Kate's POV
"A-anong nangyayari? Nasaan ako?"
Nagtatakang tanong ko. Ang huling naaalala ko kasi ay nasa bar ako kasama sila Lex. Nakainom ako at nakita ko si Lance. Pero inakala ko na ilusyon lang siya kaya naman kung ano anong pinagsasabi ko sa harap niya. Ang alam ko umiyak pa ako sa harap niya at nagsisigaw ng masasakit na salita. Nakakahiya talaga kapag naiisip kong nagawa ko yon. Pero hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na ito."Paano na lang kaya kung hindi ako ang nakakita sayo kagabi? Baka kung napano ka na. Sino bang may sabi sayo na magpunta sa lugar na yon at maglasing?" Naging seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa akin. Parang may kakaiba sakanya ngayon.
"Kasama ko sila Kath kagabi. Hindi naman ako pupunta sa bar mag-isa at hindi ako iinom nang walang dahilan. Naglalaro lang naman kami e. Tsaka bakit ba nagagalit ka? Bakit parang ang laki ng nagawa kong kasalanan sayo?" Panunumbat ko sa kanya. Sumasakit na nga ang ulo ko dahil sa hangover ko iniinis pa ako ng lalaking to.
Nakatingin lang siya saakin ng diretso. Noon kapag nagtatalo kami at alam niyang siya ang tama tatahimik lang yan at titingin saakin. Pero kapag alam niyang mali siya sorry ang unang lalabas sa bibig niya.
"Ano? Ako ba ang mali? Ano bang ginawa ko ha?" tanong ko. Minsan naiinis ako kapag tumatahimik siya bigla e.
"Nasaan ka ba kagabi? Ano bang ginawa mo kagabi? Isipin mong mabuti." Seryosong sagot niya.
Sinunod ko naman ang sinabi niya. Ano nga ba? Hmmm. Sumama lang naman ako kila Kath. Nasa loob kami ng bar at naglalaro. Tapos palagi akong natatalo kaya umiinom ako bilang parusa. Pero hindi ko naman alam na malalasing ako. Tsaka wala na akong maalala pagkatapos kong makita si Lance. Ang akala ko nga panaginip ko lang siya e.
"Sumama lang naman ako kila Kath. Tapos uminom lang ako kasi yon ang parusa kapag natalo sa laro. Anong mali don? Bakit bawal ba kong uminom? Hindi naman diba? Tsaka isa pa hindi na kita boyfriend para pakialaman ako sa mga bagay na gusto kong gawin. Yung papakasalan mo ang dapat mong pagsabihan at hindi ako."
Nagsalubong agad ang dalawang kilay niya ng marinig ang sinabi ko. Humakbang siya palapit saakin kaya naman napaupo ako sa kama. Yumuko siya habang ako naman ay nakatingala sakanya. Ngayon mas malinaw na saakin ang ekspresyon ng mukha niya. Naiinis siya. Halatang halata ngayon sa itsura niya na hindi niya gusto ang mga pinag-uusapan namin ngayon.
"Do you even know what you're saying? Nakita mo ba ang sarili mo kagabi? Sobrang iksi ng suot mo. At sinong may sabi sayong mag lasing ka? Halos hindi ka na makalakad ng tuwid. At kung hindi pa ako dumating baka napagsamantalahan ka na sa bar na yon. Sinong hindi magagalit sa lagay na yon ha?"
Napa nganga ako dahil sa sinabi niya. Masyadong magulo saakin ang mga nangyari kagabi dahil nalasing ako. Ni hindi ko nga alam kung paano ako napadpad sa lugar na ito kasama si Lance.
"Anong maiksi sakto lang -" Natigilan ako sa pagsasalita dahil iba na ang damit na suot ko ngayon sa damit na suot ko kagabi.
"Ahhh! Ahhh!" Nagtitili ako habang tumatayo sa kama at tumakbo palayo kay Lance. Nakahawak ang dalawang kamay ko sa dibdib ko at masamang tinignan ang lalaking kasama ko sa kwarto.
"A-anong ginawa mo sa damit ko? W-wag mong sabihin na-"
"Tss. Ang dumi ng utak mo. Pinaalis ko sa maid ang mga damit mo. Hindi ko gustong nagsusuot ka ng mga ganong klase ng damit. Wag mo na ring hanapin kung nasaan yon dahil pinatapon ko na yon sa maid."
"Ano? Sira ka ba? Hindi saakin yon. Kay Kath yon. Pinahiram niya lang saakin dahil nabasa ng putik yung damit na suot ko kagabi. Hindi kaya ako nagsusuot ng maiiksi. No choice lang talaga ako kaya suot ko yon. Tapos tinapon mo? Anong sasabihin ko kay Kath niyan? Mukhang mamahalin pa naman yon."
BINABASA MO ANG
A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)
Kısa HikayeSa buhay may mga tao kang makikilala. Na magpapadama sayo ng tunay na pagmamahal. Yung pagmamahal na kayang manatili sa puso mo. Nariyan man siya sa tabi mo O sa piling ng ibang tao. -- This book is a work of fiction. Names, characters, places an...