Chapter 27

3.8K 126 0
                                    

We spent the remaining days before the day of his exam working of course. After working as an intern at the Almendarez Company diretso na 'ko sa part-time job ko kasama si France. Forever partner ko na yata siya sa paghugas ng pinggan. And I don't mind. The idea inspired me even more.

Kapag kasama ko siya, kahit papaano ay parang panandalian akong nawawala sa magulo kong buhay. Kapag umuuwi ako ay saka lang ako bumabalik sa tunay kong buhay.

I sighed when I saw my father stumbled on the floor. I closed my eyes when I heard his roar followed by the shattering sound of the bottle.

Mabilis kong pinalis ang luha at lumapit sa kanya upang tulungan siyang tumayo.

"Tay." mabilis kong kinuha ang kamay para magmano at kahit nahihirapan ay tinulungan siyang makatayo.

"Nasaan ang Nanay mo Lavienna?" he swiped my hands away, refusing my help.

Si Nanay, nagtatrabaho. Wala na ang eatery dahil wala na rin si Tatay para magluto.

"Sa trabaho Tay." malumanay kong sabi umaasang makakatanggap din ng malumanay na tugon sa kanya.

"Trabaho? Tss. Nanlalaki na 'yang Nanay mo Lavienna."

I heaved a sigh. My father is becoming the man I hated the most. Accusing and violent.

My parents aren't telling anything about our problems pero kahit hindi nila sabihin ay alam ko kung ano ang pinagmumulan ng problema namin.

Sugarol at lulong pa sa bisyo ang Tatay. Wala na ngang pera ay gumagawa pa ng dahilan para mangutang.

The day before France's exam, we went to church to ask for his guidance. We were both praying na sana ay makapasa siya but I know that he is aiming to top the exam. Not for the recognition but the benefits he would get if he aces it. We also included in my prayers na sana ay maging maayos na kami sa bahay.

Pagkatapos sa simbahan ay sumama ako sa kanyang umuwi sa apartment niya para tulungan siya sa paghanda ng mga kakailanganin niya bukas. Lapis, ballpoint, eraser, pantasa, papel, biscuits, energy drink at kung anu-ano pang essentials na kakailanganin niya para bukas.

"Maaga ako bukas." sabi ko habang dino-double check kung kumpleto na ba ang lahat ng mga kakailanganin niya para bukas. Baka may makaligtaan kami. There should be no room for mistakes.

"Ako na ang bahala sa lunch at snacks mo. Mga alas sais kakatok na ako rito."

"Hindi na Love. Ako na ang susundo sa'yo."

"Nah. Maabala ka pa kung pupunta ka pa sa bahay, ako na ang pupunta rito."

Ilang ulit ko pang sinabi ang mga katagang 'yon 'tsaka siya pumayag sa gusto kong mangyari.

"May nakalimutan ba tayo?" I asked, still checking his bag.

"May kailangan ka pa ba?" I asked again.

Nilingon ko siya nang hindi ako nakakuha ng sagot galing sa kanya. Nakaupo lang siya sa couch habang ako ay nakaluhod sa center table at inaayos ang itim niyang knapsack.

"Wala na." he shook his head and slide swiftly to sit beside me. He wrapped his arms around me and leaned his head on my shoulder.

One of the things I love about him. His clinginess. Hindi ko alam kung bakit hindi ako naiinis. I tried to remain calm outside. Ibang-iba sa nararamdaman ng puso ko.

"I already got all what I need." he said without leaving his eyes off me.

Today was the third day I haven't seen my mother. Hindi ko alam kung umuuwi pa ba siya o hindi na. O baka nagkakasalisihan lang kami. Sa tuwing aalis ako ay siyang pag-uwi niya.

But we regularly text each other. Ang sabi niya ay nagtatrabaho siya. Pansin ko rin na umiiwas siya kay Tatay kaya siguro hindi na umuuwi sa amin. Nagpapalipas ng sama ng loob.

