YRRAH'S POV
Sa isang linggong pananatili ni Xian dito sa Hong Kong ay halos hindi kami magkahiwalay. Kung wala si Xian sa bahay ay nasa hotel kami nito. We enjoyed the week without thinking about anything. Pero hindi na naulit ang isang gabing may nangyari sa amin, parehas naming inisip ang maaaring mangyari at naintindihan naman iyon ni Xian.
Ang mga kaibigan naman ni Xian ay kaagad din na bumalik sa Pilipinas. Si Xian lang talaga ang nagtagal dito. At ngayon ang huling araw ni Xian dito sa Hong Kong, mamaya ang uwi nito pabalik ng Pilipinas. Alam kong tambak na ang trabaho nito kaya kahit gusto ko itong mas tumagal dito ay alam kong hindi pwede.
Nandito kami ngayon sa hotel, parehas kaming nakahiga sa malamboylt na sofa habang nanonood ng tv. Nasa likuran ko si Xian at nakayakap sa akin habang panay ang halik nito sa ulo ko maging sa leeg ko.
"Xian, baka maubos ako kakahalik mo" wika ko dito dahil kanina pa nito ako hinahalikan.
"I want to enjoy my last day here, kailangan kong magbaon ng madaming halik dahil paniguradong mamimiss ko to" ani Xian na mas hinigpitan pa ang yakap sa akin.
We spend our whole day together, kinagabihan ay hinatid na nito ako sa bahay. Hindi na ito nagpahatid sa airport dahil daw baka hindi ito makaalis kapag nakita niya ako doon. I gave him a sweet goodbye kiss before he left.
Kinabukasan ay naging normal na naman ulit sa akin. Naging busy ako the next week dahil sa dami ng naka pending kong mga photoshoots at mga meetings with different brands and magazines. Naging sobrang hectic ng schedule ko to the point na isang beses ko na lang nakakausap si Xian sa phone.
Ngayong araw ay may photoshoot ulit ako kung saan si Jared ang photographer. Habang inaayusan ako ng isang makeup artist ay lumapit si Jared sa akin na laglag ang balikat, kaya pinaalis ko muna ang makeup artist para makausap ko ito.
"What happened to you?" Taka kong tanong dito ng maupo ito sa tabi ko.
"Uuwi si Kyrie sa Pilipinas" ani Jared sabay buntong hininga.
"So what? Trabaho naman ang dahilan kung bakit ito uuwi ah" sabi ko. Hindi pa ba sanay itong si Jared sa girlfriend nito? Minsan nga ay mas malalayong bansa pa ang pinupuntahan ni Kyrie na umaabot ng isang buwan pero hindi umakto ng ganito si Jared.
"I'm bothered. May tiwala ako kay Kyrie, pero sa mga nakapaligid sa kanya ay wala. Last time ay pinaalis ako ni Kyrie sa hotel niya at nalaman kong may bisita pala siya na mga lalaki"
"Sino? Sina Evans?" Tanong ko. Tumingin si Jared sa akin na nagtataka. Hindi ba pinakilala ni Kyrie si Jared sa pinsan nito?
"Evans?” naguguluhang tanong ni Jared.
"I'm sure kilala mo yun. He's one of the LEU's Prince before. Kyrie's cousin" paliwanag ko na nagpaliwanag sa mukha nito.
"So, pinsan ni Kyrie ang tumatawag sa kanya noong nasa bar kami? Shit! I blocked his number! Akala ko fans lang ni Kyrie" he explained. Seryoso? So si Jared pala ang nam block sa number ni Evans. Nailing na lang ako kay Jared, pero hindi ko naman ito masisisi. Sa gandang babae ni Kyrie ay talagang magseselos kahit na sinong maging boyfriend nito.
Nang matapos na ang photoshoot ko ay tumawag ang manager ko para sabihin na may out of the country akong photoshoot with some of the famous models in modeling industry. Hindi ako nagdalawang isip na tanggapin iyon dahil hindi biro ang brand na kumukuha sa akin. I'm actually shocked ng sabihin ito sa akin dahil hindi ko inakalang kukuhanin ako. Kadalasan kasi ay mga kasing level nina Gigi Hadid at Kendall Jenner ang kinukuha ng brand na iyon para maging model nila.
Kinagabihan ay tumawag ako kay Xian para ipaalam dito ang magandang balita.
"Xian, may good news ako!" Excited kong salubong pagsagot nito ng tawag.
"Hm? You sound delighted, ano yun?" Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa, sinabi ko na sa kanya ang magandang balita.
"Xian?" Tawag ko sa pangalan nito. Bigla kasi itong natahimik pagkasabi ko sa balita.
"Are you still there?" Tanong ko at tinignan ang cellphone, hindi pa naman namamatay ang tawag.
"Xian?"
"Congrats" wika nito sa mahinang boses. Hindi ba ito masaya sa balita ko?
"Are you okay? Hindi ka ba masaya para sa akin?" I asked.
"I'm happy for you" he's happy? Bakit wala akong marandamang saya sa tono ng boses nito.
"Nag-aalala lang ako. Being a model on that brand means additional popularity. Mas dadami na naman ang mga hahanga sa'yo, mas dadami na naman ang mga lalaking mag hahangad sa'yo and I hate that" pag-amin nito. I understand him, kahit ako ay hindi ko gugustuhin na malaman na maraming nagkakagusto kay Xian. I will hate the fact na madaming babae ang naghahangad sa lalaking mahal ko.
"Tell me if ayaw mo akong tumuloy doon, gagawin ko ang gusto mo" wika ko dito. Pwede ko pa naman tanggihan iyon, kaso ay nakakapanghinayang lang talaga kung hindi ko tatanggapin dahil bihira lang ang ganoong pagkakataon.
"I loved to stop you. Pero ayokong maging dahilan para hindi mo magawa ang mga gusto mo. I will just support you Yrrah because I love you"
"You are making me fall so hard for you Xian. Tell me how to unlove you, lunod na lunod na ako sayo" I said with full of emotion. Xian is making me feel loved in his every words. Hindi na talaga ito katulad ng dating Xian na puro sarili lang ang iniisip, at mas minamahal ko pa lalo ang Xian na kausap ko ngayon.
"That's my plan actually, I want you to fall in love with me so hard para wala kana talagang kawala sa akin" he laughed. Nailing na lang ako sa tinuran nito.
Kinabukasan ay nag sign na ako ng contract dahil next week na din ang lipad ko papuntang London dahil doon gaganapin ang photoshoot ko at kinakailangan na mag stay ako doon ng one week. At natuwa pa ako ng malaman na kasama si Kyrie sa photoshoot na iyon at napag alaman kong sasama si Jared sa London hindi para sa trabaho kung hindi ang magbakasyon para makasama si Kyrie. Their relationship is still unknown from media kaya ako ang kinakabahan para sa kanila.
Akala ko ay magiging maayos ang mga susunod na araw para sa akin, pero nagkamali ako.
The next week ay naging laman ako ng mga balita, at isang tao lang ang naisip ko sa pagkakataong iyon. It was Xian.
**
LANCE POV
"Anong problema ni Xian?" tanong ko kay Evans na katabi ko. Umangat ang tingin ni Evans at tinignan si Xian na para bang tulala habang nakatingin sa laptop nito.
"Have you read the news? Ngayon lang" ani Scott na nasa tapat namin, nakatingin ito sa cellphone nito at tarantang inabot sa amin ang cellphone na may nakalagay na balita about Yrrah Anderson dating a photographer, may picture pa ang dalawa na sabay na pumasok sa room ng isang hotel sa London.
"What the fuck is this?" Kunot noo kong tanong sa balitang kumakalat ngayon sa social media.
"Sino ang lalaking iyan? He looks familiar" ani Evans na sinamaan ko ng tingin. Hindi importante kung sino ang lalaking ito. Hindi magagawa ni Yrrah ang ganito kay Xian.
Tumayo ako at lumapit dito, his eyes were stuck on the news.
"Hindi mo ba tatawagan si Yrrah? I'm sure na hindi totoo yan. She loves you man, why don't you call her?" Pare parehas kaming naghirap na magkabalikan sina Yrrah at Xian, Yrrah is the only happiness of Xian. Ayokong dumating na naman si Xian sa point na malungkot ito. Hindi sumagot si Xian pero tumayo ito at walang emosyon na lumabas ng office. Naiwan kaming tatlo na hindi malaman kung anong gagawin.
What will happen now?
—
Hazlyn Styles
—
BINABASA MO ANG
School Royalties (✔️)
Teen FictionYrrah Anderson, a lovely girl who reigned as the first Princess in a famous school in the Philippines. While Xian Laxamana is the King, a King full of superiority and arrogance. But what will happen if the King fell in love with the first Princess a...