Chapter 44

317 9 1
                                    

YRRAH'S POV

"Don't open your phone" babala ng manager ko ng makita niya akong hawak ang cellphone ko.

"I need to make a call" seryoso kong sambit. I need to call Xian.

"Yrrah, listen. Hindi ka titigilan ng mga reporter hanggat hindi mo sinasagot ang mga tawag nila. Alam mo naman siguro iyon hindi ba?" I know! But I have to call Xian, dahil siguradong alam na nito ang tungkol sa balita. I need to explain what happened.

Kanina pa ako tinatadtad ng mga calls and message ng mga reporters kaya pinatay ko muna ang cellphone ko. And the moment na mag open ulit ako ay yun na naman ang mangyayari. Pero anong gagawin ko?

Kasalukuyan kaming nasa kotse papuntang airport, ngayon na ang balik ko sa Hong Kong, at kung kailan uuwi na ako ay ngayon pa nagkaaberya.

Sa airport ay pasalamat akong walang naka abang na reporter dahil wala namang nakakaalam na ngayon ako babalik sa Hong Kong. Sa mga ganitong pagkakataon ko nararandaman ang pagiging sikat ko, people are always eyeing me lalo na sa ganitong panahon na may nakakamit akong malaki sa pagiging modelo ko.

Thirteen hours ang biyahe namin pabalik ng Hong Kong, umaga na ng nakarating kami. Si kuya Yohan ang sumalubong sa akin sa airport at kaagad akong sumakay sa dala nitong kotse.

"Kuya, pahiram ng phone mo" sambit ko pagsakay ko pa lang sa kotse ni kuya. Walang salitang inabot naman ni kuya Yohan ang cellphone nito sa akin.

I tried to call Xian's number, pero out of reach ito. Shit.

"What happened Yrrah? Kagabi pa ako tinatawagan nina Tita at nagtatanong. Maging si Kyle ay tumatawag din"

"It's just a misunderstanding. Jared and I are friends" I mumbled as I tried to call Xian's number again.

"Of course alam kong magkaibigan kayo, kilala ko si Jared ever since na napunta tayo dito sa Hong Kong. Pero bakit nasa London din si Jared?"

Tinigilan ko ang pay dial sa number ni Xian at tinignan si Kuya Yohan na nakakunot ang noo at naghihintay sa paliwanag ko.

"Actually.." 

I explained everything to kuya Yohan and he was shocked dahil hindi nito inasahan ang dahilan na sinabi ko.

"How about Xian? Na contact mo na ba?"

"Not yet. Out of reach ang phone niya. Nag-aalala ako kuya, what if galit si Xian? What if makipaghiwalay siya sa akin?" Kinakabahan kong tanong. Iyon ang kagabi ko pang iniisip. Ang daming what if's sa utak ko at lahat yun ay kay Xian.

"Don't underestimate him. He is Xian Laxamana, CEO of Laxamana corporation. Matalino siyang tao at ang kailangan mo lang gawin ay ang ipaliwanag sa kanya ang nangyari at maiintindihan niya" ani kuya Yohan pero hindi pa din mawala ang pag-aalala ko. Sa pagkakataong ito ay mas takot akong mawala si Xian sa buhay ko kaysa sa trabaho ko.

Pagdating namin sa bahay nagkulong ako sa kwarto ko at pilit pa ding tinawagan si Xian, pero wala pa din. After a while ay nag ring cell phone ni kuya at pangalan ni Kyle ang lumitaw.

"Hello" sagot ko sa tawag.

"Yrrah? Anong nangyari? Kagabi pa kita tinatawagan" ani Kyle.

"Kakauwi ko lang"

"Okay ka lang ba? Laman ka ng balita. Adrian is also asking me about you" may halong pag-aalala ang boses ni Kyle.

"I'm okay, don't worry. Pero si Xian, hindi ko pa siya nakakausap,"

"What? Akala ko nandiyan na siya sa Hong Kong? Scott Adamson told me na lumipad na si Xian pabalik ng Hong Kong kagabi pa" What? Napatayo ako sa kinauupuan ko at lumabas ng kwarto ko at hinanap si kuya.

School Royalties (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon