Chapter 10

75 4 0
                                    

"Zeus"pag tawag ko sa kaniya ng makapasok na kami sa gate ng dormitoryo.

"Hm?"

"Ah diba sa akin nanggaling ang apoy kanina?"

Oo sana ang isagot mo please!

Dahan dahan siyang nag lakad papalapit sa akin dahil medyo malayo na rin ang agwat namin.

Baka may sasabihin din siyang pribado.

"Oo-"

"Ibigsabihin ay yun na ang kapangyarihan ko? Alam ko na ang kapangyarihan ko?" Excited na tanong ko sa kaniya.

Malaking bagay iyon. Kung sa kaling iyon nga ang kapangyarihan ko ay pwede na akong makatulong sa kanila.

Pwede na akong makasabay sa kanila. At pwede ko na ring patunayan ang sarili ko sa kanila.

Pwede ko ng patunayan na hindi lang ako vehemens ng walang dahilan.

At napabilang ako sa kulay na ito dahil may sapat na rason.

"Hindi" Maikling sagot niya kaya't agad na napawi ang ngiti sa mga labi ko.

Agad na napalitan ng luha ang kaninang nakangiti kong mata.

"H-hindi?"

"Hindi lang" Pagtatama niya kaya't agad na bumilis ang tibok ng puso ko. "Kapangyarihan ko rin ang ipinakita mo kanina... At imposibleng iyon lang ang kapangyarihan mo dahil walang vehemens ang may mag kaparehong kapangyarihan"

Iyon rin ang sinabi ni Ares nung pinipilit ko siyang samahan ako sa gubat.

Kung ganoon ay mas malakas pa ako sa kaniya? May posibilidad ba na ganun ang mangyari?

Pero hari ang isang to... At imposibleng maging hari siya ng walang rason.

"Pero isa na iyon sa kapangyarihan mo" Dagdag niya pa.

"Ibigsabihin ba nito ay malakas rin ako? Makapangyarihan rin ako?"

Dahil kung oo ay sobrang tuwa ko! Sobrang saya ko!.

Hindi naman sa nakikipag kompetensya ako kay Ate Dion pero pwedeng ako maging mas malakas kaysa sa kaniya.

"Oo, pero hanggat hindi mo pa nalalaman ang buong kapangyarihan mo ay wag mo muna itong sasabihin sa iba... Maaaring gamitin nila ito laban sayo" paalala niya.

protektahan ang sarili ko... Siguradong ito rin ang sasabihin niya.

Gaano ba ako kahalaga at kailangan ko laging mag ingat?

Madalas ko namang nakikita sina Hera na wala sa dorm at gabi na kung umuwi pero bakit hindi gaanoon ang nagiging reaksyon nila?

Bakit hindi naman nila bini-big deal?

"Gagawin ko... I trust you Zeus" saglit niya pang tinap ang ulo ko na parang alagang aso.

"Aalis na ako"

Tinanguan ko lang siya saka siya umalis dala dala ang skateboard niya.

Nag tataka rin ako sa lalaking iyon dahil hindi niya mabita bitawan ang skateboard na iyon.

Hindi ko rin naman alam kung saan siya nag pupupunta... Mas madalas pa nga siyang nasa labas kaysa nasa loob ng dormitoryo.

Pumasok na ako dahil mag hahapon na rin.

Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon