"Nasa'n na sila?"
Maging ang sariling tinig ni Farrah ay tila tatakasan siya, sa hina ng paghinga niya ng mga salita. Habang binabagtas ang masukal na kagubatan, hindi niya maikulong ang agam-agam sa loob ng kanyang isipan.
Sa kapaligirang binabalot ng nakakikilabot na katahimikan, dinig na dinig ang tunog ng mga nababaling sanga at tuyong dahon na natatapakan niya.
She turned her head all around, but she have seen nothing, aside from the shadows of towering trees that are indeed frightening. It gave her a strange sensation, as if she was surrounded by vague silhouette of countless giants.
"Kailangan ko silang mahanap," habang hinahabol ang sariling hininga, pinilit niyang kumaripas, umaasang sa ilang distansyang pagitan ay mamamataan niya ang mga kaibigan. "Guys?!"
Ubo.
Sa tindi ng pinagtagping nakasusulasok na usok, at makapal na hamog, hindi lamang siya nahihirapang makita nang maaliwalas ang daan, bagkus ay dahan-dahan din siya nitong sinasakal.
If this extant coming off unveils reality: being mislaid in the midst of this damn caliginous woods, apart from my dad and friends-I'd rather choose to die, she thought.
"TULOOOOONG!" Farrah heard a howl drenching with agony and torment, stone's throw away from where she was. She didn't waste any single second, and ran immediately towards the voice.
Her heart fallen from where it was attached, seeing the man who ought to protect her, ploddingly losing his own life, while she can't even move her own feet. Haru's being choked by an unknown guy. Pakiramdam niya'y siya ang marahang kinikitilan ng buhay habang pinagmamasdan ang binata.
"I must do something," she whispered. "I couldn't let him suffer," subalit nang subukan niyang humakbang, nagulat na lamang siya nang dali-daling pumulupot sa kanyang binti ang matatalim na baging mula sa kung saan. Sa tuwing pinipilit niyang kumilos nang kahit bahagya, higit lamang itong bumabaon sa kanyang kalamnan.
"F-Far...rah," nagdurusang saad ni Haru, habang nakabaon sa leeg nito ang mga matutulis na kuko ng estranghero. Hindi magawang titigan ni Farrah habang mala-ilog na dumadaloy ang mga dugo mula sa leeg ng binata. "Tumakbo k-ka na..."
A tear suddenly flowed through her cheek. She clenched her fists and cleared her throat.
"Get your f*cking hands off him!" pinuwersa niyang ihakbang ang kanyang mga paa at iligtas si Haru, upang giyagisin ang mga nakalingkis na baging, ngunit kasabay din nito ang malubhang pagkasugat na hindi na niya ininda pa. "Haruuuuu!" batid niyang higit na pighati ang dulot sa kanya, kung hahayaan niya lamang malagutan ng hininga ang lalaki, nang wala man lang siyang ginawang paraan upang ito'y protektahan.
HINDI KO SIYA HAHAYAANG MAMATAY... she bravely uttered in her mind.
Every thing went somber, her sight became obscure. Even the remaining hope she had suddenly melted, and she found herself kneeling down the ground, voiceless. Ni hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging reaksiyon. Wala na siyang maramdaman.
"AAAAAAAAAAHHHHH!?"
Farrah shrieked, when that damn demon unmercifully beheaded Haru with its own hands. His blood showered throughout the spot where they are standing. No spot that's left neat.
Asamin man ni Farrah na lapitan siya, subalit hindi niya magawang igalaw ang kanyang sariling paa-natulala.
Para siyang sinasaksak nang paulit-ulit, habang tinititigan ang pag-agos ng dugo mula sa namumutlang katawan ni Haru.
YOU ARE READING
Lost in Hinterland
Misteri / ThrillerFarrah Bovell, a genuine-hearted lady who was raised by her father alone, Mr. Ruther Bovell, was inclined in adventures, together with her friends. Expedition was their cup of tea, not until they got lost in a mysterious world, the Hinterland, when...