Chapter Four

566 19 5
                                    

Hinamas-himas ni Sid si Uno, ang pug ni Gabby na ngayon ay kasa-kasama niya palabas ng supermarket. Kanina lang ay dinala niya ito sa veterinary clinic. Pagkatapos ay naisip niyang ipasyal-pasyal muna ito dahil mukhang hindi nga naiilabas ni Gabby. Masyado kasing inuubos ng babaeng iyon ang oras sa pamamalakad ng kumpanya. Idagdag pa na malapit nang maayos ang itinatayo nitong Seasons Bar and Restaurant. Sunod-sunod ang mga kailangan nitong asikasuhin.

"Hindi na nagpapahinga ang amo natin ano, Uno?" pagkausap niya sa aso.

Tumahol naman ang aso na parang naiintindihan ang sinabi niya. Pati ba naman aso, hindi nito pinatawad sa pagiging workaholic nito. Gabby had named her dog Uno – as in number one. Ang sabi ni Andy sa kanya ay sinadya daw ni Gabby na iyon ang ipangalan sa aso para daw hindi nito makalimutan ang goal nito sa buhay. Iyon ay ang maging numero-uno sa lahat ng bagay.

Napailing tuloy siya. Binalingan niya ulit ang aso na nakatingin sa kanya. Ang buntot nito ay nagwawagwag, hatalang masaya na nakalabas ng bahay.

"Buti ka pa, mabait sakin. Yung amo natin, naku! Kulang na lang ay ipakulam ako para lang lumayas ako sa kumpanya nila," pagsusumbong pa niya.

Naalala niya ang hitsura ni Gabby noong sinabi ng ama nito na siya ang magiging sekretarya nito. Kulang na lang ay kalmutin siya nito sa mukha sa tindi ng inis nito. Noon at ngayon, mainit talaga ang dugo sa kanya ni Gabby. Hindi niya ito masisisi. Mas pinapaboran kasi siya ni Alfredo higit kanino man. Mas malimit din na kasama niya ang ama nito dahil siya ang pinagkakatiwalaan nito ng mahahalagang dokumento sa kumpanya.

Itinuring siya ni Alfredo Montecillo na parang tunay na anak. Malaki ang utang na loob niya sa pamilya ni Gabby, pero hindi iyon naiintindihan ni Gabby. Para dito, siya ay ka-kompetensya nito sa lahat. Simula pa high school sila ay ganoon na ang turing nito sa kanya. Ni hindi nito itinatanggi na gusto nitong siya mismo ang sumuko para mapaalis siya sa kompanya.

He snorted. Na para bang aalis siya sa kumpanya dahil lang sinabi ni Gabby. Kahit kailan ay hindi siya na-threaten ni Gabby. Alam niya kung saan siya nakatayo sa pamilya nito. Contrary to what Gabby believed, there was no chance at all that he would manage the Montecillo company no matter how impressing his resume was. Tingin niya ay iyon ang pinoproblema ni Gabby kaya galit na galit ito sa kanya.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang mag-ring ang cellphone niya. Napangiwi siya nang makita kung sino ang tumatawag. Parang alam na niya ang dahilan kung bakit tinatawagan siya ni Alfredo Montecillo.

"Hello, Sir," pormal niyang salubong sa kausap.

"Desiderio, nasaan ka? Kanina pa kita hinahanap. Ang sabi ng receptionist ay nakita ka daw niyang lumabas ng kumpanya. Aren't you with Gabby right now?" sunod-sunod na tanong niya.

Napakamot siya sa batok.

"Sir, inaasikaso ko po si Uno ngayon."

"Who's Uno? As in Gabby's stubborn pug?"

Sa tono ng boses nito ay nakikinita na niya ang hitsura ng boss niya. "Yes, sir."

"What? Ano'ng ginagawa mo diyan? I'm paying you to help Gabby manage the company, not to be her dog's caretaker," halos pagalit nitong sabi sa kabilang linya.

Sinasabi na nga ba. Sesermunan na naman siya nito.

"Sir, your daughter asked me to take care of this dog. Sinusunod ko lang ang utos niya bilang sekretarya niya."

"You're not acting as her secretary! Hinahayaan mo lang na tratuhin ka niya nang ganyan? Sid, you can do better than that," base sa boses nito ay halatang nagagalit na rin ito sa kanya. Dito nagmana si Gabby nang kaiksiin ng pasensya.

Seasons 3: The Fall of AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon