Di ko alam pa'no 'to sisimulan, pero ito lang masasabi ko.. Love? ano yun? pagkain ba yun? o salitang malabo intindihin? Magulo. Nakakainis. Masakit. Masaya. Yan daw ang love.
Ako si Aen, isang 4th year highschool student, masayahin akong tao, kahit simpleng bagay tinatawanan ko na o binibigyan ko nang halaga o importansiya, makulit din ako at napaka "SABOG" kaya siguro nag-break kami ni PAST kasi dahil ganun ako. Di ko ba alam, okay lang naman eh, pero masakit dun sinaktan niya ko ng todo, yung akala mo na hindi niya magagawa sayo pero nagawa niya, yung akala mo na di siya ganun pero ganun siya, nakaka-ewan lang diba? nakakagago at nakakainis di ko malaman kung ano na gagawin ko, 1 year ako iyak ng iyak, sabihin na nating martyr ako pero yun talaga eh, haaay. Hirap nga kalimutan ng 1st love 'no? iba yung tama. Tsk. Pero bukod dun, may nakilala ako lalaki, pangalan niya Enz, siya yung tipo nang lalaki na unang kita mo palang e, parang ang nerd niya, siya yung tipo nang lalaki na mahiyain pero gwapo, mabait at simpleng lalaki lang. Atleta siya. Di ko ba alam, ba't ako nagkagusto dun dahil siguro mabait at atleta. Nireto siya ng tita ko saakin, so nirereto din siya sakin, nung una kaming nagkita na-feel ko yung kaba at hiya niya, so ako naman si mahiyain din, nakita kong namula yung mga pisge niya, at ang lamig ng pawis sobra, hindi ko alam kung anong meron sakanya, so ako naman pa-smile smile lang, mukang tanga sa isang tabi, bukod din pinakilala kami sa isat' isa at inasar kami ng inasar, natatawa ako sa mga sinasabi nila na "Uy! Gf mo?" tas ang sabi niya "Di pa nga eh! kayo talaga niloloko niyo ko" nakakatuwang isipin na simpleng ganun, e nabubuo yung "feelings" mo kung baga. Makalipas ang mga gabing iyon, inaadd niya ko sa facebook di ma pantayan ang ligaya ko nung inadd niya ko, yung feeling na mas para ka pang nanalo sa lotto ganun ang feeling, matapos lahat ng walang usap usap, tumating sa puntong pumasok sa isipan ko na "Kausapin ko kaya, gusto ko siyang maging friend" at yun nga, kinausap ko at sympre first stage medyo hiya hiya pa yung paguusap at getting to know pa at puro pagkain ang laman ng bibig namin. Lumipas nanaman ang 4 weeks nag usap ulit kami, yung pag uusap na yun, nabago may TWIST na.. Laban ko nung sa volleyball, siya may laban din sa bowling napagusapan lang namin yung konti yung pagkain tapos, shinare ko na nanalo kami, sabi niya "Manlibre ka naman!" sabi ko "Layo mo eh, Sayang" , "Puntahan kita" sabi niya at nagulat ako sa salitang na yon, lumipas ang usapan namin at napunta ulit sa pagkain, ineenjoy namin yung pag uusap at lahat lahat, masaya kami nun, napakasaya pagtapos nun kinamusta niya kondisyon ng katawan ko at ako nagulat ako kasi di ko inaasahan yun, sinabi niya na din na may laban siya edi humirit ako sabi ko "Punta ako sa laban mo, gusto kong manuod" sabi niya "Nako, malayo mag-a-alala lang lalo ako sayo" yung feeling na may nagaalala pa pala saakin bukod sa magulang ko. Natuwa ako nung mga sandaling iyon, yung care niya, yung mga banat niyang "Pupuntahan kita kahit san ka man pag libre talaga ako" yung mga "Di ako kakabahan kung di ka kakabahan" Nakakatuwang isipin diba? at pag tapos nung usapan namin na yon, natulog akong nakangiti at puno ng saya! Kinaumagahan shinare ko agad sa tropa ko at ayun kinilig sila at lalo na ko. Makalipas ang ilang weeks di ko alam kung ilan, nagusap ulit kami at 'tong paguusap na to ay nakakalungkot di ko ba alam, ang boring di katulad dati at medyo nakakatampo, kasi namiss ko siya eh, namiss ko talaga siya pero ayos lang atleast nakapag usap, bestfriend ko siya ngayon, at parehas naman kaming single hehe, di 'to friend zone kundi sa bestfriend lang talaga nagsisimula agad. Pero mga pare, abangan natin ang susunod na kabanata ko ah! Pagdasal natin ako kayang mangyayari sa buhay ko? :) Paalam!
