KINABUKASAN AY MAAGA akong pumasok. Milagro rin dahil maagang pumasok yung mga kaibigan ko.
"Ang aga niyo yata?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.
Nag-uusap kasi sila Rafael, Stephen and Eve. Bukod sa kanila ay may iba na rin namang nag si datingan na mga kaklase ko.
"Aba syempre noh bukod sa marami kang i-kukwento sa'min ay marami rin kaming itatanong sayo" pagtataray ni Eve.
Apaka tsismosa talaga kahit kailan nitong babaeng to.
"Tss Dinamay mo pa yung dalawa sa ka tsismosa mo ah" hindi makapaniwalang asik ko.
"Oo nga. Baka mahawa na kami sayo nyan Eve" Kinakabahan pang ani Pael.
"Kung maka hawa ka naman. I-ikaw nga yung lalaking bersyon ko" umirap si Eve.
"Hoy Eve. Huwag mo nga akong i-gagaya sayo" asik ni Pael. "Napaka tsismosang babae"
"Aba natural lang yon kasi babae ako" sinamaan niya ng tingin si Pael. "E ikaw? Kay lalaking tao napaka tsismoso"
"Tsismoso ba talaga ako bai?" Baling niya kay Stephen.
"Ewan ko pero parang ganun na nga" sagot ni Stephen.
"Oh kita mo na" natatawang ani Eve.
"Alam nyo bagay kayong dalawa" sambit ko habang pa palit-palit ang tingin ko sa kanila.
Nakita ko naman yung pag laki ng mga mata ni Eve at nang bumaling naman ako kay Pael. Nakangiti siya. Pota! Hinding hindi pa nagkakamali yung nararamdamn ko.
"Hoy Yrah" Tawag ni Eve. Ang sama na makatingin sakin. "Huwag mo ibahin usapan ah. Kala mo nakalimutan ko"
Kasabay ng pag hatak niya sakin, nag ring yung bell. Ay salamat! Nakahinga ako ng maluwag. Alam ko kasi ang daming itatanong ni Eve sakin.
Hindi pa ako nakakapag-isip kung ano ang isasagot ko sa kanya pero isa lang alam ko, ang hindi niya muna malaman yung totoong nararamdaman ko simula nang nagbalik si Hector. Sa mismong araw ng birthday ko.
Pag hanga lang naman yon pero alam kong hindi lang hanggang doon yung nararamdaman ko.
May tiwala naman ako kay Eve. Kaibigan ko yan e at kahit pa napaka tsismosa niyan ay malaki ang tiwala ko sa kanya. Sadyang hindi palang ako handang aminin sa kanya yung totoo.
Nang matapos yung flag ceremony ay may konting i-nanunsiyo yung principal. Tungkol iyon sa Culmination ng Nutrition Month. Sa katapusang araw ng iyon ng July, Thursday.
Monday na monday, nakakapag-taka at hindi nakaka-stress yung aralin ngayong araw nato. Busy kasi yung lahat sa ng paghahanda sa culmination.
"Sali tayo" Pag aaya ni Pael.
"Saan?" Sabay sabay naming tatlo na tanong.
Nandito kami ngayon sa favourite spot naming round table ni Eve. Hapon na at wala ring kaming klase sa last subject kaya dito nalang namin ipinag pa lipas yung oras.
"Saan pa edi sa cooking contest" sagot niya na para bang larong kalye lang ang sasalihan.
Sabay-sabay silang tumitig sa akin.
"Sigurado kaba dyan?" Nag aalalang tanong ni Eve. "Kala mo ba may talento tong babaeng to?" Turo niya sakin.
"Gusto ko rin yan pael" Nakangiting pag sang ayon ni Steph. "And naniniwala naman ako dito kay baby Yrah" ngumiti siya sakin.
Mabilis akong umiling. "Huwag niyo na akong isali dyan. Kung gusto niyo kayo nalang" tumingin ako kay Pael. "Tsaka ikaw pael, huwag mo ko idamay sa ginagawa mo ah baka hindi na kita pakakainin sa dala kong pag kain" banta ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Man from Different World | COMPLETED |
RomansaA story of a girl in which she will meet a man from different world; online and real world.