Breakdance

26 1 0
                                    

Breakdance (One-shot Story) 

written by: Leah Mae

Copyright © 2013 Twiddydinkies14. All rights reserved.:)

All the names, scenes and events in this short story is purely fictional. Any resemblance to true person or events are coincidental. Please, don't publish this work in any website as your own. It's plagiarism. And plagiarism is for losers only. If you want to publish this, be sure to inform the writer and put the credits.

Ako si Aliyah Magpantay. Third year highschool student. Simple lang pero kapansin-pansin.

Isa kasi akong nerd.

Napapagkamalang tibo.

Baduy daw.

Walang ka-sense sense of fashion sa katawan.

Walang hilig sa mga cute na stuffs at lalo na sa color pink.

Basta...

Hindi ako ang tipo ng babae na magugustuhan ng isang lalaki. Lagi nalang akong napapansin dahil sa malalaki kong eyeglasses, buhok ko na parang laging sinabunutan ng isang milyong unggoy at lalo na yung pananamit ko, hindi ako nagsusuot ng mga accessories, nangangati kasi ako eh.

Dahil nga sa paraan ko ng pag-aayos, hindi rin maiiwasan na asarin o laitin ako ng ibang tao.

"Manang!" sigaw ng isang schoolmate kong babae na may mataas na takong, psh, buti hindi siya nadadapa habang suot niya yan.

Alam kong ako ang tinatawag niya pero hindi ko nalang ito pinansin. Ilang hakbang nalang rin naman eh malapit na ako sa pinto ng classroom ko kaya titiisin ko na muna yung pang-aasar nila. Nadaanan ko ang isang classroom. Ito yung katabi ng room namin.

"Labo!" alam ko na ako rin ang tinatawag nung lalaking sumigaw pero hindi ko nalang rin siya pinansin. Sanay na ako, lahat naman ng bagay nadadaan sa sanayan eh, panlalait man yan o kahit pa pananakit.

"Hoy, itigil mo nga yang pang-aasar mo, araw-araw nalang ah!"

Napatigil ako dun. Lumingon ako sa nagsalita. Pamilyar na boses. Sabi ko na nga ba..

"Hay naku, Ian, paulit-ulit ko ngang inaasar si Labo, paulit-ulit mo namang pinagtatanggol. Sabihin mo nga, inlove ka kay Labo noh?!"

"H-Hindi noh."

Napayuko ako nun. Malabong mangyari yun. Kasing labo ng mata ko ang mangyaring magkakagusto sakin si Ian. Oo nga pala, si Ian Gabriel Sanchez ang crush ko. Yes, hindi po kayo nagkakamali ng pagkakabasa. Matagal ko na siyang gusto, simula palang nung first year highschool kami eh crush ko na siya. Katulad din ng ngayon eh, laging magkatabi ang classroom namin kaya naman libre akong silayan siya anytime.

Hindi naman porket ganito ako eh wala na akong nararamdaman.

May karapatan din akong sumaya kahit na sa simpleng pagtitig lang sa kanya.

Sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya? Bukod sa gwapo na, matalino pa, magaling pang sumayaw. Hindi nga halata sa itsura niya na mahilig siyang magtumbling kasi masyado siyang maamo. Yung tipong hindi makabasag ng pinggan.

Pagpasok ko sa room ko, kanya-kanyang mundo ang dinatnan ko, may mga nagkukumpulann sa dulo at pinag-uusapan ang mga crushes nila. Meron namang naglalaro ng chess, meron din namang nagrereview, at meron ding nakanganga lang. Ako? Eto, nakatitig sa kawalan, nakatingin sa bintana kung saan kitang-kita ko mula dito yung mga lalaking nagpapasikatan ng kanilang paraan ng pagbubuwis-buhay.

"HOO! Ang galing talaga!"

"Isang backflip naman dyan oh!"

At ayun nagtumbling patalikod yung lalaki. Wow.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BreakdanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon