Ell POV
Hindi na ako mapakali at paikot-ikot sa kwarto ko. Hindi ko na alam kung paanong pag-papaalam ba gagawin ko, kung susundin ko ba ang sinabi ni Dre or mang-hihingi ako ng tips kila kuya. Noong field trip naman kasi required 'yon kaya hindi ko na need mag-practice ng speech.
Mabilis akong tumayo nang makita si Manang.
"Manang!" I said, ngumiti si Manang at dumeretso sa lagayan ng mga labahan.
"Eto lang ba labahan mo?" She asked
Tumango ako at napakamot sa ulo.
"May kailangan ka ba? Bakit parang aligaga ka?" She added. Bumuntong hininga ako at nag-lakad papalapit sa kan'ya.
"Nand'yan po ba si Mama?"
"Naku wala. Maaga silang umalis ni Chad kanina, mukhang may pinuntahan.." She replied, nawalan ako ng pag-asa sa sinabi ni Manang.
"Gano'n po ba..." Bumuntong hininga ako at napa-upo sa couch. Sumunod naman si Manang na nag-tataka ang mukha.
"Bakit? Anong problema Ell?" Nag-aalala ang tono n'ya.
"Kailangan ko po kasing mag-paalam. Foundation day po namin bukas..." Ngumuso ako at pinag-laruan ang daliri ko.
"Naku naman, ayon lang pala. 'Wag ka ng mag-alala, ako ng bahala. Gigisingin kita kapag naka-uwi na si Madam.." she answered. I smiled,"O s'ya, mauna na ako ha.. 'wag ka ng malungkot.." hinaplos n'ya ang pisngi ko na lalong nag-pangiti sa'kin.
Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang Facebook ko. It's been 3 years na rin na hindi 'to binuksan, nasa 100 lang friends ko dito at puro kakilala ko lang. I hate Facebook, it's toxic na. May mga notif akong natanggap at puros friend request ito. Napangiti ako ng makitang sila lang pala. In-accept ko silang tatlo.
Nag-scroll lang ako upang libangin sarili ko. Hindi ko talaga alam kung bakit maraming nag-efb, eh boring naman. Mag-lolog out na sana ako ng mag-pop-up ang name ni Kiel.
Kiel:
hoy!
Napa-irap ako sa nabasa ko. I have a name kaya! Sineen ko lang s'ya dahil naiinis ako sa kan'ya. S'ya lang talaga 'yung 'di ko ka-close.
Kiel:
seen lang, awts:(
Ngumiwi ako sa sunod n'yang chat. What's wrong with him? Umirap ako at nag-tipa ng isasagot.
Eve:
y? wala bang gustong makipag-usap sa'yo?
Kakasend ko pa lang typing na 'agad s'ya. Mukhang inaabangan n'ya talaga reply ko.
Kiel:
meron. Pakita ko sa'yo. Weyt.
I don't care naman. Hindi na ako nag-reply at sineen na lang s'ya. Muling nag-vivrate ang phone ko at nabasa kong may sinend s'yang pic. Ngumiwi ako ng makitang madami s'yang Babae.
Kiel:
kita mo yan, nu ka ngayon pahiya. Bleh.
Uminit ang ulo ko dahil sa sinabi n'ya. Kalaunan napangiti ako nang maalala ang tinuro sa'kin ni Drea.
Eve:
sml.
Tumawa ako nang mag-react s'ya ng like sa chat ko. Ilang minuto pa ang lumipas ngunit hindi na s'ya nag-reply. Suminghap ako at nag-pasya na lang na i-stalk s'ya.
BINABASA MO ANG
Drowned by Love
Teen FictionIba't ibang storya ang matutunghayan. Iba't ibang pinagdadaanan ang matutuklasan na sa murang edad ay mararanasan. Halikana't tunghayan ang mga nakaka-antig pusong storya nila. teen series #1