"Congratulations, Mr. Fablo. You are now cancer-free," Nang marinig ko 'yon sa doktor, hindi tumigil ang luha ko sa pagtulo.
Isang araw, hindi ako nawalan ng pag-asa na baka... baka makita ko pa siya.
Dahil araw-araw, 'yon ang inaalala ko. Na baka isang araw, hindi ko na siya makikitang ngumiti pa sa'kin. Na minsan, hindi ko na makikita ang mga mata niyang walang kapantay ang saya.
"Jobet, ilagay mo na 'tong mga kahon sa tricycle natin. Ipagkasiya mo ha. Mamaya ko na tatalian lahat," Maingat kong dinala ang mga paninda ni Nanay.
"Sige, Kuya Max!"
Tinext ko muna si Nanay na papunta na kami ni Jobet, dahil nauna na siya para ayusin ang pwesto namin sa Bangketa. Simula bata pa 'ko, 'yon ang hanap-buhay ng Nanay ko.
Nang masigurado kong nakaayos na ang mga paninda, pinaandar ko na ang tricycle namin. Panigurado, marami na namang tao niyan sa Bangketa.
"Hoy, Kuya Max! Tingin!"
Huli ko na maiwasan ang babaeng dumadaan nang mabangga ko na siya mismo. Napahiga siya sa sahig at mukhang nasaktan talaga.
"What the fuck!"
Agad akong bumaba para tulungan siya. Nagasgas ang braso niya. Napangiwi ako. Kailangan ko pa ba siyang dalhin sa clinic? Saan ko naman siya isasakay kung gano'n?
"Don't touch me! Hindi ka kasi nagi-ingat!" Aniya.
"Anong hindi nagi-ingat? Ikaw ang hindi tumitingin sa daan," Sabi ko sa kaniya. Aaminin ko sanang kasalanan ko naman, pero ang sungit-sungit naman niya!
Akala ko'y 'yon na ang huling pagkakataon na magkikita kami, ngunit gumawa na naman siya ng eskandalo sa mismong Bangketa. Kasalanan din naman kasi ni Bubot. Kung sinabi niya sanang nagugutom siya, puwede niya akong lapitan.
Habang ginagamot ni Hannah ang sugat sa mukha ko, hindi ko mapigilang hindi mapaisip sa babaeng 'yon. Parang familiar na familiar siya sa'kin. Parang nakita ko na siya dati pero parang hindi ko lang alam kung saan.

BINABASA MO ANG
Love in Bangketa
RomanceKANTOBOYZ SERIES #2 - Sa pagkatagal tagal na unrequited love ni Maximo Colt Fablo sa kaniyang kaibigan na si Maria Magdalena Burkot, akala niya ay hindi na ito magtatapos. Ngunit, nang dumating ang panahon na nasaktan ito, doon na siya nakasigurado...