YRRAH'S POV
Sa pananatili ko as Pilipinas ay lantaran kong ipinakita sa tao kung ano si Xian sa buhay ko. I realize that hiding is sometimes not the best option.
Dahil sa ginawa ko ay inulan ako ng mga tanong mula sa mga reporters at sa manager ko na mainit na ang ulo dahil sa ginawa kong paglantad sa relasyon namin ni Xian. Gusto kong maging matapang katulad ni Kyrie na nakuhang isapubliko ang relasyon kay Jared kahit kapalit nun ay maaaring pag bagsak ng career nito.
This time, I am not scared to lose something, because losing Xian is what I am scared of. Xian professed that his relationship with me will not affect the status of their company. At kung may mangyari man ay nakagabay si Kuya Yohan para tumulong.
"Yrrah!" Masaya akong niyakap ni Jade ng makita niya ako. Nandito ako ngayon sa bahay nito upang bumisita. Wala akong kasamang nagpunta dahil ayokong abalahin si Xian. Ako mismo ang nagbawal dito na umabsent sa trabaho dahil lang sa akin, ayokong maging dahilan para hindi magampanan ni Xian ang mga tungkulin nito sa kompanya nila.
"Oh my God, you are pregnant!" I said with disbelief. Halata na kasi ang umbok nitong tiyan at wala akong ideya na buntis pala ito.
"Yeah, I am already pregnant when we married" Jade explained while caressing her not so big belly.
"OMG, congrats!" Masaya kong wika dito. I can't believe she's pregnant already.
"Kayo ba ni Xian, kailan niyo balak bumuo ng baby?" Tanong ni Jade habang nakangisi sa akin. Heto na naman sa usapang baby.
"I will inform you kung buntis man ako" sabi ko na lang. Nag-iinit kasi ang magkabilang pisngi ko kapag baby ang topic.
"Okay, sabi mo e"
Dahil wala din ang asawa ni Jade ay nanatili ako sa bahay nito hanggang hapon. Kwentuhan lang kami maghapon habang nanonood ng mga movies sa malaki nitong tv.
Hapon na ng itext ako ni Xian at sinabing susunduin na daw niya ako dito. Abot tainga ang ngiti ko ng mabasa ko ang text.
"Hay naku. Si Xian yan no?" Usisa ni Jade at nakangiting tumango ako dito.
"Tss.. text pa lang kilig na kilig na. Pakasal na kaya kayong dalawa. Ako pa lang ang kasal sa lahat ng royalties ng LEU, sumunod na kayo ni Xian para magsisunod na din ang iba" nailing na lang ako sa tinuran ni Jade.
Paglabas ko sa bahay ni Jade ay kaagad kong nakita ang pamilyar na itim na kotse na pagmamay-ari ng isang Xian Laxamana.
"How's your day?" Tanong nito pagpasok ko pa lang sa loob.
"Great" ngiti kong sagot at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi.
"Ayaw mo ba talagang mag stay ako sa tabi mo? I can accompany you all day if you want"
"No thanks, nagkikita naman tayo at the end of the day kaya okay lang. And besides, I am enjoying my free time visiting my friends and relatives"
"Alright, if that's what you want" sukong sambit ni Xian at nagsimula ng magmaneho.
Five days pa lang ako dito sa Pilipinas. At sa five days na iyon ay lagi kaming magkasamang mag dinner. Gusto namin parehas na bago matapos ang araw ay kailangan na magkasama kaming kakain.
I am not yet sure kung kailan ang balik ko ng Hong Kong dahil naeenjoy ko pa ang mga araw na nandito ako. I want to spend more time with my friends and of course to Xian.
This time ay kasama naming nag dinner ang mga kaibigan ni Xian, the three princes who helped us. Evans, Scott, and Lance. Sa restaurant ni Adrian kami kumain kaya naman tinawag na rin nila ang iba pang royalties ng LEU para reunion na din, mabuti na lang at hindi mga busy ang mga ito kaya nakapunta. Tanging si Jade lang ang hindi pwede dahil buntis ito.
BINABASA MO ANG
School Royalties (✔️)
Fiksi RemajaYrrah Anderson, a lovely girl who reigned as the first Princess in a famous school in the Philippines. While Xian Laxamana is the King, a King full of superiority and arrogance. But what will happen if the King fell in love with the first Princess a...