Hindi ko inasahan na matatagpuan kita sa gitna ng kaguluhan at mga kalituhan
Hindi ko inakalang magagawa mong banggitin ang pangalan ko na tila may kasiguraduhan
Hindi mo inalintana ang distansya, hindi ko inisip ang sukat, ang agwat, ang layo
Hindi natin hinayaan na harangin tayo ng anumang elementong hindi nakikita ng ating mata at nadarama ng ating pusoSa iyong pagkaway ay siya ring pagkumpas ng aking kamay pabalik ng walang pag-aalinlangan
Nag-usap, nagbahagi tayo ng mga parte ng ating pagkatao na naging mitsa ng mga kilig at tawanan
Nagsimulang umusbong sa akin ang binhi na naging dahilan ng pag-amin sa hindi tamang oras at pagkakataon
Lumamig ang simoy ng hangin, nawala ang sigla ng paligid, tumamlay ang bawat salita, kumupas ang tawanan mula noonHindi ka bangin subalit tila ako'y nahulog sa lalim ng iyong bawat pagngiti, sa tamis ng iyong bawat pangungusap
Hindi ka araw subalit ako'y nasisilaw sa bawat larawan mo na nagmimistulang ilaw, sinag ng aking bawat pangarap
Hindi ikaw ang buwan subalit mas nakakaakit ka sa tuwing hindi ka buo at mas nasasabik ako sa tuwing ikay nasa malayo
Hindi ikaw ang mundong pinangarap ko subalit ang pag-ikot ng bawat ideya sa aking imahinasyon ay dinadala ako patungo sayoSubalit hindi ang lahat ay maibabalik sa akin sa kung paano ko ito naisin, sa kung paano ko ito hilingin
Sa bawat pag-ihip ng hangin tila may tinig na bumubulong sa akin na dapat maghinay-hinay wag kong madaliin
At kung sakali mang ikaw ay may ibang gustong sabihin, nais wakasan, kung nais mo mamaalam
Wag ka sanang mag-alinlangan na banggitin ang mga katagang magiging sanhi ng aking pagluha na kailanma'y di ko inasam.
BINABASA MO ANG
Pieces of Reveries
RandomReverie is the groundwork of creative imagination; it is the privilege of the artist that with him it is not as with other men an escape from reality, but the means by which he accedes to it. -W. Somerset Maugham