Hinayaan kong maglakad ang aking mga paa mag-isa. Sa bawat hakbang ng mga ito, bangong ala-ala ang pumapasok sa aking isipan. Kada lingon ng aking mga mata sa isang bagay na aking makita, sumusulyap din ang ala-alang mula sa nakaraan. Ako'y bigla na lamang napatigil dahil natanto ng aking mga mata ang isa sa nagpalawak ng aking memorya. Isang bangko, subalit hindi lang ito basta bangko. Ito ang bangkong hilig namin pagpahingahan ni Rhan.

BINABASA MO ANG
Tagu-taguan: Ikaw na ba ang Buwan?
Short Story❝ Ayoko na... Pagod na 'kong maghanap. Rhan, ayoko nang magtagu-taguan. ❞ ━━━━━━━━━━━ a short story ʷⁱᵗʰ ˢʰᵒʳᵗ ᶜʰᵃᵖᵗᵉʳˢ status; completed date started | november.29.2020 date ended | december.04.2020 highest ranking...