"Lavienna." tawag sa'kin ni Tatay. Huminto ako sa paglalakad upang tingnan siya.

I sighed and went to him. Pagkatapos magmano ay sinimulan kong linisin ang mga bote ng alak na nagkalat sa salas. May basag din na bote kaya may parteng basa ang sahig. 

"Ang Nanay mo?"

"Hindi ko alam Tay." malamig kong sabi habang nililinis ang kalat niya.

Huminga ako nang malalim at nilinisan ang sahig kung saan siya sumuka. Gustong-gusto kong pagsabihan siya. Pero ano pa nga bang magagawa ng mga salita ko? Ayaw niya ngang pakinggan si Nanay. Umiling ako at pinigilan ang sariling maduwal habang nililinis ko 'yon.

Umakyat na 'ko pagkatapos habang siya ay itinuloy ang pag-iinom.

I woke up early to prepare for his exam.  Pagkatapos mag-luto para sa kanya at sa'min ni Tatay ay naligo na ako at nagbihis. Maaga ako ng thirty minutes sa sinabi kong oras kung kailan ako pupunta sa kanya.

Mabuti na ang maaga kaysa sa late. Nasa sakayan na ako ng jeep nang maalala na nakalimutan ko ang wallet ko. Mabilis ang mga hakbang kong naglakad pabalik ng bahay.

There's something urging me to quicken my pace. Siguro ay ayaw ko lang talagang ma-late para sa exam ni France. Ang bilis din ng tambol ng puso ko. Napailing ako nang mapagtanto na maging ako ay kinakabahan din ng sobra-sobra para sa kanya.

Lord please. I am almost pleading in mind while walking so fast. I couldn't remember walking this quick all my life.

I even dropped my phone when I tried to answer my mother's call. Mabilis ko iyong dinampot at nilapit sa tenga nang masagot ang tawag.

"Hello Nay."

My hand was a bit shaking as I turned the knob.

Ngayon ay alam ko na kung saan nanggagaling ang mabilis na pagtibok ng puso ko at panginginig ng mga kamay ko.

I gasped when I saw my father, lying on the floor, soaked with his own blood. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo sa hamba ng pintuan at pino-proseso ang nakikita.

'Tsaka lang ako nagising nang marinig ang boses ni Nanay sa kabilang linya.

"Nay, si Tatay." I sobbed and ran to my father. Lumuhod ako sa kanyang gilid at ilang beses sinubukang hawakan siya.

"Tay, tay." I cried.

He was holding a knife. He... he hurt himself.

I didn't know. I didn't notice. Hindi pumasok sa isip ko na magagawa niya 'to.

Did I become too preoccupied not to notice that he will really, I shook my head and held his hand.

The longest minutes of my life.

Rinig ko na ang serena ng ambulansya. Make it fast, please. He could still make it. May pulso pa siya. May rason kung bakit bumalik ako ng bahay at nakita siya.

Pangalawang pagkakataon para sa buhay ng Tatay ko.

I looked at my phone when it rang. Nang makita ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko ay saka ko lang naalala kung ano ang dapat kung gagawin kung hindi lang nangyayari ang lahat ng 'to.

Nanginginig ang mga kamay na sinagot ko 'yon.

"Hello?" I croaked.

"France. Sorry. 'Di na 'ko makakarating." I sobbed. "Si Tatay kasi..." mabilis kong pinunasan ang luha at pinigilan ang sariling ma-hikbi.

Tumalikod ako nang marinig ang kalansing ng tarangkahan. Kaagad akong tumayo nang makita siya rito. Parehong kunot ang aming noo.

Nagtagal ang tingin niya sa damit kong may dugo. Saka lang napansin si Tatay na nakahiga sa sahig, puno ng dugo.

He quickly ran and kneeled down. Walang tanung-tanong niyang sinuri si Tatay. Inilapit nito ang tenga sa dibdib nito habang hinuhubad ang puting coat na suot.

