"Ala-una na ng umaga. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa akin kung ako'y lalabas," munting mensahe ng aking isipan bago tumapak ang aking mga sapatos sa sahig ng reyalisasyon, isang nagpapasabik ng aking puso. Tunay ngang hindi na ako nananaginip dahil aking natatanaw ang maririkit na mga tala sa langit. Unti-unting umaangat ang aking mga labi sa saya. "Rhan, kung nasaan ka 'man, hahanapin na kita," bulong ng aking boses.

BINABASA MO ANG
Tagu-taguan: Ikaw na ba ang Buwan?
Historia Corta❝ Ayoko na... Pagod na 'kong maghanap. Rhan, ayoko nang magtagu-taguan. ❞ ━━━━━━━━━━━ a short story ʷⁱᵗʰ ˢʰᵒʳᵗ ᶜʰᵃᵖᵗᵉʳˢ status; completed date started | november.29.2020 date ended | december.04.2020 highest ranking...