Chapter 11 - Here

12 0 0
                                    

“You belong here…”

[Candy]

“Bukas na 1st day of class namin.”

“Amin din!”

“Ingat ka dun bes ha. Nandun na naman si Clarisse at wala na ako dun para ipatanggol ka.”

“Kaya ko to bes!”

(1st day of class)

Ay sayang hindi kami classmate ni Clarisse. Hindi ko rin makita pangalan ko. Kaya random nalang ako pumili ng section.

“Okay headcount tayo class.”

“1”

“2”

“3”

..

..

..

“47”

Ibinilak ng teacher ang tingin niya sa attendance sheet. Tapos balik ulit sa mga estudyante.

“Sure kayo tama ang pagbilang niyo?”

“Sure ma’am”

“Sige nga magbilang kayo ulit.”

Sa pangalawang beses 47 parin kami.

“Bakit sobra?” Sabi ni ma’am sa mahinang tono. “Sige nga iisa-isahin ko.” Inisa-isa ni ma’am. “Present!” “Present!” Hanggang sa ako nalang matira. “Candy wala ka dito sa class list. Baka sa ibang section ka.” Sinamahan ako ni ma’am sa kabilang section pero wala din daw ako doon. Para akong transferee na hinahanapan ng classroom. Hanggang sa nakaabot nalang kami sa principal at sa registrar

“Hija ayun sa records hindi ka nakaenroll dito.” Napabuntong hininga nalang ako. Saan nanaman kaya ako inenroll nila sister?

[Chrystal]

 “Hoy friend, tama na nga yang kakahagulgul mo.” Sabi ni Ram habang hinihimas ang likod ko.

“Namimiss ko na si Candy.”

“Nandito naman ako o. Kami ni Alex.”

“Pero kulang tayo.” Magkakasama kaming tatlo sa isang section.

“Miss ko rin naman siya ah. Sadyang wala nang magagawa hagulgul mo. Desisyon niya yun.” Sabi ni Alex na may nakita sa class list para magtagpo ang kanyang mga kilay.

“Meron Alex, meron kang magagawa. Pinakawalan mo lang.” Reklamo ni Ram.

Tabi kaming tatlo. Kaya mas na miss ko si Candy. Alam kong mas malungkot si Alex. Siguro na mi-miss niya rin yung mga away nila ni Candy.

I tried to put a smile on my face. “Tara sa cafeteria!” Pinulupot ko braso ko sa braso ni Ram. “Friend ano gusto mo ulam?” Tinuro niya ang Adobo. “Ay wag nalang yan ito nalang menudo!” Kilay naman niya ang nagtatagpo ngayon. Naka smirk si Alex. Sa likod ni Alex ay sina Chloie at Nathan na parehong nagtatagpo ang mga kilay.

Habang kumakain naririnig ko ang mga tao sa paligid.

“Bakla na ba si Ram?”

“Naku hindi pwede. Baka naman sila na?!”

“Hindi! Baka lumalandi lang yang babae!”

Ako ba tinutukoy ng mga to?

Kagrupo kami ni Ram sa group activity ngayon pero di siya tumabi sa akin. Katabi ko si Nathan.

“Okay ka lang?” Tanong sa akin ni Nathan na para bang importanteng tanong yun.

“Oo, bakit?”

“Napansin ko lang kasi kanina iba ka.”

“Ha? Anong klaseng iba? Alien na ba ako?”

“Hindi. Napansin ko, yung mga ginagawa mo kay Ram. Kayo na ba?”

“Ano ka ba? Hindi no!” Tumango siya.

“Alam ko. Kaya nga naisip ko baka namimiss mo lang talaga si Candy kaya yung mga bagay na nasanay kang ginagawa mo kay Candy ay ginagawa mo rin kay Ram.”

“Ganun ba? Naku sorry…” Napatingin ako kay Ram. Alam kong nanibago rin siya sa akin kanina kaya di siya lumalapit sa akin ngayon.    

“Okay class. Go back now to your proper sits.”

Nakabalik na kami sa aming mga proper sits. Walang imikan kaming tatlo. I grabbed the opportunity to apologize.

“Sorry Ram.” Napatingin sa akin si Ram.

“Sorry saan?”

“Kanina. I know I was acting weird. Namimiss ko lang talaga si Candy, yung mga ginagawa ko sa kanya. Di ko namalayang ginagawa ko na sayo.” Ngumiti siya.

“Ok lang yun. Hindi medaling mag-adjust.”

Hawak-hawak ni miss ang class list. Nagtatagpo ang kilay. Bat uso ngayon ang tagpo-ng-kilay emotion? Palit-palit ang tingin niya sa amin at sa class list. Para bang may hinahanap siya.

“Sinong nakakakilala dito kay Candy, Candy Real?” Marami kaming old classmates pero kaming tatlo lang ang nagtaas ng kamay.

“Bakit po miss?” Tanong ko. Excited lang masyado ako na malaman ang sagot.

“Dito siya na belong.”

Nagtinginan kaming tatlo. 

Not a Fairy Tale at AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon