Meryl
Hindi ko alam kung anong nangyari kay Jacob at Zerraine, dahil nung mga nakaraang buwan ang saya saya pa nila.
Pero ngayon, biglang lumamig ang pakikitungo sa kaniya ni Jacob na talaga namang kinatuwa ko, dahil mapapasa akin na ulit si Jacob.
Kaya gumagawa ako ng paraan para lalo kaming magkalapit, at hindi naman ako nabigo dahil bumibigay na din si Jacob.
At talaga namang nasisiyahan akong makita kung paano masaktan si Zerraine sa nakikita niya.
Sa akin pa rin ang huling halakhak.
First love never dies nga diba? paano ba yan? ako ang first love.
~~
ZerraineIlang buwan ng malamig ang pakikitungo sa akin ni Jacob, pero hindi ko pa rin siya kinokompronta dahil baka may dahilan lang siya kaya niya ginagawa yun, at hindi ako susuko hanggang bumalik ang dating Jacob na nakilala ko.
Nasabi ko na rin kay Bri ang mga nangyayari sa amin ni Jacob, at ayon syempre si gaga todo advice na kala mo eh Dj siya sa radyo na nag aadvice tungkol sa love.
Kung makapag advice akala mo naman may experience siya.
Pero masaya pa rin ako dahil kahit wala naman experience yung babae na yon sa love eh, nag eeffort pa rin siya na bigyan ako ng mga advice at nagpapasalamat din ako dahil lagi siyang nandiyan para pagaanin ang loob ko.
Papasok na sana ako ngayon sa office at bubuksan na ang pinto kaso nakarinig ako ng nag-uusap kaya hindi ko muna binuksan.
Oo na alam kong mali ang makinig sa usapan ng iba pero kasi may feeling ako na kailangan kong pakinggan kung ano man ang pag uusapan nila.
Inilapit ko ang tenga ko sa pinto at pinakinggan ko ang usapan nila, at nagulat pa ako dahil napaka pamilyar ng boses nila.
Si Jacob at Meryl pala, ano kaya ang pinag uusapan nila at mukhang silang dalawa lang ang nasa loob.
Bigla nalang akong may naramdamang sakit sa dibdib ko ng maisip ko bigla na kapag si Meryl ang kausap ni Jacob hindi malamig ang tono ng pananalita niya pero pag ako na kausap niya nagiging malamig na naman ang pakikitungo at pananalita niya.
Dati si Meryl ang pinakitutunguan niya ng malamig, ngayon ako naman.
Nilapit ko na ang tenga ko sa pinto at pinakinggan ang pinag uusapan nilang dalawa.
"Kailan kaba makikipaghiwalay sa girlfriend mo nayon?" Naiiritang tanong ni Meryl.
Ha? girlfriend? ako ang girlfriend niya ah? at anong hiwalay?
Bakit naman makikipaghiwalay sa akin si Jacob? eh wala naman akong ginagawang masama.
Aalis na sana ako dahil hindi ko alam, parang hindi ko kaya marinig ang magiging sagot ni Jacob.
Pero ako namang si tanga, hindi pa rin umalis at hinintay ko ang sagot ni Jacob na sana pala hindi ko na lang narinig.
"Humahanap pa ako ng tyempo, wag ka mag-alala hihiwalayan ko din siya wag ka mainip." Saad niya na parang walang pakielam.
Hindi ako makapaniwala na talagang lumabas iyon sa bibig mismo ni Jacob.
"Siguraduhin mo lang." Naiinis na saad ni Meryl.
Nagtaka naman ako ng bigla na lang silang tumahimik, gusto ko silang makita.
Kahit nanginginig at naiiyak na ako binuksan ko pa rin ang pinto at sana nililinlang lang ako ng mga mata ko, pero hindi eh.
Pagka bukas ko ng pintuan, doon na ako lalong napahagulgol ng iyak.
Si Jacob at si Meryl naghahalikan.
Nagulat sila ng makita ako, lalo na si Jacob akala ko lalapitan niya ako at magpapaliwanag siya pero hindi, nilagpasan lang nila ako at iniwan na mag isa sa loob na parang wala lang ako sa kanila.
Lalo pa akong nainis ng makita ang mukha ni Meryl na may ngisi sa labi.
Na animo siya ang nagwagi.
B-bakit? bakit mo nagawa sa akin to Jacob? bakit?
Hindi ko na napansin na nagdatingan na pala ang mga katrabaho ko at nagulat pa sila ng makita ang itsura ko na mugto ang mata.
Damn, ang sakit sakit.
"Omg Ze! ano nangyari sayo?" Naghihisterikal na tanong ni Bri.
"Bri, umalis na muna tayo dito." Nanghihinang saad ko kay Bri.
"Sige, sandali lang ipagpapaalam kita." Seryosong saad ni Bri.
Mabuti naman at hindi na muna nagtanong si Bri sa nangyari at inuna niya muna na makaalis kami sa office.
~~
Pinag paalam ako ni Bri at sinabing masama ang pakiramdam ko kaya pinayagan akong umuwi, pati na rin si Bri dahil sinabi ni Bri na walang ibang mag-aalaga sa akin sa bahay, kaya pati siya ay pinayagan na rin na umalis.
At si Jacob? isang malamig na tingin lang ang binigay niya sa akin bago kami umalis.
Damn, Jacob bakit mo nagawa sa akin to?
Gustong gusto ko siyang sigawan at tanungin kung ano nangyari sa amin? kung bakit nagka ganito kami.
Iyak lang ako ng iyak hanggang makarating kaming dalawa ni Bri sa bahay ko.
Hindi siya nagsasalita, alam ko namang hinihintay niya lang na magkwento ako.
Inayos ko muna ang sarili ko at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
Atsaka ko kinwento sa kaniya lahat lahat ng nakita ko.
Matapos kong mag kwento, niyakap niya lang ako ng mahigpit.
Buti na lang talaga meron akong malalapitan at masasandalan sa mga pangyayareng ganito.
Buti na lang talaga mayroon akong kaibigan na katulad ni Bri.
~~
BriMatapos ikwento sa akin lahat ni Ze ang nangyari ay hindi ko mapigilan na magalit lalo na kay Jacob.
Kung may dahilan man siya kung bakit niya nagawa sa kaibigan ko to, siguraduhin niya lang na matino yung dahilan niya.
At yung Meryl naman na iyon, sinasabi ko na eh.
Wala talagang gagawing mabuti yung babaeng iyon.
Tiningnan ko si Ze na mahimbing ng natutulog sa balikat ko.
Nakatulog na sa kakaiyak.
Dahan dahan kong inalis ang ulo niya at inihiga ng maayos sa sofa.
Umakyat na muna ako sa kwarto niya para kumuha ng kumot.
Napagpasyahan ko na dito na lang muna matulog para may kasama siya.
Pagkakuha ko ng kumot ay nahiga na rin ako sa katabing sofa.
Tiningnan ko lang si Ze na mahimbing na natutulog.
Kahit wala akong experience sa love na yan.
Kahit papaano alam ko naman yung pakiramdam ng nasasaktan.
Bakit kung kailan naman ayus na ulit si Ze.
Bakit kung kailan, buo na ulit siya atsaka naman siya sisirain ulit.
Napaka unfair talaga ng mundo.
Kapag masaya ka, binabawi agad.
"Magiging maayos din ang lahat Ze. Alam kong kaya mo yan, malakas ka diba?" Mahinang saad ko kay Ze.
Inalis ko na ang tingin ko kay Ze at tuluyan na akong dinalaw ng antok.
BINABASA MO ANG
Her Cruel Fate
Short StoryHanda ka bang magmahal muli at sumugal kahit na alam mong wala itong kasiguraduhan?