"Uy kilala niyo naman si Thalliah diba?" suddenly Haven asked us.

"Thalliah? Ferodantes?" Tanong naman ni Abby then I saw Haven nodded. "Bakit? Anong meron?"

"Ex niya pala si Mark!"

"Sinong Mark? Maraming Mark na celebrity Haven," sabi naman ni Brian.

"Hindi ninyo kilala si Mark? 'Yung sikat na basketball player noon na taga UP!" Sabi ni Haven kaya agad na nanlaki ang aking mga mata.

"Si Mark Robinson?" I asked then she immediately nodded.

Woah.

Hindi ko alam na mahilig din pala sa basketball player itong si Thalliah.

"Shet talaga? Woah, bakit sila naghiwalay?" Drake asked.

"Ewan ko, tsaka narinig ko lang sa mga sabi sabi riyan na ex daw ni Thalli si Mark." sabi ni Haven habang may lamang pagkain ang kanyang bibig.

"Apaka chismosa mo talaga Haven," biglang singit naman ni Wil.

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng lunch, dito pa rin sa korean resto na malapit lang sa school namin. Suki na kami rito.

"Pero kung ano mang reason nila kung bakit sila naghiwalay still sayang pa rin ang relasyon nila," naghihinayang na sabi ni Abby.

"Idol ko 'yang si Thalli, share ko lang." sabi ni Haven.

Ako rin naman. I really really like her. Even though hindi ko pa siya na meet at nakausap sa personal ay masasabi kong mabait talaga siya. Sabi pa nga nong kaibigan ni Thalli na si Christian sa isang talk show na kung ano raw ang makikita mo kay Thalli sa harap ng camera ay ganon pa rin siya sa likod ng camera. Mas jolly ngalang siya pag wala na siya sa camera.

"Uy kilala niyo ba yung palaging kasama ni Thalli na lalaki?" Abby asked.

Napa-iling iling nalang ako ng palihim sa tanong ni Abby. Tama na please, nagmumukha tayong chismosa nito.

"Si Christian?" Haven said.

Kaya pala napapansin kong madaling nagkasundo itong sina Haven at Abby. Parehong madaldal at maypagka chismosa. Tss.

"Hindi! 'Yung isa pa, 'yung maputi tas matangkad."

"Ay si Ethan? Bakit?" Brian said kaagad ko namang tinapik ang kanyang braso ng palihim.

"Aray! Bakit?" He whispered.

"'Wag ka nga ngang makisalo sa mga chismisan nila." I whispered.

"She asked naman kasi, so sinagot ko lang."

Nag alibi pa nga. I just rolled my eyes at nagpatuloy nalang sa pagkain.

"Mukha silang may something no?"

"Non-celebrity 'yung Ethan diba?"

"Yup, he's a businessman."

"Oh! Bagay din naman sila ni Thalli,"

"Pero mas bet ko pa rin si Mark para kay Thalli no!"

"Desisyon ka ghorl?"

"Oo, pakialam mo ba?"

Agad naman akong napa-irap sa hangin at nagbuntong hininga habang kumakain. Nakakawalang gana talaga para sa 'kin pag ganitong topic ang pag-uusapan.

Napabaling naman ako sa phone ko na nasa ibabaw ng lamesa nang bigla itong nag vibrate

Lunch na riyan diba?

Kaagad naman akong nagreply

Yea

Kanus a Kaha? (Cebuana Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon