Hahanapin mo rin ba ako
kapag nawala ako isang araw?
O kalilimutan mo na din ang lahat
kasing-bilis ng bulalakawSinta ang pag-ibig ko sa'yo
kasing lawak ng kalawakan
Pero bat ang pagmamahal mo'y
'di tulad ng pangako mong
pang-walang hanggan'
di manlang tumagal ng buwanNakalimutan mo na din talaga,
ang kwento noong puso natin ay iisa
Sayong pagkalimot,
ang ala-ala hindi ko na maalala
Noong tayo'y natapos,
hindi ko na alam,
kung paano at saan mag-uumpisa
At kung sa ibang mangangako'y
maniniwala pa ba.