This story is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are the product of the author's imaginatiom or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, locales or persons, living or dead, is coincidental.
** ** ** ** ** ** ** ** ** **
December 12, 2017
Hi Archer!
(Hoy, paalala lang na mahaba 'to ha... 'di bale nagbabasa ka naman ng mahaba 'di ba?)Nami-miss na kita! Ang tagal mo kasi akong hindi pinapansin eh! Joke lang! Uy! Merry Christmas nga pala kahit may ilang linggo pa ang lilipas. Ahh... Ano bang sasabihin ko sayo? Hay! Loko ka talaga! Eto ako ngayon at mag-ta-type pa ng pagkahaba-haba para lang sayo! Haha! Pero okay lang, para naman sayo eh. Oh teka teka, wag ka masyadong kiligin ha? Joke lang ulit! Tsaka gusto ko rin naman 'to, ang magsulat ng letter para sayo. Minsan lang 'to sa isang taon eh, kaya susulitin ko na. At nga pala, ngayon lang din ako nakakilala ng taong katulad mo. Haha... Para masaya 'tong letter na 'to, magkwe-kwento na lang ako! Syempre tungkol sa atin, alam mo namang hindi ako pala kwento sa tuwing sinasabi mong magkwento ako, pero ngayon pag-bibigyan kita. Hehe.
Magsimula tayo sa parteng naging magkatabi tayo ng upuan. Alam mo bang inis na inis ako no'n sayo nung pinatabi ka sa akin ni ma'am? Kasi ang epal epal mo sobra. (Teka, wag kang magtatampo ha, honest lang ako ngayon! Haha :p ) ta's ayon na nga, tuloy tuloy na, marami pa akong naaalalang memories pero siguro nakalimutan mo na yung iba.
Naalala mo ba no'ng sinampal mo ako? Haha! Ang landi mo kasi eh. Kaya sinubukan ko ring landiin ka ng pabiro. Pero, walang hiya, ako pa 'yong nasampal! Haha. Sorry sa pagsubok kong ilapit ang mukha ko sa mukha mo! Haha. Wag mo kasi akong titigan ng pa cute! Pero sa tuwing maaalala ko 'yon, natatawa na lang ako, naiinis pa rin ako nung sinampal mo ako, pero okay lang naman. Tapos yung ano naman, yung mga panahon na hindi kita pinapahiram ng mga gamit ko sa school, tapos sasabihan mo ako ng 'nakakahiya naman' ganon ganon.. May panahon talagang ganon eh, na madamot ako, pasensiya na! Minsan pa nga ay nagtatampo ka, dahil lang sa hindi ko pagpapahiram sayo, lalo na nung humiram ka ng colored pencils ko! Haha! Daig mo pa ang babaeng magtampo, pero natatawa ako kasi ang cute cute mong mag-tampo. Ilang months na pala tayong naging magkatabi? Teka alam ko 'yon! Mahigit dalawang buwan! Ha! Kala mo ha! Sa mahigit na dalawang buwan na 'yon, naging masaya ako na naging katabi kita, kahit nakakainis nung mga unang linggo. Haha. Pero sulit talaga 'yon.
Syempre, hindi pa dito nagtatapos. Hinding hindi ko rin malilimutan yung mga araw na gumala-gala tayo. Anim na araw sa kabuoan, hindi masyadong maraming araw, pero pakiramdam ko, yung mga araw na yun ang kumumpleto sa buong taon kong ito. Iisa-isahin ko ang mga araw na 'yon. Naalala mo ba no'ng August 21, 2017? Ito 'yong unang araw na gumala tayo. Tinanong kita no'n kung nagawa mo na ba 'yung pina-pa-drawing ko sayo para sa Filipino natin at pinapunta kita sa town para mai-abot mo sa akin kung pwede ka. Kasi kung sakali man na hindi dumating ang mga kagrupo ko naman sa English, at least naman ay may mapapala ako sa pagpunta ko sa town at sa paghihintay ko sa mainit na Rose garden. (Nag-chat din ako kay Erick no'n tinanong ko siya kung asan na siya, pero sabi niya sa akin umuwi na daw siya, pero ang totoo naman pala ay nasa Volante siya at nag-computer! Hay nako.) Tapos ayon na nga, tinanong mo rin ako no'n kung saan pa ako pupunta kung sakaling 'di na talaga sila sisipot, sinabi ko naman na bibili ako ng regalo ko para kay Jel para sa kaarawan niya, tapos bigla mo na lang sinabi na sasamahan mo ako. Nakakahiya na 'yong mga sumunod na nangyari haha! Kaya hindi ko na isusulat pa dito! Bahala ka nang alalahanin! Pero sa unang araw na 'yon, nag-enjoy talaga ako. Kahit ang daming nakakahiyang pangyayari haha!
Ang sumunod naman ay no'ng September 8, 2017. Event 'yon na gaganapin sa church nila Jel. Ito 'yong araw na sobrang nainis ako sayo at ipapa-alala ko ang buong detalye sayo! Haha, mga nangyari pala. Una, niyaya kasi ako ni Jel sa event na gaganapin sa church nila, kaso nagdalawang-isip pa ako no'n kasi gabi na gaganapin 'yung event tapos wala akong makakasama pag-uwi. Inimbita nga rin niya ang pamilya ko, pero alam ko namang walang sasama kaya ni rason ko na lang na "busy" sila. Tapos bigla niyang sinabi sa akin na "Si Archer na lang ang isama mo." Syempre nabigla ako sa sinabi niyang 'yon! Haha. Umayaw agad ako. Ayoko rin na imbitahan kita. Kaya, dahil sa ayoko nga, siya na ang nagtawag sayo. Hay nako. Pero ako rin pala ang mag-iimbita sayo sa bandang huli. Nako nako. Ayon pumayag ka rin naman agad kaya may makakasama na ako sa event. Friday ng 5 pm gaganapin ang event. Ang linaw linaw pa ng usapan natin no'n. 'Di ba 3 pm ang uwian natin tuwing Friday kaya mahaba ang oras natin para umuwi at magpalit ng damit. Kaya sabi ko, uuwi muna ako para magpalit ng damit. Sinabi mo rin na sasama ka sa akin papuntang paradahan ng dyip ng inuuwian ko kasi sabi mo, malapit lang doon ang pinag tra-trabahuhan ng mama mo at magpapa-alam ka na rin AT sabi mo DOON ka na rin maghihintay ng oras. Syempre, ayoko na ng mahabang diskusyon pa at madali naman akong kausap, pumayag na lang din ako. Tanda mo pa ba? Ang linaw linaw ng usapan natin no'n. Sinabi ko na rin kung saan tayo ulit magkikita. Kaya ang ayos-ayos ng usapan natin.
BINABASA MO ANG
Writer's Writer
Teen FictionI thought it was love. Akala ko pag-ibig na. Hindi, hindi naman siya "Akala ko lang pala" Kasi.. At some point, nagmahalan naman kami. And it felt so real. Yung tipong meron ako, at meron siya. Merong mahal kita, at sagot na "mahal rin kita" Par...