NOTA NI AYEN PARA SAYO:
Hi guys! Hahaha. One shot lang po ito. Walang extension period.
Feel free to comment and don't forget to vote. Thanks ❤
☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★
Sabi sakin ni Mama hindi niya raw ako ipinaglihi sa ampalaya. Naging maganda naman daw ang takbo ng love story nila ni Papa. Nagbunga pa nga raw ng tatlong anak ang matamis na pag-iibigan nilang dalawa eh.
Ang panganay kong kuya masaya sa takbo ng pagmamahalaan nilang mag-asawa. Yung pangalawa naman sa kaniya, may magandang takbo rin ang love life. Pero bakit daw ako, hater. Bakit daw ako bitter?
Sabi ni Papa hindi niya raw kasalanan na Alaia ang apelyido ko, at Amphere naman ang pangalan ko. Siguro raw dun ko nakuha ang pagiging bitter kuno.
FYI, Hindi ako bitter.
HINDI.
Sadyang may nangyari lang noon na hindi nila alam dahil tanging ako at ang mga kaibigan ko lang ang nakakaalam ng dahilan kung bakit ako ganito. Kung bakit ako nagkakaganito.
______________________________________
February 13, 2015. Friday. 8am
Yow Diary,
First time ko nalang ulit sumulat sayo. Sinabi ko kasi noong December na sisimulan kong magsulat ulit nang January kaso hindi ko naman natupad. Sorry.
Naisipan kong sumulat sayo ngayon dahil mag-iisang taon na nang huli akong tumigil sa pagsusulat. Namiss mo ba ang magandang sulat ko? Hahaha ツ
Alam mo diary, wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko. Kapag kasi sa mga kaibigan ko ako nagsasabi, sinasabihan lang nila ako na Bitter daw ako.
Sawang sawa na ako sa kanila.
Uunahan na kita Diary ha.
Hindi ako bitter.
Naiinis lang ako, paano, Valentines day na naman bukas. Nakakabwisit. Alam mo namang sa lahat ng month na mayroon ang isang taon, ang February ang pinakaayaw ko diba? Kaya heto ako, magbubuhos ng sama ng loob sayo.
Bakit ba kasi kailangan pang i-celebrate yung araw na 'yun kung pwede namang araw-araw nalang nilang ipakitang mahal nila ang isa't isa. Diba? Bobo talaga nag-imbento niyan.
Kailangan talagang lantaran ang pagpapahayag ng pagmamahalan nila? Kailangan talaga may nakakakita kung gaano sila ka-sweet sa bawat isa? Kailangan ba talagang mang-inggit sila?
Edi Wow. Sila na may love life! Ako na single! Sige na. Aakuhin ko na ang pagiging loner.
Nakakairitang makita diary na habang papalapit ang araw ng Feb 14, marami na agad na nakasabit na pulang puso dito sa loob ng school namin. Maging hanggang sa labas, may mga pulang lobo na nakabalandara talaga sa lansangan dahil sa mga nagtitinda. Hindi lang lobo ha, pati yung mga pekeng bulaklak na kulay pula, mga styrofoar na hugis puso na pinintahan ng maputlang pula, mga kendi na halatang hindi naman masarap.
Ang weird lang. Kailangan talagang hugis puso ang lahat ng bagay na nakikita ko? At pati yung kulay, kailangan pula talaga? Ayoko pa naman ng kulay dugo.
Mabuti nalang at mamayang hapon pa ang pasok ko. Dito muna ako sa kwarto ko. Mas gusto kong tumambay dito kaysa lumabas. Maliban kasi sa bughaw na kulay ng kwarto ko, walang hugis puso dito.
BINABASA MO ANG
Diary ng Bitter - One shot
Teen FictionHINDI AKO BITTER. PERIOD. Requested by @atLasTiFoundYou Diary ng Bitter. A Y E E N G G