Chapter 12

21 2 1
                                    


"GUSTO niyong sumama sa swimming?" tanong ko kay Janine at Rowan. Nasa isang milk tea shop kami malapit sa school ni Rowan.

Nagkatinginan naman si Rowan at Janine. "Kapag sasama si Janine, sasama ako."

"Kapag sasama si Rowan, sasama ako." Sabay pa silang sumagot.

"Saan ba mags-swimming?" tanong ni Janine.

"Sa Water Camp," tugon ko.

"Sino-sino'ng mga kasama natin?" tanong naman ni Rowan.

"Mga relatives ko tapos si Mitchie."

"Okay, sasama kami," sabi ni Janine.

Maayos na naman si Janine at Mitchie. Para nang magiging mag-best friends na silang dalawa dahil lagi na rin silang nag-uusap.

"You, guys, won't ditch me, right?" paninigurado ko. I can still remember when they ditched me the last time that we planned to go swimming. Hindi nila ako sinipot sa Water Camp. Buti na lang talaga at kasama ko ang mga relatives ko no'n kaya hindi na rin ako naging malungkot. Kung ako lang siguro mag-isa at wala akong ibang kasama, baka hindi ko na sila kaibigan ngayon.

Natawa naman si Janine at Rowan. "Syempre ay hindi na! Kaya lang naman kami hindi pumunta dati ay dahil may biglaang lakad. Ako, may biglaang lakad 'yung family namin at pumunta kami sa Batangas. Kay Rowan naman, dumating 'yung papa niya."

"Siguraduhin niyo lang talaga na hindi niyo na ako idi-ditch! Friendship over na talaga kapag hindi niyo ako sinipot," babala ko.

"Oo, pupunta kami! Nandoon naman si Mitchie kahit hindi ka namin siputin! Sure na sure akong pupunta 'yong isang 'yon!"

NASA Water Camp na ako pero wala pa ang mga inimbita ko. Nangangamba tuloy ako na baka wala sa kanilang tatlo ang sumipot.

"Aiden!" Pagkalingon ko ay nakita ko si Mitchie na kakababa lang ng kotse at tumakbo papunta sa akin.

"Akala ko ay hindi ka susupot, eh." Pabiro niyang hinammapas ang balikat ko. "Syempre ay pupunta ako! Hindi naman ako ghoster, Aiden!"

Ilang sandali pa kaming naghintay sa labas bago dumating si Janine at Rowan. Agad kong niyakap si Janine. She hugged me back at ginulo ang buhok ko. Si Rowan naman ay nakiyakap sa amin.

Bigla kaming nagkatitigan ni Janine. Parang may kakaiba sa mga mata niya na hinihigop ako. It's like I'm being sucked by her eyes. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Ito na naman ang abnormal kong puso. Natatakot na tuloy ako na baka ay may sakit ako sa puso dahil tuwing nand'yan si Janine, lagi na lang bumibilis ang tibok nito.

"Huy! Tara na!" sigaw ni Mitchie at hinila ako kaya natanggal ang tingin ko kay Janine.

Bumili muna kami ng ticket bago kami pumasok. Dumiretso kami sa cottage na ni-rent ng mga relatives ko. May dala namang pagkain sila Janine kaya hindi nakakahiya kung makiki-share sila ng cottage.

"Collete? May sunblock ka?" tanong ko sa pinaka-close kong pinsan. Iniabot naman niya sa akin ang isang malaking bote ng sunblock.

"Kaunti lang, ah. Ang mahal ng bili ko dyan. Dapat mag-last 'yan ng three years," saad niya.

"Ang kuripot mo talaga!" asik ko.

Naglagay ako ng sunblock sa katawan ko para hindi ako masyadong umitim at magkaroon ng sunburn. Sobrang sakit pa naman sa balat ng sunburn.

"Aiden?" Kinalbit ni Janine ang likod ko. I suddenly felt conscious. Naka-rashguard ako ngayon para hindi nila makita ang mga pimples at dark spots ko sa likod at sa dibdib. Sobrang nakakahiya kung makikita pa nila 'yon. Maputi ang kulay ng balat ko kaya mas lalong halata ang mga mapupulang pimples.

MythomaniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon