WHILE sitting comfortably on the wooden sofa, the screen door of our house opened. Iniluwa nito si nanay na mukhang pagod na pagod. She exhaustedly sat on the space beside me. Halatang halata sa hitsura niya na marami siyang ginawa ngayong araw.
"Ganitong oras ba ang uwi ng matinong ina, Divine? 6:30 na! Nag-aantay na ang mga anak mo ng pagkain. Dapat ay kanina ka pa umuwi," saad ni tatay.
I shut my eyes close. Ito na naman siya sa mga pangaral niya na dapat ay sa sarili niya ina-apply.
"Pwede bang 'wag mo na ako talakan, Eldridge? Pagod na pagod ako ngayon kaya bukas mo na ako bungangaan. Pwede?" tugon ni nanay.
Kumunot ang noo ni tatay. I suddenly felt that the tension became intense than it was just seconds ago. Walang nagsasalita sa aming tatlo na nandito sa sala.
"At bakit ka pagod na pagod, ah? Ano? May lalaki ka na ngayon? Ano? Pinapabayaan mo na ang mga anak mo?" There he goes again with that "may lalaki ka" accusation.
"Paano ko pa magagawang manlalaki kung lahat ng oras ko ay nauubos na para lang may mailagay akong pagkain sa mesa, para may bubong sa taas ng ulo niyo, at para may maginhawa kayong buhay na matamasa? Do you really think that I still have the time for infidelity? 'Di ba, matalino ka, Eldridge? Bakit hindi mo naisip 'yon?" ani ni nanay.
"Kung makapagsalita ka ay parang ikaw na ang sumasalo ng lahat ng bayarin, ah. Nagbibigay ako ng sweldo sa 'yo kung nakalimutan mo na," tugon ni tatay.
Pagak na natawa si nanay. "Sweldo? Magkano lang ang binibigay mo sa 'kin? 'yung binibigay mo, pang-tuition lang 'yon ng mga anak mo. Ako ang sumasalo sa pagkain, kuryente, tubig, sa baon ng mga anak natin, at sa iba pang pangangailangan! Doble-kayod ako!" pagod na pagod na tugon ni nanay.
I saw tatay clenching his jaw. "Teka nga, paano tayo napunta dito? Ang usapan ay kung bakit late na ka umuwi."
I sighed. Hindi ko alam kung bakit sarado ang utak ni tatay. Nabagok ba siya noong sanggol pa siya? Nayugyog ba siya sa ulo?
"Ano naman pong masama kung umuwi si nanay nang late ngayong araw, 'tay?" saad ko kaya sa akin napunta ang tingin ni nanay at tatay. "Baka lang po nakakalimutan mo, 'tay, na mas marami siyang trabahong ginagawa kaysa sa 'yo. At isa pa, ngayon lang siya umuwi nang 6:30 pm. Just because of this ay kakalimutan mo nang araw-araw ay 5:00 pm pa lang ay umuuwi na siya para lang paghandaan tayo ng pagkain?" I bit my lip. Ayaw kong magsabi ng mga masasakit na salita kay tatay kaya pigil na pigil ko ang bibig ko.
"Wala pong masama kung umuwi siya nang late ngayon. She can come home anytime she wants anyway. Hindi porke at ina na siya ay tatanggalan mo na siya ng freedom. Mas madalang pa sa full moon kung mag-unwind si nanay. All her time ay inilalaan niya sa atin. May mawawala ba kung umuwi siya nang late ngayon? Trabaho pa ang dahilan kung bakit siya late umuwi at hindi paggagala, ah," litanya ko.
Dinuro ako ni tatay. "Ano'ng ipinupunto mo, ah?"
"I'm saying that you should not deprive her of her freedom. Pwede niya pong gawin ang gusto niya as long as tama 'yon. November 2019 na, 'tay. Wala na tayo sa panahon ng mga Kastila kung saan kinukulong ang mga babae sa bahay. May gender equality na, 'tay. Pantay na ang karapatan ng babae at lalaki. Tigilan mo na po 'yang gender stigma, 'tay," saad ko.
"Don't use that 'gender equality' and 'gender stigma' card on me. Dapat pa ring malaman ng nanay mo na ang matinong ina ay hindi umuuwi nang late," nanggagalaiting sambit ni tatay.
Kumuyon ang kamao ko. "No, 'tay. Kung ang matinong ina po ay hindi umuuwi nang late, dapat ay ang matinong ama ay hindi rin umuuwi nang late." I gritted my teeth. "Kapag po ba umuuwi ka nang halos madaling araw na ay may naririnig ka sa 'min? Kapag po ba halos gumapang ka na para lang maka-uwi sa bahay dahil lasing na lasing ka ay may naririnig ka sa 'min? Wala! Kaya 'wag mong sabihing hindi matinong ina si nanay dahil lang umuwi siya nang late ngayong araw. It's just one time, 'tay! Ikaw nga 'tong kahit anong oras mo gustuhing umuwi ay doon ka lang uuwi pero wala kang narinig na pagbubunganga sa 'min kahit na isang beses."
BINABASA MO ANG
Mythomania
RomanceMythomania (Mania Series #1) Previously known as Mythomaniac. "I promise to shower you with my constructive love-the love that will build you up and won't destroy you." Maraming nangyaring hindi maganda sa buhay ni Aiden noong bata pa siya. Natutuna...