Nakatayo lang ako at tinitingnan lang siyang mabilis ang galaw. He opened his black knapsack and pulled a white towel there. Inilagay niya iyon sa parte kung saan sinaksak ni Tatay ang sarili.

Mabilis akong lumuhod sa tabi niya para tulungan siya sa ginagawa. Wala pang isang minuto namin iyong ginagawa ay pareho nang balut na balot ng dugo ang mga kamay naming dalawa.

"A-ayaw t-tumigil..." I sobbed and looked at him, feared.

Tumingin siya sa'kin. His eyes were bloodshot. Kaagad siyang umiwas ng tingin sa'kin, umiigting ang kanyang mga pangang tumingin kay Tatay.

"Hush. The ambulance is already here."

Dumating ang ambulansya. Nang maipasok si Tatay sa loob ay mabilis akong sumunod. Isasara na sana ang tailgate nang pigilan iyon ni France. Pumasok siya sa loob at tumabi sa'kin.

"France..." gulat ko siyang tiningnan sa tabi ko.

He held my hand tight and pulled me closer to him. Sa ginawa niyang 'yon ay parang nawala lahat ng mga susunod kong sasabihin. Walang nagsalita sa aming  dalawa hanggang sa makarating kami ng ospital.

Hindi ako mapalagay sa kinauupuan kaya pabalik-balik akong naglalakad sa tapat ng pinto ng Operating Room habang si France ay tahimik lang na nakaupo sa sahig sa tabi ng hallway, nakayuko at nakapatong ang magkabilang braso sa kanyang tuhod.

Kagaya ko ay may bahid din ng dugo ang suot niyang damit at ilang parte ng katawan. Kanina ko pa napapansin ang hindi matahi-tahimik niyang cellphone. Ang daming tumatawag sa kanya pero ni isa sa mga 'yon ay wala siyang sinagot.

"France."

Kaagad siyang umangat ng tingin. When he noticed the trouble in my eyes, he quickly stood up.

"Do you need something?" tanong niya at lumapit sa'kin.

Umiling ako at tiningnan ang oras sa malaking orasan sa may Nurse Station.

"'Yong exam mo." I cried and shook my head when I realized where this was leading.

Guilt crept inside me. Unang taon pa lang na naging malapit kami sa isa't isa ay bukambibig na niya ang NMAT. Kahit ayaw niyang sabihin ay alam ko na grabe-grabe ang paghahanda niya para sa araw na 'to.

I saw it with my own eyes how he prepared for this day. To be the reason why he's failing hurt me so much.

"Papunta na si Nanay. Okay na 'ko." I assured him with a fake smile.

"Puwede naman sigurong humabol ka."

Kahit makapasa na lang. Parang ayaw ko pang tanggapin na kahit makapasa na lang siya. We already set in our minds that he will do his best to get full scholarship. Para hindi na siya mahirapan sa pera.

"It's fine. I'll take the exam next time." he said calmly like it was nothing.

Mabilis akong umiling para ipakita na hindi ako sang-ayon sa gusto niyang mangyari. Mahuhuli siya. Ang laking sayang no'n. Oras ang sasayangin niya kapag ganoon nga ang mangyayari. Oras na kailanman ay hindi na mapapalitan at mababalik.

Tapos ang mga kaibigan niya ay nag-aaral na habang siya ay naghihintay pa ng susunod na exam. No way. I know how does it feel to be left alone. That feeling sucks. The envy and what ifs will never let you sleep at night.

Laking pasasalamat ko nang dumating na si Nanay. More way to push him to take his exam.

Ilang minuto rin ang nasayang namin sa pagtatalo saka ko siya napilit na sumakay ng taxi at umalis na. Kung hindi pa siya pumayag ng huli ay ihahatid ko na talaga siya hanggang sa room niya, malaman ko lang na kukuha siya ng exam ngayon.

Nang makabalik ako sa loob ng ospital ay tumabi ako kay Nanay na tulala lang nakatingin sa pinto ng OR. Ilang araw lang na hindi ko siya nakita ay parang tumanda siya ng ilang taon.

Noong bata ako, nagtataka ako kung bakit ate ang tawag ni Nanay sa kapatid ni Tatay, sa Mama ni Yuna. Hindi ko maintindihan. My mother looked older than Yuna's mom.

Habang lumalaki ako ay unti-unti ko nang naintindihan. My mother was so exposed to physical work. It made her age a lot. Kaya kung titingnan ang mga magulang ko ay ang tanda na nila. Matanda silang tingnan kumpara sa tunay nilang edad dahil sa uri ng trabaho nila.

Tumabi ako kay Nanay.

"Hindi ko nabantayan si Tatay. Hindi ko alam na magagawa niya." I wiped my tears when they're starting again.

"Sorry Nay." I bit my lower lip and looked at her.

I was thankful that he survived. Nasa ICU man, at least ay hindi na at stake ang buhay niya kagaya nang makita ko siyang walang malay at naliligo sa sariling dugo noon.

Ngayon ay bumabalik na naman kami sa pangunahing suliranin. Kinuha ko kay Nanay ang bill ni Tatay sa ospital.

So much for a week stay here.

"Saan tayo kukuha ng ganyan kalaking pera Lav?" si Nanay at napasalampak sa sahig ng ospital nang makita ang bayarin.

Lumuhod ako upang tulungan siyang makatayo. Ang naiisip ko ngayon ay ang passbook ko. Naisip ko rin si France. Itinatabi ko ang pera na 'yon para sa med school niya. Sa nangyari noong araw na 'yon, desidido akong ibigay lahat ng 'yon sa kanya.

Pero mukhang pati 'yon ay hindi na rin mangyayari.

"May ipon ako Nay. Mababayaran natin 'to." alo ko sa kanya kahit hindi ko alam kung sasapat ba 'yon.

Habang tumatagal si Tatay ko sa ospital ay unti-unti na ring nauubos ang ipon ko. Malapit na ang semestral end kaya unti-unti na ring nagpaparamdam ang mga bayarin.

"Sorry." sabi ko kay France nang makita ko ang result ng NMAT.

He passed but he didn't make it to the top. Imposible nga namang mangyari iyon. He was almost an hour late and even he's already taking the exam that day, I knew he's distracted. Kada lipas ng treynta minuto ay tumatawag siya sa'kin, tinatanong kung kamusta na si Tatay. I know he didn't do well.

"It's alright." he comforted me. He even got the guts to laugh. Gulat ko siyang tiningnan.

Magkatabi kami sa isang bench sa labas ng public hospital kung saan naka-confine si Tatay. Mag-a-alas dose na pero hindi pa rin kami dinadalaw ng antok.

"I still got an offer from the de Silva Hospital."

I bit my lower lip and nodded my head. I am already expecting it, I sought help from Hope and Jo for this. But why do I feel like I am not happy about it?

"It's just like I topped the exam." masaya nitong balita.

He really doesn't care about the recognition. Kasi kung oo, he would have feeling devastated right now.

"Hey you're silent. I am not expecting that reaction." he nudged me.

Inangat ko ang tingin sa kanya at ngumiti.

"Sorry. Ini-expect ko lang talaga na mabibigyan ka ng offer kagaya nito kahit hindi ka naging top notcher." sabi ko, pinipilit ang sarili na maging masigla.

"Amidst the darkness, hope is still finding its own way to gleam." sabi ko habang nakatingin sa kanya.

He looked at me. His smile brightens in the middle of the night.

"Right." he agreed with a smile. "It's like my hard work has been paid off. Ang saya lang sa pakiramdam kasi kusang lumapit sa'kin ang ospital para alukin ako ng scholarship."

And that's when guilt started to rip me inside.

Love of France (Friend Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon