Chapter 42

332 14 0
                                    

YRRAH

Sa bahay na tinutuluyan namin ni Kuya kami dumiretso ni Xian. Kuya Yohan is already here at mukhang hinihintay talaga kami.

Nagkamay ang dalawa ng magkita.

Mukhang maganda ang mood ngayon ni Kuya dahil naka ngiti ito.

Nasa sala kaming tatlo at doon nag-usap, pero dahil parehas na businessman itong si Kuya Yohan at Xian kaya hindi nagtagal ay napunta na sa business ang usapan ng mga ito, so I excuse myself and go to my room.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang sched ko this week. Pina cancel ko muna sa manager ko ang mga schedule ko, I want to spend my time with Xian lalo na at one-week itong mag sstay dito sa Hong Kong.

Mabuti na lang at nakuhang ayusin ng manager ko ang picture na nakunan sa akin, ayokong umabot pa yun sa Pilipinas. Ang inaalala ko ngayon ay si Kyrie, kung papayag ba ito sa gusto ng tatlong kaibigan ni Xian, alam ko naman kasi na hindi biro ang schedule ni Kyrie dahil sa kaliwa't kanan nitong mga trabaho.

Nakakahiya naman kasi kay Briana, she helped us to remove Faye out of Xian's life. And this is the only favor we can give to pay her back.

Mamaya ay tatawagan ko si Kyrie para malaman ang napag-usapan ng mga ito. I feel bothered about this, it feels like it is also my responsibility to persuade Kyrie dahil kami naman ni Xian ang nakinabang sa ginawa ni Briana.

After thirty minutes ko sa kwarto ay nag decide na akong lumabas. Nag-uusap pa din ang dalawa at halatang business pa din ang topic ng mga ito kaya sa kusina na lang ako dumiretso para magluto ng lunch.

Mabuti na lang talaga at natuto na akong kahit paano sa kusina. It's a good thing upang hindi ma stress sa akin si Xian if ever man na kami talaga ang magkatuluyan. Napangiti ako sa naisip ko, bigla ko tuloy naalala ang nangyari kagabi, nakarandam ako bigla ng init kaya kaagad akong uminom ng malamig na tubig. Stop imagining things Yrrah!

After kong magluto ng dalawang putahe ay tinignan ko sina Kuya at Xian na nagtatawanan, kailan pa naging close tong dalawa na to?

Lumapit ako at tinawag sila. Habang kumakain kami ay muntik pa akong nabulunan sa tanong ni Kuya Yohan.

"So, kailan ang kasal?" Simpleng tanong nito habang sa akin nakatingin, habang si Xian ay sa akin din tumingin. Aba!

"Kuya, wala kaming plano sa kasal"

"Really? I think I already like Xian for you, sayang ang oras. Gusto ko ng makita ang pamangkin ko" ani Kuya na nagpalaki sa mata ko? Seriously? Akala ko ay si Kuya ang unang aayaw kapag inaya akong magpakasal ni Xian, pero heto ito ngayon at mukhang mas excited pa.

"I want to marry her as soon as possible, but she already refused my proposal" singit ni Xian.

"What? Why? Yrrah?" Ani Kuya na hindi makapaniwala.

"Stop questioning me Kuya, nakaka pressure" wika ko sa kanya, si Xian naman ay nakangiti at mukhang gustong gusto ang sinasabi ni Kuya Yohan kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"How about you Kuya, kailan ka ikakasal? Okay lang sa'yo na mauna ako?" I raised a question. Hindi ko pa nakikitang nagseryoso si Kuya sa kahit na sinong babae, laging pang isang linggo lang ata ang mga nagiging karelasyon nito.

"I'm still young to be married, and I'm still waiting for the right girl for me" ani Kuya na nagpataas ng kilay ko. Baka tumandang binata si Kuya Yohan kakahintay sa right girl na sinasabi nito.

After ng lunch namin ay nagpunta muna si Kuya sa library nitong bahay na nagsisilbing office nito, may important call daw itong kailangan na sagutin. Kaya naiwan kami ni Xian sa kusina at pinapanood lang ako nito habang hinuhugasan ko ang mga plato.

School Royalties (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon