Dedicated to kay ATE YAM!
Dahil cute siya at may fansign ako sakanya! LOL!
Basta, idol ko din yan eh. Sana gising pa siya ngayon. ^__^
Eto na, enjoy! Sorry sa mga foul word.
-
Sa buhay maramingunexoected things na nangyayari.
SA IYO, SA MUNDO, SA ATING BANSA, SA KWARTO, SA KULUGO, SA BAGONG ITSURA NG PABORITO MONG ARTISTA, SA PIGSA AT SA AKIN.
Katulad na paghagupit ng bagyong Pablo kamakailan lang, sabi ng PAG-ASA, lalabas na daw ito ng PAR noong huwebes pero hanggang noong isang araw, hindi pa din. Malakas mang-trip ang bagyong ito dahil naisipan pa niyang mag-Uturn.
Ang kasal ni CARMINA AT ZOREN, ang doomsday at pagtuklas ng Microsoft ng bagong operation system, ang windows 8. Ang paggawa ng bagong cookies na gawa ng malunggay.
Pero wala namang koneksyon ang mga binanggit ko sa pagbabago ng buhay ko, bukod sa wala naman akong naitulong sa ibang nasalanta, inaksaya lang nila ang oras ng mga taong nanunuod ng bente kwatro oras.
Ako si FRENZ.
Pwede mong ihalintulad ang pangalan ko sa isang sikat na brand ng condom.
Kung medyo close tayo, pwede kitang batukan. Kung hindi naman, pwede kitang ipagulpi mamaya bilang ganti sa pag-alilipusta ng baduy kong pangalan. BADUY NA NGA, GAGAWIN MO PANG BASTOS!
Masyado bang cliche ang opening ko?
Well, well, well. Para namang naiba ako, ice lang yan. Sa pagkakaalam ko, ganito naman rito sa industriya ng wattpad. At saka, baka makaligtaan ko pang masabi mamaya at hindi na kayo nabigyan ng pagkakataon kilalanin ang magandang dilag na tulad ko.
Pagbabago? Marami ako niyan!
Marami-rami na rin ang pagbabago na naganap sa buhay ko, bukod sa bago kong hairstyle, haircolor, sa bago kong section, sa bagong string ng gitara ko at sa bago kong pimple sa noo.
Pero higit sa lahat, etong pagbabago na ito ang naghatid sa akin ng kaisipang normal pa ba akong tao? Dahil nagbago na rin ata ang taste ko sa mga lalaki ko!
Nahumaling ako sa isang lalaking abnormal ang tubo ng buhok.
Hindi ko siya kilala at hindi niya rin ako kilala. Naging crush ko siya ng hindi ko rin inaasahan. Basta naisip ko na lang na para akong yakult na everyday okay kapag nasisilayan ko siyang ngumingiti, tumutugtog, nakikipag-asaran at hinahawi ang mga mahahabang hibla ng buhok niya. Na parang nanunuod ako sa t.v, na puro shampoo commercial ang napanuod ko.
It's so gay but I'm so kinikilig here!
Sabi nila, dugyutin, pulubi, mukhang aso at mukhang timawa raw ang mga long hair na guy. Lahat na raw ng pangit na amoy na sa kanila na, yung putok, anghit, pati bad breath hindi pinalampas! Mahabo din raw ang buhok ng mga ito. Hindi marurunong magsuklay kaya ganun. At syempre, total package na kung meron siyang bad odor. Kung ano-anu pa ang nakalagay sa ilong, dila, tenga, noo, gilid ng kilay, leeg, pusod, pati sa kili-kili gusto din ata nilang lagyan ng kadena. May mga tattoo rin raw ang mga ito. Mga bad boy at higit sa lahat ang pinakamatindi, MGA DRUG ADDICT RAW DIN ANG MGA LONG HAIR!
Hala! Aku'y nabebegla naman dine.
Nagpahaba lang buhok? AGAD-AGAD? Salot na sa lipunan?
