulat ka? are you that excited to see me?
And that thought actually makes me really annoyed!
"U-uhh it's okay." Sabi niya kay Lala.
"Ano ka ba naman tila wala ka ng suot dyan tapos nagpakita ka pa- magbihis ka doon!" Bulong niya sa akin bago ako itulak ng mahina paakyat ng kwarto.
Ibinagsak ko ang buo kong katawan sa kama at tinakpan ng unan ang mukha ko at mahinang nagtititili sa unan.
This is so embarrassing!
Nang matapos ako sa lahat ay marahan akong bumaba habang nakatingkayad ang mga paa pero hindi ko siya nakita sa pwesto kung saan siya nakaupo kanina. Tinignan ko ang bawat sulok ng sala bago sumilip sa bintana at nakita ko na nandoon pa ang sasakyan niya.
Where the hell is he, then?
"What are you doing?"
"Ay tipaklong!"
Halos mapatalon ako sa gulat nang kalabitin ako nito at sumulpot sa likod ko habang may dalang baso ng juice. Muntik pa akong matapunan.
"Ano ba!" hiyaw ko habang nakahawak sa dibdib ko. Biglang sumulpot si Lala galing kitchen.
"Handa na ang breakfast mo, bilisan mo kumain nang makaalis na kay-"
Hinawakan ko ang braso ni Jace at nagmadaling naglakad papuntang pintuan. "Busog pa ako, Lala! Aalis na kami baka malate pa po ako eh. Bye bye!"
"Wha-" Pinutol ko ang sasabihin ni Jace at hinarap siya nang makalabas kami.
"What are you doing?" Agad kong tinanong. Nakaawang ang bibig niya habang nakatingin sa akin.
"Ikaw ang kumaladkad sa akin dito tapos ako ang tatanungin mo?"
I rolled my eyes in frustration.
"Ang ibig kong sabihin, anong ginagawa mo dito?! Paano kung nakita ka ni Dad-"
"Why?" Kalmado niyang putol sa akin. Huminga ako ng malalim at pinilit rin maging kalmado.
Pero, paano ako kakalma?! Nakita niya ako sa ganoong suot tapos nagpakita pa siya sa loob! Paano kung nakita siya ni Dad? I don't want want him to get the wrong idea! Lalo na ngayon na he's looking forward to see Chad doon sa anniversary party and I haven't told him anything about our breakup!
"Pwede ba? Kung ano mang trip mo wag mo na akong idamay." I breathe out in annoyance.
"Wha- trip? I'm doing you a damn favor," He paused, tinaasan ko siya ng kilay.
"Favor?"
"Stupid." Bulong niya. Kumunot ang noo ko. Akala niya siguro hindi ko narinig!
"Ano?" Inis kong tinanong.